- Chapter 3 -

1230 Words
"Aiwa? bumaba ka na raw sabi ng Mommy mo nakahanda na ang dinner" narinig nyang sabi ni Ate Nadia kasabay ng mahinang katok nito. "Sige po Ate Nadia, susunod na po ako" aniya bumuntong hininga muna sya bago binitawan ang ukelele na kanyang tinitipa kanina, ito yung regalo sa kanya ni Kuya Dirk nya nung 12th birthday nya. Last gift nung mga panahong ok pa sila. Maingat na ibinalik nya ito sa lalagyan pagkatapos ay lumabas na sya ng kwarto upang magtungo sa dining area. Nakaupo na Ang mga ito ng abutan nya, nasa kabisera Ang Daddy nila. Nasa left side si Kuya Kai katabi si Kuya Dirk while Mom is across Kuya Kai, dun ako naupo sa tabi ni Mom katapat ko na naman si Kuya Dirk with that heavy stare. "Let's all eat" anang Daddy nila ng nakaupo na sya Nag uusap usap Ang mga ito, nakikinig lamang sya at panaka nakang sumasali kapag may itinatanong sa kanya. Ngayon lang ulit nya nakita na ganito kasigla Ang Mommy Kath nya. Marahil ay dahil sa kasama na nito ang dalawang anak na lalaki. "And Dirk? we'll be having your welcome back party tomorrow night." wika ng Mommy nya. "What? there's no need for that Mom-" Kontra Naman kaagad nito "No more buts. I'm the one who's preparing it so all you have to do is take a rest later, I'll be announcing them that you'll be staying here for good." wika ni Mommy Kath her smile was from ear to ear. " Mom I told you I'm just here for a month or two then I'll be back in States again with Lola" "Talaga bang ayaw mo akong makasama na Ina mo?" biglang nangilid ang mga luha nito at naalarma silang lahat lalo na si Dad. hinawakan nito ang kamay ng asawa. "Hon, calm down.. we can't dictate what our Son wanted in their Life.." anito "Hindi na talaga yata ako mahalaga sa buhay ng anak natin Andrew" may pumatak na butil ng luha sa mata ng Ginang. "F*ck" narinig nilang usal ni Dirk "Wag ka magmura nasa harap Tayo ng pagkain! ganyan na ba ang resulta ng pag stay ng matagal na panahon sa ibang bansa" lalo itong napaiyak "I'm sorry Mom, that's not what I meant Kasi.." tila na corner ito at napakamot nalang sa batok. "Fine, let's have that welcome party that you're planning, but right now I can't promise that I'll be staying for good. just not now Mom" "Ok anak, salamat at pumayag ka, you'll stay here in our house ha? not in your condo sa Makati." "Fine" tila nagpapagod na sagot nito na syang ikinatawa ni Kai "Mom is our weakness bro.. qshe also did that to me that's why I'm still here" natatawang Turan pa nito "Shut up Kai" inirapan Naman ito ng Ina. Napangiti nalang ako Kita ko ang sigla nila sa muling pagbabalik ni Kuya Dirk. Marami pa silang pinag usapan tungkol sa magaganap na party bukas ng gabi, at base sa narinig ko ay tutugtog ang banda ni Kuya Kai sa party. I'm sure maraming bisita Ang pupunta Dahil sikat na talaga Ang banda ng mga ito. Dadating si Haniel kaya naman wala sa oras na napangiti sya.. She has a crush with Haniel since she was 17 years old. Simpleng crush lang naman dahil ang galing nitong mag drums, pero halos lahat ng instrument ay kaya naman nitong gamitin. Palagi Kasi sya nanonood sa mga ito kaya siguro sya nagka crush dito noon. tinuturuan din sya nito na mag drums kaya kahit papano ay marunong sya. "Ai?" "Aiwa!" napapikit pikit pa ako ng marinig Ang tawag ni Mom at kuya Kai sakin. "I'm sorry,ano nga po ulit yun?" humalakhak Naman Ang kuya Kai nya kaya napatingin sya dito with that nagtataka look. "Sabi ni Mom invite mo daw si Caitlin bukas at Shaira" tukoy nito sa Isa pa nilang Kaibigan "masyadong malalim yang iniisip mo siguro yung crush mo yan no?" panunudyo nito sa kanya "Kuya!" napatayo pa sya ng bahagya pero bumalik din sa pagkakaupo ng pagtawanan sya nila mom and dad. bigla syang nahiya napatingin sya Kay Dirk sa kanyang harapan na naka poker face lang, di nya mabasa kung ano Ang nasa isip nito. "Sige po ako na po bahala mag invite sa Kanila, I'll text them later po." Pagkatapos ng hapunan ay nagpasya muna syang pumunta sa Swing na nasa gilid ng Hardin sa bandang dulo nito. her favorite spot here. malamlam nalang Ang ilaw dito dahil sa malaking Puno ng Mangga na narito. bahagya nyang inuga Ang swing. Noong bata pa sila ni Athena palagi silang andito, napangiti sya ng maalala ang kababata. Ang bunsong kapatid nila Kai at Dirk. Mapait syang napangiti ng muling pumasok sa isip Ang ala-ala ng kanyang mga Magulang at si Athena. Nag iisa syang anak ng mag asawang Sunshine at Darwin Castro. Madalas iniisip nya kung Hindi nangyare Ang aksidente almost 10 years ago ay marahil kasama pa nya ang mga ito, marahil ay wala sya sa poder ng mga Arevalo Ngayon. Siguro mas ok ang buhay nya. Masaya Naman sya dito ngunit ang malamig na pakikitungo sa kanya ni Dirk simula ng mangyare ang aksidente at maging ngayong nagbalik na ito ang syang naggpapabigat sa kalooban nya. Simula ng mangyare Ang aksidenteng kumitil sa buhay ng mga Magulang nya at ni Athena ay Ganon na Ang pakitungo nito sa kanya. Sinisisi sya nito. Kung Hindi ko daw sana pinilit si Athena na sakanila sumabay ng pauwe na sila noon galing outing ay Hindi daw ito mamamatay. Parang sinaksak na nanan Ang puso nya ng maalala Ang masasakit na salita nito. Hindi lang naman sya ang nawalan pero yung salita nya sakin parang kasalanan ko talaga lahat. Mabuti nalang at si Mommy Kath at Daddy Andrew maging si Kuya Kai ay Hindi naman galit sakin kagaya nya. Wala kaming ibang kamag anak kaya sa mga Arevalo na ako tumira ng mailibing sina Mom at Dad. Sabi rin ni Mommy Kath ay hinabilin ako sa kanya ni Mommy bago ito malagutan ng hininga. "Feels like a Princess huh?" awang ang mga labing napatingin sya sa lalaking ngayon ay nakatayo sa gilid ng punong mangga. "K-kuya Dirk.." Nagulat sya ng galit na galit itong lumapit sa kinauupuan nya at hinaklit ang kanyang braso dahilan para mapatayo sya sa swing at mapababa dito. "Aray Kuya nasasaktan ako" halos maluha ako sa sakit ng higpit ng pagkakahawak nya sakin "Wag na wag mo akong tatawagin pa ulit na Kuya dahil Hindi Kita kapatid!" gigil na sabi nito sakin na lalong humigpit ang paghawak sa braso ko. "Isa lang ang kapatid kong babae at si Athena lang yun! naintindihan mo!" bawat salita nito ay may halong diin ,tila pinipigil talaga Ang galit sa bawat bitaw nito ng salita. "N-nasasaktan a-ako.." sunod sunod na pumatak Ang aking luha padaskol naman ako nitong binitawan ,tumama pa ang likod ko sa swing at napasinghap ako sa pagtama non sa bakal sa likod ko. "Stop that drama it won't work on me!" he hissed "W-wala Naman akong k-kasalanan b-bakit ba h-hanggang ngayon ako pa rin-" "Shut up!" di na nga natapos ang sasabihin nya, " Umalis ka dito, this place is Athena's! wag mong sirain ang ala-ala ng kapatid ko sa presensya mo dito. Leave!" Nanginginig ang mga katawan na umalis ako sa Lugar na 'yon
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD