"Sheen, sa inyo ako sasabay pauwe.." malambing na sabi ni Athena sa kanya na kumapit pa sa braso nya.
They were both 12 years old, at bff ang turingan nila, galing sila sa outing kasama ang Kani kanilang pamilya, mag kakaibigan din Ang mga parents nila that's why they grew up together.
"bakit samin ka sasabay?" nagtatakang Tanong niya dito dahil may dala ring sasakyan Ang mga ito at dun Naman ito nakasakay nung papunta sila dito sa beach.
Umirap muna ito bago sumagot "basta sa Inyo ko sasabay, nagtatampo ako Kay Kuya Dirk!" nakanguso pa nitong sumbong sa kanya
"Why?" Puno ng pagtatakang Tanong ko sa kanya.
"I saw him kanina with Tanya girl! grrrr. I told him that I don't like that brat for him. I told him that it's only you who I wanted to be his girlfriend when the time comes." walang preno nitong sabi na nagpatawa maging sa magulang nya na narinig ang sentimyento nito.
"Sinabi mo yun sa kanya? pasaway ka talaga, baka mamaya Magalit din sakin si Kuya Dirk."
tinitigan pa sya nito, " ayaw mo ba Kay kuya Dirk? eh kung si Kuya Kai nalang kaya?" nag puppy eyes pa ito sa kanya, muli nagtawanan ang magulang nila saktong dumating naman ang mga Magulang at dalawang kuya nito.
"Let's go Princess, uuwi na tayo bago pa Tayo abutin ng sobrang gabi" tawag dito ng Mommy Kath nito.
hinigpitan Naman nito Ang kapit sa kanyang braso lalo. Saka inirapan Ang kuya Dirk nito na tinawanan lamang ito.
"Ahm Mommy Kath, samin nalang daw po sasabay si Athena sabi nya"
"Naku Princess bakit ayaw mo sumabay sa sasakyan natin?" Tanong dito ng Mommy nito
"Kila Sheen ko gusto sumabay paguwe, malapit lang naman Ang bahay nila satin kaya ok lang naman diba Dad?" nagpacute pa ito sa Daddy Andrew nito
Nagtawanan ang mga Magulang nila pareho.
"Ok Princess if that's what you want, Magkita nalang Tayo sa bahay"
"Yey! nagtatalon pa ito at humalik sa pisngi ng Mom at Dad nito. Inirapan muli nito si Dirk at kumaway nalang sa Kuya Kai nito.
"tss. such a spoiled brat" tanging nasabi ni Dirk dito bago pumasok sa kotse ng mga ito. Nauna na sila sumakay sa kotse nila , nag usap pa ang mga Magulang nila at sinabing dadaan muna kami sa mansyon ng mga Arevalo para dun mag dinner.
Nasa kalagitaan na sila ng byahe ng biglang masilaw na lamang sya sa liwanag ng sasakyan na nasa unahan nila , tila nawalan yata ng preno dahil kinain nito Ang linya nila "Mom! Dad!" tanging nasambit ko at naramdaman ko ang pagyakap sa akin ni Athena nagyaakapan kaming dalawa bago namin narinig at naramdaman at malakas na pagbangga ng sasakyan sa aming kinalululanan.
Napabalikwas sya ng bangon, basang basa sya ng pawis. Binangungot na naman sya. Hilam sa luha ang kanyang mga mata.
"Mommy.. Daddy.." humihikbing sabi nya
that was 10 years ago, ang bangungot na pilit nyang gustong makalimutan dahil parang mababaliw sya, umiyak sya ng umiyak..
Nagbalik Ang mga ala-ala na pilit nyang kinakalimutan.
Nagising sya na masakit ang buong katawan , masakit Ang ulo at lalamunan. Purong puti ang paligid at amoy gamot. Di sya makagalaw tanging mata lang nya ang gumagana ng mga sandaling yun.
Naalala nya ang nangyari kaninang pauwe sila ng may bumangga sa kanila na isang pick up truck. Kahit masakit ang lalamunan ay pilit na nagsalita sya "Mom, Dad.." paos na anas nya
"Aiwa? hija gising kana?" Ang tita Joy nya, Isa sa mga matalik ka Kaibigan ng Mom at Dad nya.. Saka lang nya napansin na nasa kabilang side ito ng silid sa isang maliit na sofa don.
"t-tita.." nanghihina nyang usal "n-nasan po si M-Mommy at D-Daddy.." kahit putol putol at hirap na hirap ay tanong nya dito
"sshh wag mo muna pilitin anak.." nakita nyang tumulo bigla Ang luha nito
Nilukob ng kaba Ang kanyang buong pagkatao
"T-tita p-please g-gus..to kong m-makita si M-Mom and D-Dad.. o-ok lang n-naman si..la.. diba t-tita?" tila hinihingal ako sa pagsasalita
lalo lang napaiyak Ang tita Joy ko ng Makita nya akong umiyak at pilitin na makatayo, napahawak ako sa aking ulo at dun ko lang narealize na may benda pala ako sa aking ulo, maging sa mga braso ko ay meron din.
"ssshh.. tumahan ka makakasama sa'yo yan 'nak, magpagaling ka muna and I promise you dadalahin kita sa Mom at Dad mo"
"No tita, I-I w-want to see t-them n-now.." naghihisterya Kong sabi habang pilit bumabangon. bakit Ganon bakit iba Ang pakiramdam ko sa mga sinasabi at reaksyon ni tita sakin bakit pakiramdam ko ambigat bigat gusto Kong umalis dito gusto Kong puntahan Ang mga Magulang ko, Umiyak ako habang sumusigaw na gusto Kong pumunta Kila mom at dad Hindi ako mapakalma ni tita Joy.
May pinindot ito sa bandang uluhan ng kama ko at Maya Maya lamang ay nagpasukan Ang ilang Doctor at Nurses na pilit rin akong pinapakalma ng Hindi ako mapigilan ay naramdaman ko nalang na parang may tinusok saking braso at unti unti akong makaramdam ng antok.
Ng muli akong magising ay may mga nag uusap akong naulinigan, tila nagbubulungan. Nagmulat ako ng aking mga mata at nakita ko si tita Joy kasama si Mommy Kath at Daddy Andrew.
Malungkot akong tiningnan ng mga ito. Si Athena? Saka lang nya naalala si Athena kasama nga pala namin sya that time.
"M-Mommy Kath.. s-si A-Athena po?"
Lumapit sa kanya Ang Ginang at niyakap sya at umiyak ng umiyak , Hindi nya maintindihan kung bakit pero ayaw tanggapin ng utak nya kahit may nagsi sink in na ito dito.
"hija..you have to be strong, you have to endure everything that is happening now.." sabi nito sa kanya habang yakap yakap sya..
"I-I d-dont understand po.." hilam sa luhang sabi nya dito.. "Si Mommy at D-Daddy gusto ko Po sila m-makita.."
"Of course we'll bring you there that's why I want you to be brave and strong hija.. promise me that." di man maintindihan ay tumango na lamang sya sa kagustuhang makita Ang mga Magulang..
Inalalayan sya ng tita Joy nya pababa ng sasakyan at muli syang nilagay sa wheelchair dahil Hindi pa nya kaya Maglakad , nagtataka sya dahil napakaliwanag sa kanilang bakuran maging hanggang sa loob may mga tao din syang nakita don.. Nakita nyang lumapit sa likod ng wheelchair nya Ang Mommy ni Athena at tinulak sya papasok sa loob.
"You have to be strong hija, please endure the pain.." narinig pa nyang sabi nito
Halos magimbal Ang buong pagkatao nya ng Makita Ang dalawang kabaong at larawan ng mga Magulang nya, wala syang ibang Makita kundi Ang mga iyon lamang.. "M-Mommyyyy! Dadddyyyy! No! No! It's just a dream ! No!!!! it's not true!!!" halos magpalahaw sya ng iyak lalo na ng malapitan Ang kinalalagyan ng mga Magulang nya
"No! Mommy! Daddy! please wake up, Don't do this to me please! I ..I can't... " hilam sa mga luhang niyakap din sya ng Mommy Kath nya..
,"Mommy Kath it's not true po diba? diba? they're still alive, magkakasama lang kami , No!"
"sshhh hija.. please.. please be strong anak..You're Mom and Dad won't be happy seeing you like this .. even my..my.. A-Athena won't be happy seeing you like this .." parang lalong pinagsakluban sya ng langit at lupa sa narinig.. si Athena??? wala na rin si Athena???
impit syang muling umiyak sa pagbabalik tanaw nya sa kanyang nakaraan , sa malagim na sinapit nila ng gabing iyon..
"I miss you..Mom, Dad.. Athena.."