Ikaw Na Nga Chapter 14

1071 Words
“I gathered everyone this afternoon to thank you all for your hardwork.” sabay-sabay na nagtinginan ang mga ito sa ceo nila. “I know a lot has been going on at the warehouse. Despite those, I chose to trust you all. I need your full support and cooperation for the company’s success.” sabi nitong muli na pinakikinggan naman ng lahat. Nakapokus naman si Bea sa sinasabi ng boss nila. “Yes, Sir. You can count on me.” agad na sagot ni Inggrid kahit na hindi lang naman siya ang sinasabihan ng boss nila. “Thank you, Inggrid.” ang malalaking mata ni Inggrid ay lalong nanlaki sa pagkamulat nang marinig niya ang pangalan niya. Natutuwa siya na tanda ng boss nila ang pangalan niya. “You’re welcome, Sir.” maagap na sagot ni Inggrid. “Let’s enjoy the food,” pagkasabi ay nagsimula na silang kumain. Ngunit katulad kanina ay inabot na naman ang kadaldalan ni Inggrid. “Sobrang naka-a-amazed kayo, Sir. From saving, Ms. Almanza to being a gentleman boss.” this time ay sinaway na ni Jed si Inggrid. “Kumain na lang tayo,” sita nito. Ngumuso naman si Inggrid. Tila marami pa itong sasabihin ngunit sinaway na siya ng boss niya. Hindi naman malaman ni Bea kung galit ba si Mr. Belmonte sa kaniya o ayaw lang talaga nito sa kaniya. Paano ay hindi man lang siya nito sinusulyapan. Hindi nga rin siya nito kinakausap. Baka natingin ito ngunit hindi lamang niya nati-tiyempuhan. “Hay nako, Bea. Ano naman sa’yo?” sita niya sa sarili. “I’m sorry, Ms. Almanza?” napaawang ang labi niya nang tawagin siya ni Jed. “Huh?” iyan lamang ang tanging nasabi niya. Nalilito siya kung bakit siya tinawag ni Jed ganoong wala naman siyang sinasabi. “I heard you saying something.” agad siyang umiling dahil totoo namang wala siyang sinasabi—sa kanila kung hindi ay para sa sarili niya. “I didn’t say anything,” sambit niya rito. Tumango naman si Jed. Nakamasid pa rin siya kay Mr. Belmonte ngunit tila wala naman itong pakialam. Hindi pa rin ito tumitingin sa kaniya. “Bakit ba inaalala mo pa kung natingin siya sa’yo o hindi? Umayos ka nga, Bea!” muling sita niya sa sarili nang mapalingon siya kay Inggrid. Tumikhim kasi ito nang pagkalakas-lakas na tila kinukuha ang atensiyon ng lahat bago magsalita. “But, seriously and honestly, Mr. Belmonte. Ang cool niyo po sa ginawa niyong pag-save kay Ms. Almanza.” sa wakas ay nasabi rin ni Inggrid ang kanina pa niya gustong sabihin sa boss niya. Tumango lamang si Lucio. “Tama ba ang narinig ko? Ako? S-in-ave niya?” she tilted her head a bit. Pilit ni-re-recall ang mga pangyayari sa warehouse. Pero wala siyang maalala. “Thank you for saving her, Sir.” segunda ni Jed. “Pati si Jed? Bakit parang ako lang ang walang alam sa nangyari?” bulong pa rin ni Bea. It’s either nasisiraan na ang mga kasama niya o sadyang wala siyang alam sa nangyari. “I actually didn’t. I just want to ensure no accidents and no one gets hurt.” buong tanggi ang isip ni Bea. Sa loob-loob niya ay natatawa siya. “No one gets hurt? E muntik pa nga akong mapilayan at mabangasan ang mukha ko.” bulong ni Bea. “Tsk. Antipatiko!” muntik na niyang mabitawan ang hawak niyang chopstick nang sikuhin siya ni Jed. Sinamaan niya lang ito ng tingin. Ngunit bahagya itong lumapit at bumulong. “Watch your words.” hindi niya alam kung ano ang sinasabi ni Jed. “What?” paglilinaw niya rito. “Sinabihan mong antipatiko si Sir.” mabilis na napatutop siya ng bibig dahil doon. Kagat labi siyang tumingin nang bahagya rito. Ngunit katulad kanina ay tila wala itong pakialam sa kaniya. Hindi man lang siya tiningnan nito. Matapos nilang kumain ay nagbayad na ang boss nila. Lubos ang pasasalamat ng mga empleyado at nakisabay na lang siya ng ngiti sa mga ito nang magpasalamat sila. Kahit awkward para sa pakiramdam niya. Ngunit wala rin maman itong reaksiyon. “Seriously? Ano’ng nangyari?” naka-tanga si Bea sa gulong niyang tila may nagtrip sa kanya at binutas ang gulong niya. “Ms. Almanza, kina Sir Jed na lang po ako sasabay. Paano po kayo? May spare ba kayo ng tire?” umiling siya rito. “Wala e.” hindi siya maaaring sumabay kay Jed dahil siksikan na sila lalo pa at nadagdag pa si Inggrid. “Wait, tanong natin si Sir Lucio.” bago pa man niya ito napigilan ay nakaalis na sa harapan niya ang binata. Daig pa si the flash sa bilis ng kilos nito. Malayo-layo ang parking ni Mr. Belmonte sa kanila kaya hindi niya narinig ang usapan ng mga ito. Pero pagbalik nito ay okay na raw. “Puntahan mo na si Sir. Puwede ka raw sumabay. Kami na ang bahala sa kotse mo.” hindi niya malaman kung ano ang usapan nila para mapapayag ito ganoong tila hindi siya gusto nito o walang amor sa kaniya bilang empleyado ng kompaniya. “Sure ka?” tumango na lamang si Jed. “Wait! Kay Sir na rin ako sasabay.” agad na bumaba si Inggrid at mabilis na hinatak ang kamay ni Bea papunta sa sasakyan ni Lucio. Pasakay na sana sa unahan si Laurice nang hatakin ni Inggrid ang kamay nito. “Tabi na tayo rito, Laurice. Si Ms. Almanza na lang sa unahan.” mabilis ang mga pangyayari at nakita ni Bea ang sarili niya na nakaupo sa unahan sa tabi ng boss nila. Tahimik ang lahat sa biyahe maliban kay Inggrid na tuloy-tuloy ang kuwento. Naisalaysay na yata nito ang buong buhay nito sa loob lang ng maiksing biyahe nila. At muli ay inungkat na naman nito ang pagkaka-save ng boss nila kay Bea. “Alam mo, Ms. Almanza. I mean, Bea. Mabuti na lang at naitulak ka ni Sir kahapon palayo sa bumagsak na large box. Kung hindi ay baka napilayan ka na.” hindi makapaniwala si Bea. Agad niyang nilingon si Lucio na seryoso sa pagmamaneho at tila walang pakialam sa pag-uusap. “Than—“ bago pa man masabi ni Bea ang sasabihin niya ay nakarating na sila sa warehouse ulit. Agad na nag-park si Mr. Belmonte at nagtungo sa opisina nito. Hindi na niya nasabi ang pasasalamat niya sa pagligtas nito sa kaniya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD