Ang buong akala niya ay itinulak siya nito without a purpose. Although, feeling niya ay mali at sana ay hinamig na lang siya nito o hinapit ang baywang para pareho silang hindi nalaglagan ng box. Pero as usual ay hindi siya nito pinansin.
“Huh? Saan galing ang isipin mong ‘yon, Bea?” saway niya sa sarili. Para siyang timang na kausap ang sarili dahil sa actions ni Mr. Belmonte na siya rin namang ipinagpipilitan ni Inggrid.
Sumunod naman kaagad si Laurice sa boss niya at naiwan sina Inggrid at Bea sa labas. Iniisip pa rin niya at pinipilit i-recall ang mga pangyayari. Saka naging malinaw sa kaniya kung bakit may mga tao sa likod ni Mr. Belmonte noon. Iyon ay para tulungan ito sa bumagsak na box.
Halos isumpa pa naman niya ang pagka-antipatiko ng boss niya. Ayun pala ay ito pa ang nag-save sa kaniya. Iniisip niya kung paano makapagpapasalamat dito na hindi siya dini-deadma nito. Ngunit paano?
“Ang cool niyang boss ‘no?” pagpapatuloy pa rin ni Inggrid. Iniwasan na lamang niya ito at nagpaalam na babalik na sa loob.
“Pasok na tayo? Marami pa akong gagawin e.” yaya niya rito. Tumalima naman ito dahil boss pa rin naman siya ng mga ito.
“Okay, Ms. Bea.” pumasok na sila sa loob at si Bea ay dumiretso naman sa sariling opisina para tapusin na rin ang mga naiwan niyang trabaho.