- Chapter 2-

1290 Words
"I'll never break your heart, I'll never make you cry.." Pagpasok palang nila ng pinto studio ay narinig na nila Ang pagkanta ni Kai, ito ang vocalist ng banda nito na ngayon ay sikat na sikat na di lang sa Lugar nila kundi maging sa buong Pilipinas na rin. "I'd rather die than live without you.." Napaganda talaga ng boses ni Kuya Kai , natutuwa sya everytime na may practice ang mga ito dahil parang nakakanood sya ng free concert. Idol nya ito pagdating sa kantahan. Naupo sila sa mga upuang naroon at tahimik na pinanood Ang mga ito , napatingin naman sa gawi nila ang mga ito maging ang mga kabanda nito na sila Kelvin na syang lead guitarist, Haniel the drummer boy, Rhayvid na bassist at si..si.. Kuya Dirk?! Bakit sya Ang nasa rhytmn? asan si Pius? kinalbit sya ni Cait malamang nagtataka rin ito bat andon si Dirk. "Anak ng tinapa bru andito yung pinaglihi sa sama ng loob" bulong nito sa kanya. "Huy bunganga mo baka marinig Tayo" pasimpli nya itong kinurot "Aray Naman! Ang sakit langya ka" "Ikaw Kasi ang gulo mo" "Eh bakit ba nakaka bad vibes kaya pag lagi nakaserious mode." "Ssshhh! tumigi-" "Hi Aiwa!" di na nga natapos ang sasabihin ng maglapitan na Ang mga ito sa pwesto nila at inakbayan sya bigla ni Kelvin habang nakangiti sa kanya. "Uh, Hi" kiming sagot nya parang gusto nyang kumaripas ng takbo ng Makita nyang matiim na titig sa kanya ng kuya Dirk nya "Hey! hands off!" narinig Naman nyang sabi ni Haniel dito na tinawanan lang naman ni Kelvin "Tss possessive.." narinig nyang bulong nito na ikinapula ng pisngi nya. Naramdaman pa nya Ang pinong kurot ni Cait sa likod nya ,alam Kasi nitong crush nya si Haniel binatukan naman ito ng kuya Kai nya kaya nagkatawanan ang mga ito. Lumapit sa kanya si Haniel na nakangiti 'Shocks ang gwapo talaga ' nasabi ng isip nya. "Ang aga nyo yata ngayon ah, diba 7 pa kayo nauwe nitong si Cait?" "Ah maaga Kasi namin natapos ang mga orders e, kaya pinayagan kaming makauwe ng maaga" sagot ni Caitlin, napansin siguro nitong parang tanga na syang nanigas sa paglapit ni Haniel sakin. "Oh I see," sagot Naman nito na sa kanya pa rin nakatingin habang nakangiti pa rin "Hoy Haniel masyado kang pahalata dyan sa ngiting wagas mo" tudyo maman ni Rhayvid dito. sinuntok naman ito ng pabiro ng huli. "Gago mo" anito naupo pa ito sa tabi nya sa left side dahil nasa kabilang gilid nya si Caitlin narinig nilang may kumatok at maya maya ay pumasok si Ate Nadia, ang isa sa mga kasambahay nila may dala itong meryenda at isang pitsel ng juice, marahil ay para sa kabanda ni Kuya Kai. Nilapag na nito iyon sa naroong lamesa at umalis din. Nagsiupuan Naman ang mga ito, maging si Dirk ay naupo din at sa mismong harap pa nya ito naupo. "Bro, marunong ka pa rin pala mag gitara , Akala ko ay kinalawang ka na e" sabi ni kuya Kai "I still have my guitar so paminsan minsan ay nagagamit ko pa rin" sagot ni Kuya Dirk sabay inom sa juice na kinuha nito. "Good thing you're here, kukutusan ko nalang mamaya si Pius dahil late na Naman sa usapan" Naalala nya, noong okay pa sila ni Dirk, minsan sya nitong tinuruan mag gitara gamit anglg gitara nito, she was 9 years old back then. Dito sya natutong mag gitara, He was 11 years old that time while kuya Kai is 13. Kami ni Athena Ang magkaedad. Palagi akong napunta sa Kanila para makipaglaro kay Athena at hanggang sa nakahiligan ko na ring mag gitara dahil sa dalawang kuya ni Athena yun Ang bonding nila. Never ko pa narinig kumanta si Kuya Dirk, si kuya Kai lang palagi. Hindi ko alam kung marunong din ba syang kumanta or what. Ring ng cp nya ang nagpabalik sa kanyang isip. Neon Benitez Calling... napatingin naman sa kanya ang mga ito, she smiled awkwardly. "Ah sagutin ko lang to Kuya.." aniya na tumingin Kay Kai, tumango Naman ito, lumayo lang sya ng kaunti sa kinaroroonan ng mga ito saka sinagot ang tawag. "Hello Neon?" "oh hi, Sheen San ka? andito ko sa shop pero wala na pala kayo sabi ni Madam Thea" "Ahm yeah, maaga kasi namin natapos ni Cait ang mga orders so nagpaalam kami kay Madam kung pwede na kami umuwe ng maaga since Saturday naman ngayon." "Sayang di ko kayo naabutan yakagin Sana namin kayo mag bar tonight " "Ahh sorry siguro.." napatingin sya sa bandang kaliwa nya nya at nakita nya ang masamang tingin na pinupukol na naman sa kanya ni Dirk "s-sa..ibang araw na lang" halos mautal tuloy sya sa pagsasalita "Sige promise mo next time sama kayo samin ha?" anito na bakas Ang tuwa sa boses. "A-ahh s-sige, bawi na Lang kami ni Cait. Bye na" "Bye Sheen, see you sa Monday" pahabol pa nito bago ko patayin ang tawag. Naglakad ako pabalik sa pwesto nila halos pagpawisan ang noo ko sa tindi ng intensidad ng titig nararamdaman ko. "Who's that?" ani Kuya Kai "Ahh ka workmate namin Cait Kuya." "Si Neon?" singit ni Cait "Oo-" "Bakit naman tumawag sa'yo?" Napatingin din sa gawi nya Ang iba pa tila nag aantay sa sagot nya "Hoy ano ba! alam mo ikaw sandok, kaya di magkaron ng lovelife Ang Best friend ko dahil sa kakaganyan mo," halos mapaubo naman ako sa sinabi ni Cait. "So you mean, manliligaw ba ni Ai yung tumawag?" "What? No!" kaagad Naman na sagot ko napatingin pa ako Kay Haniel na nakatingin din pala sakin, ngumiti lang naman ito ng bahagya. "Good! bawal kapang mag bf Aiwa-" "Alam mo ikaw kontrabida ka talaga sa lovelife ni Aiwa e palibhasa wala kapa kasing nagiging girlfriend yata" segunda naman ni Caitlin na dumale na naman ang pagiging taklesa Nagtawanan tuloy Ang mga kabanda nito "abat! bakit ikaw ba nagka boyfriend na ha? malamang sa malamang wala din dahil wala naman magkakagusto sa'yo" pang asar din ni kuya Kai dito "Hoy f.y.i! kapal mo ha, may nanliligaw sakin at malapit ko nang sagutin! bitter kalang!" gusto nyang mapabunghalit ng tawa sa pagsisinungaling ng Kaibigan, dahil wala Naman talaga itong manliligaw na gustong sagutin sa pihikan ba naman nito, malamang sa sobrang pikon nito sa kuya Kai nya kaya nito iyon nasabi. Napansin nyang tila natigilan si Kai bahagya pero ilang Segundo lang at bumalik na Ang mapang asar nitong awra. "Kawawa naman no choice na siguro yung sinasabi mong manliligaw sa'yo." "Tss inggit ka lang kaya pati si Aiwa ayaw mo magka lovelife" oh no, nabalik na Naman sakin Ang topic. "Bata pa si Ai kaya bawal pa" "turning 22 na sya so di na sya bata , ikaw palibhasa gurang kana" nagtawanan Muli Ang mga kabanda nito "ikaw babae ka sumusobra kana-" "Hi Guys! sorry na late ako, may emergency kanina e" biglang dating Naman ni Pius kumindat pa ito sa gawi namin ni Cait. "Nag start na ba kayo?" "Gago pare, kanina pa si Dirk nga muna Ang nag sub sa'yo e" si Kelvin "Thanks pre" Ani Pius na nakipag fist bump pa dito "Kelan ka pala dumating?" "Actually kahapon pa, pero kanina lang ako pumunta dito sa mansyon" "Ah sa condo ka pala nag stay kagabi?" "Yup" tipid na sagot nito, parang mas close si Dirk Kay Pius kesa sa ibang kabanda ni Kuya Kai maybe because second cousin nila ito. Nagsimula na ulit mag practice ang mga ito, ng medyo padilim na ay nagpasya ng umuwe si Cait kaya naman lumabas na kami at hinatid ko sya sa may gate dahil dumating na Ang susundo dito. "Bye bru" anito "Bye" nakangiting paalam nya dito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD