“Magandang umaga, Ms. Bea.” panibagong araw at panibagong inis na naman ang mararamdaman niya saad niya sa isipan niya. At katulad nang unang araw niya ay tipid na ngiti lang din naman ang ibinato niya sa mga ito.
“Suplada niya ‘no?” hindi niya malaman kung sinadya ba nitong si Inggrid na iparinig sa kaniya na suplada siya o napalakas lang ang sinasabi nito. Wala naman siyang balak pa na patulan iyon kaya naman dumeretso na siya sa kaniyang opisina para ipagpatuloy ang naiwan niyang trabaho.
Katulad ng mga nakaraang araw ay naging abalang muli si Bea. Marami pa siyang kailangang asikasuhin bukod sa pag-check ng manifest. Um-order na lang siya ng kape dahil hindi siya nakadaan sa starbucks knina.
“Ms. Almanza, just call me if you need anything. The ceo is back and so I’ll be accompanying him .” paliwanag ni Jed.
“It’s okay. I got it all and you don’t need to help me.” wala pa naman siyang nakikitang discrepancy kaya okay pa. At tumango naman si Jed pagkatapos ay iniwan na siya sa opisina.
“Hmm… parang na-double ang entry nito.” isa na namang box ang kailangan niyang i-check ngayon. Kung bakit ba palagi na lang may double entry. Hindi na lang muna niya ito sinilip dahil baka mayroon pa siyang makita. Kung sakali ay sabay-sabay na lang niya itong titingnan.
“Ms. Almanza, baka gusto niyo pong sumabay sa amin ng lunch.” si Inggrid ang nagsalita na hindi niya alam kung paano nito nakayang i-approached siya at the same time ay magsalita ng hindi maganda kapag nakatalikod siya.
“Sige, sunod na lang ako.” sa totoo ay ayaw niyang makipag-plastikan dito at makisabay sa lunch dahil tiyak na okay lang ito kapag kaharap siya.
“Ms. Almanza, actually po pinatatawag kayo ni Mr. Belmonte para sumabay…” kaya pala. Ngayon alam na niya kung paano nito nakayanan na lapitan siya—utos ng boss.
“A, s-sige. Palabas na.” tumango naman si Inggrid at tumalikod na. Hindi niya maiwasang mapabuntong-hininga nang dahil sa sinabi ni Inggrid.
“Ang antipatikong iyon? Gustong sumabay ng lunch? Baka itulak na naman ako pagkatapos ay patay-malisya sa nagawa niya. Tsk…” dabog niya habang itinitiklop ang folders ng manifests.
Naisip na lang niya na baka na-realized na nito ang mali nito at hihingi na ng paumanhin sa kanya. Ngunit hindi pa rin siya kumbinsido at wala siyang tiwala sa mga lalaki. Lalong-lalo na sa mga katulad ng Mr. Belmonte na iyon na nananakit ng babae.
Matapos niyang magligpit ay lumabas na siya ng opisina. Katulad ng inaasahan niya ay hindi siya pinansin ng ceo. Nang makita siya ay agad na sumakay ito ng kotse kasama ang sekretarya nito.
“Ms. Almanza, puwede po bang sumabay sa’yo?” agad na tanong ni Inggrid. Sa totoo ay ayaw niyang may kasama sa car niya pero no choice siya alangan naman supladahan niya ito.
“S-sige,” pagkasabi ay dali-dali itong sumakay sa tabi niya sa harapan. At ang iba naman ay sumabay kay Jed. Sagot ni Mr. Belmonte ang lunch nila ngayon at ito ang magdadala sa kanila sa kakainan nila.
“Ang bait mo pala, Ms. Almanza. Akala ko suplada ka. Hindi ka kasi namamansin sa office.” nakapokus lang si Bea sa pagmamaneho habang convoy kina Jed at sa ceo nila. Kunwari ay hindi niya narinig ang sinabi ni Inggrid kaya deadma lang.
“Kina Sir Jed sana ako sasabay kaya lang ang dami na nila roon e. Kung kay Mr. Belmonte naman e nakahihiya dahil ceo natin iyon.” bahagyang kumunot ang noo ni Bea na hindi pa rin iniimik si Inggrid.
“Bruha itong babae na ito. So ibig sabihin, okay lang na sa akin sumabay?” angil niya sa sarili. Naghihimutok na ang isip niya pero si Inggrid ay tuloy-tuloy pa rin ang kuwento.
“Magtatagal ba kayo sa warehouse?” bahagya niyang nilingon si Inggrid. Indikasyon na naiistorbo siya sa pagmamaneho.
“Pasensiya na sa kakulitan at kadaldalan ko. Hindi ko kasi mapigilan ang bibig ko.” tinampal-tampal pa nito ang sariling bibig pagkasabi ng mga salitang iyon. Patuloy naman ang pag-ignore ni Bea sa kaniya.
“Ay susyal si Mr. Belmonte. Japjap resto ang lunchy natin. Bongga!” bulalas ni Inggrid nang huminto ang kotse ng ceo sa Japanese restaurant. Kasunod niyon ay sina Jed at mga kasama nito na nag-park sa harap ng resto. At sila naman ang panghuli.
“Thank you, Ms. Almanza.” sambit ni Inggrid nang makababa ng sasakyan. Bago ito tuluyang sumunod kina Jed at hinawakan niya ang kamay nito.
“Bea na lang,” lumawak ang ngiti ni Inggrid. Sa wakas ay tila nakuha na niya ang loob ni Bea.
“Okay, Bea. Let’s go!” yakag nito sa kanya. Malapit lang ang resto na ito sa warehouse ngunit kailangan nila ng sasakyan upang marating ito. Hindi kasi ito accessible ng lakad lang. Mapapansin din na tila mayayaman ang kumakain dito base sa mga sasakyang nakaparada sa palibot nito.
Iyon bang tipong mga ceo o mga boss ng kumpanya. Nakita niyang pumasok na sa loob sina Mr. Belmonte at ang sekretarya nito. Sumunod naman din sa loob sina Jed at sila ni Inggrid ang panghuli.
Makikita na napakaaliwalas ng resto kahit pa mukhang maliit lang ito sa labas. Ganoon pa man ay kilala ang resto na ito sa mga taong may posisyon sa kumpanya at talaga namang mukhang sosyalen ang interior nito.
Hindi ito isang tipikal na resto na katulad ng mga resto ng mga Japanese. Moderno na ito at hindi na sa sahig nauupo ang mga customers. May tables and chairs na talagang maaaninag kong mamahalin.
Naitawag na ito ni Mr. Belmonte kaya naman may reserbang mala-conference room sila. Nang dumating sila ay ipina-serve na kaagad ng ceo ang mga pagkain. Isa-isang nagsidatingan ang mga pagkain. Bakas ang kinang sa mga mata ni Inggrid sa excitement.
“Thank you for this, Mr. Belmonte.” tukoy ni Inggrid ang libreng lunch nila. Hindi naman ngumiti ang ceo. Tumango lang ito samantalang abot-tainga naman ang ngiti ni Laurice—ang secretary nito.