-Chapter 10- Liham

1385 Words
Maliwanag na sa labas ng magising sya, tiningnan nya ang oras and the clock says it's 7:48 am Masakit pa ulo nya pero pinilit nyang bumangon, pakiramdam nya ay may ubo't sipon na sya. Naalala nyang galing sa silid nya si Dirk kagabi maging ang pagsabi nito ng sorry sa kanya. "Totoo kaya yun?" bulong ko sa sarili ko, baka sa sobrang taas ng lagnat ko kasi baka nagdedeliryo lang ako. Pero nakita ko talaga sya e, nagka untugan pa kami nung bigla akong magising dahil sa panaginip ko. Napangiti sya. Sana nga totoo na nag sorry sya sakin dahil sa ginawa nya. tumayo sya pero muling napabalik ng upo ng maalala nya yung paghalik nito sa kanya kahapon. Wala sa loob na napahawak sya sa kanyang labi. 'Ang first kiss ko! wala na huhu' Sa ganong paraan pa nawala hay naku. Parang gusto nyang sabunutan ang sarili. Wala ring kasing preno ang bibig nya minsan. Tumayo syang muli at kinuha ang kanyang towel saka pumasok ng cr para maligo. Kakalabas lang nya ng Cr ng saktong bumukas din ang pinto ng kanyang kwarto. Parehas pa silang nagkagulatan ni Dirk ng makita ang isa't isa. Halos manlaki ang mata nya. "I-Im sorry, kanina pa kasi ako nakatok pero walang nasagot e.." anito habang nakatingin sa muka nya "The breakfast is ready bumaba kana lang" sabay talikod nito "Ah t-thanks s-sunod na Lang ako" halos mautal sya sa kaba "Ok" at sinara na nito ang pinto, Ang lakas ng kabog ng dibdib ko. He saw me wearing just this towel of mine??? wtf. Nagmamadali na nga syang nagbihis dahil late na sya sa trabaho nya. Bumaba na sya at dumerecho sa dining area andon na si Dirk and even Kuya Kai, wala pa rin sila Mom and Dad. Naupo sya sa tapat ni Kai since magkatabi ang magkapatid. "Where are you going?" kunot noong tanong sa kanya ni Kai habang nagpapalaman ito ng itlog sa loaf bread nito "Uh work?" patanong pa ang pagkasabi nya. "Hindi ka papasok ngayon, Pina sabi ko na Kay Cait na absent ka muna for a day or two dahil may sakit ka." nilingon nito si Dirk "Di mo ba sinabi sa kanya kanina?" Nagkibit balikat lamang ang huli "Ha?" Marahil ay nahiya na itong sabihin sa kanya dahil sa napaka awkward na sitwasyon kanina. "Kumain ka na para makainom ka na ulit ng gamot mo, mukang sinisipon ka na rin, halata sa boses mo." Nginitian nya ito, Napaka kuya talaga nito sa kanya. Nagsimula na rin nga syang kumain at ng matapos ay bumalik sya sa kanyang silid para n magpalit ng pambahay. Masama pa talaga ang pakiramdam nya, si Cait lang talaga ang inaalala nya first time nito sa work na wala sya baka mapagod ito ng sobra. Naalala nya ang kanyang cp, kinuha nya ito at muling nahiga sa kama nya. Ang daming missed calls at text. Omg! nakalimutan nyang may lakad nga pala sila nila Neon kagabi binasa nya ang mga text nito Neon Benitez : Heyp Sheen San na kayo? We're here na, sunod na Lang kayo ni Cait ha. May sakit ka pala, nagtext sakin si Cait. Get well soon. Marahil ay tinext ito ni Cait dahil nakapangako kami na sasama mag club kagabi. Nag scroll pa sya sa message at halos manlaki ang mata nya ng makitang may 3 text message si Haniel sa kanya binasa nya ang mga ito. Haniel Alcantara : Hi Ai.. How are you feeling right now? I'm so worried kanina, hope you feel better soon. Good morning Ai. How are you na? Sorry kung makulet ako. I just wanted to know if you're really okay now. Halos kiligin sya sa mga text nito. Last text nito ay kaninang 6:15 am Nag decide syang replyan ito "Thanks sa concern Hans, Medyo ok ok na ako, you don't have to worry." sent! OMG! kinakabahan sya binalik na nya ang cp sa kanyang drawer. Na overwhelmed lang ako dahil nag aalala sakin si Haniel. Nahiga sya ulit at nagmuni muni, "Hays ang boring," naupo sya at nakita ang kanyang ukelele kinuha nya ito at napangiti Lumapit sya sa bintana hinila nya ang upuan at pumuwesto sa harapan ng bintana. Sinimulan na nyang magtipa. Matagal na rin pala ng huli nya itong gamitin habang umaawit. Kakantahin nya ang isa sa mga pinaka paborito nyang kanta. Liham by: SB19 "Ang aking mundo ay payapa.. sa di malamang dahilan at noon ay buo kong inakala lahat ay ayos na naman.. Nang bigla na lang ay dumating ang di hinintay Nagbabalat kayong himala ohh.. Mga pasan ay gumaan Ikaw ang tanging dahilan Sa'yo lang napuno ng kasiguraduhan.. Naalala nya ang mga nangyari kahapon , yung pagtatalo nila ni Dirk, ang paghalik nito sa kanya.. Napapikit sya.. Ang pagsakay nito sa kanya ng sapilitan sa kotse nito.. Yung kaba at takot na naramdaman nya that time. Naramdaman nyang may pumatak na luha mula sa mata nya pero hindi sya nagmulat patuloy lamang sya sa pagkanta. Ang pagpapababa nito sa kanya sa gitna ng ulanan at pag iwan nito sa kanya, naglalakad sya sa kalsada habang ginaw na ginaw. Pero binalikan sya nito after almost 1 hour. Nang Makita nya ito that time ay parang nakakita sya ng kakampi at natuwa sya dahil binalikan sya nito.. "Ito ang aking liham sa pag-ibig ko 'Di hahayaan na mag-isa ka sa kahit na ano.. Liham sa pag-ibig ko Pinapangako na ang bituin ko ay para lang sa'yo Ikaw lang ang himpilan ng aking puso Maging sa hinaharap o nakaraaan ikaw lang at ako oh aking mundo... Ligaya ng aking mundo.." Bumuntong hininga sya ng matapos ang kanta. "What's the title of that song?" Halos mapatalon ako sa gulat ng biglang magsalita si Dirk sa aking likuran. Napahawak pa ako sa aking dibdib. Am I that pre-occupied na hindi ko namalayan ang pagpasok nya. "I knock, but you seems too busy with what you're doing.." "P-pasensya na, hindi ko narinig" tumango tango naman ito. "So what's the title?" ulit nito sa tanong kanina. "Liham by SB19" aniya "Ngayon ko lang narinig yung kantang yun, and even the singer. I'm not familiar." "Luh? sikat na sikat din ang grupo nila, PPop group." Nagkibit balikat lamang ito. "Umiyak ka ba?" marahil ay napansin nitong medyo basa pa ang kanyang mga pilikmata. "No. I mean yes, nakakaiyak kasi yung kanta specially pag dinama mo." palusot nya. "Bakit ka nga pala nandito? Naupo ito sa may paanan ng kama nya "Checking on you?" tila di pa ito sigurado sa sagot sa kanya. "I'm fine already" "Binilin ka ni Kai, he leaves may gig daw sila today but will be back before dinner." Pinatong nya ang hawak na ukelele sa pinaglalagyan nito alam nyang nakasunod ito ng tingin sa kanya. "You still keep that huh?" "Bakit dapat ba itinapon ko na?" balik tanong nya dito Himala na nakakapag usap na sila ng medyo matiwasay ngayon. "No. it's just that I thought Hindi ka seryoso na matuto sa mga instruments." "Well I can also use the drums, tinuruan ako ni Haniel" tila pagyayabang pa nya rito. Nakita Naman nya ang pagkunot ng noo nito pero nawala din kaagad at bumalik na sa pagiging poker face ang expression ng muka. Dumaan ang ilang minutong katahimikan sa Kanila. she feel really awkward. "About the.. the..kiss, I'm really sorry about that." bigla ang kabog ng dibdib ko ng mabanggit nya ang bagay na yon. "it's.. it's ok , let's just forget about it.." aniya at tinalikuran ito at muling tumanaw sa bintana. Narinig nya ang pag buntong hininga nito. "Bumaba ka na Lang mamaya , pinahandaan kita kay Ate Nadia ng para sa tanghalian mo." "Ako lang?" nilingon nya pa ito, bakit san ito pupunta bakit ako lang pinahandaan nya "Yup. May lakad ako" "Where?" napatitig ito sa kanya wariy nagtataka pa siguro dahil sa Tanong nya, "Magkikita kami ni Tanya" walang gatol na sabi nito. "Oh ok." Muli syang humarap sa tanawing nasa labas ng bintana nya. "You should eat later at make sure to take your meds." bilin pa nito bago tuluyang lumabas ng kanyang kwarto. Tss! Ano naman kayang pag uusapan nila ni Tanya? Pagkatapos nyang nakawin Ang first kiss ko tapos makikipagkita sya agad sa ibang babae! Naiinis na nahiga nalang syang muli sa kama nya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD