- Chapter 11 - Crush

1337 Words
Nagising sya ng maramdamang tila may mga kamay na dumama sa kanyang noo at leeg. Pagmulat nya ay si Kai ang nabungaran nya. "Kuya.." namamaos na sabi nya. Nagbasa basa lang sya kanina ng libro nya pagkatapos nyang magtanghalian kanina, bandang alas tres ng hapon ng makaramdam sya muli ng sakit ng ulo pati lalamunan nya, bahagya na rin syang inuubo. Mahina talaga ang resistensya nya basta maulanan sya. "May lagnat ka pa rin, namamaos kapa.. ininom ba yung gamot mo?" Umiling sya dito "Alam mo naman hirap ako lunukin ang mga gamot." "Tsk! pano ka gagaling nyan?" "Kanina ka pa ba dumating? Teka anong oras na ba?" "halos kadarating lang, It's past 6 pm na" "ang haba pala ng naitulog ko.." aniya "Kaya mo bang bumaba? or papaakyat ko nalang dito ang dinner mo?" "Kaya ko naman bumaba kuya, iinom din ako ng gatas, masakit talaga ang lalamunan ko" napaubo ubo pa sya. "Let's go, after mo kumain inumin mo rin Ang gamot mo, wag matigas Ang ulo mo para hindi lalo mag worry si Mommy. Kanina pa daw sya natawag sa'yo sa phone mo pero ring lang ng ring." inalalayan sya nitong tumayo pati sa paglakad nila pababa ng hagdan ay nakaalalay ito "Nasa drawer kasi yung phone ko kaya diko naririnig, plus tulog pa ako" nakanguso nyang sabi "Tsaka di mo ko kelangan alalayan ano ba yan di naman ako pilay" "Tsk. Makinig ka sakin dahil ako ang boss ngayon dito dahil wala sila Mom at Dad." "Whatever." Nagulat pa ako ng makita ang mga taong nasa dining din. Kelvin, Rhayvid, Pius and Haniel. Nakaupo ang mga ito sa isang hilera at magkakatabi. Binati ako ng mga ito. Naupo na ang kuya nya sa tapat na upuan ng mga ito, tumabi naman sya Kay Kai. "Ok kana ba Ai?" si Pius "Ah oo medyo ok na 'ko, medyo inubo at sinipon nalang ako.." "Did you take your meds?" tinanguan naman nya si Haniel sa Tanong nito sa kanya. Nginitian sya nito 'Cute talaga nya lalo pag nalabas Ang dimples nya' sa isip isip nya "Tara kumain na muna tayo" si Kai Nagsandok ako ng kaunting kanin sa aking pinggan dahil wala talaga akong kagana gana. Nilagyan sya ng Kuya Kai nya ng chopsuey at isang hita ng roasted chicken. "Ok na to Kuya" ng akmang lalagyan pa sya ng salmon. "wala akong gana tsaka masakit Ang lalamunan ko kaya di ako makalunok ng maayos" Nag uusap ang magkakaibigan habang kumakain. Panay tungkol sa mga gigs na nila at sa mga Mall shows na rin. Paminsan minsan ay sumasagot sya dahil sinasali sya ng mga ito sa usapan marahil ay para di sya ma out of place. Nasa kalagitnaan na sila ng pagkain ng dumating si Dirk, at Hindi ito nag iisa. Kasama si Tanya. "Hi everyone good evening" maarteng sabi nito "Sakto pala ang dating natin Tristan dinner time.." sabi pa nito na ngumiti pa ng ubod ng tamis. "Hi Kai" humalik pa ito sa pisngi ni Kai. "and the gang" nginitian pa ng ubod ng tamis ang mga kabanda nito. Sunod ay binalingan sya "And oh, you're here din pala.. Aiwa." naka poker face ko itong hinarap pero di ako umimik , I don't have the energy para makipag plastikan dito. "Yeah obviously she's here dahil dito sya nakatira." si Kai ang sumagot sa tanong nito sa kanya. "Sumabay na kayo samin kumain" alok naman ni Kai sa mga ito. "Oh sure!" kapal ng face sa sa isip isip ko. Si Dirk ay nanatiling nakatayo yata sa may likuran. Nakatalikod kasi ang pwesto namin sa mga ito ng dumating. Hinila ni Dirk ang upuan sa tabi nya, at naghila din ito ng Isa pang upuan para kay Tanya. So ang position nila sa upuan ay Si Kai, Ako, si Dirk at si Tanya Diko nililingon ang lalaking nasa kanan ko, badtrip sa kanya bakit dinala pa dito Ang Tanya na yan. Alam naman siguro nyang ayaw na ayaw ni Athena dito kahit noon. Grrr! Biglang naging awkward ng dumating ang dalawang epal. Hay naku lang talaga. Minadali ko ng tapusin ang pagkain ko at Saka nagpaalam na sa mga ito na magpapahangin muna ako sa labas. But before that made sure na ininom nya ang gamot nya. Wala nga syang nagawa kundi inumin yun. Nakaupo ako ngayon dito sa bench sa may garden ni Mommy. Sarap ng preskong hangin. Masakit talaga nag ulo ko siguro ay dahil sa sipon ko. ilang minuto palang ang lumipas nang maramdaman kong may naupo sa tabi ko, pamilyar ang amoy ng pabango nya kaya naman abot abot ang kaba sa dibdib ko. "baka naman mabinat ka, mahamog na e" Nakangiting muka ni Haniel ang sumalubong sa kanya. Ang bango nya. "Saglit lang naman papasok na rin ako mamaya" "You still look pale" hinipo pa nito ang noo at leeg nya napakislot sya sa gulat "I'm sorry just want to check kung wala ka na bang lagnat talaga.." napakamot pa ito sa batok. "I'm fine na, yung sakit ng ulo at lalamunan ko lang talaga, pero since nainom na ako ng gamot mawala na rin 'to soon." Natatawang hinampas pa nya ito dahil natawa sya sa pagkamot ng batok nito. "Oh wait , I forgot I have something to give you pala, wait me here ha, kunin ko lang." at nanakbo ito patungo sa garahe kung san nakapark ang kotse nito. Saglit lang din itong nawala dahil pabalik ay nashock sya , may dala itong bouquet ng pinaghalong white and pink roses. May dala din itong basket of fruits. Una nitong inabot ang flowers then next ang basket ng mga prutas kaya naman napatayo ako. Di ko alam pano ako magrereact. Ang saya ng puso ko , nakakataba ng puso Ang gesture at thoughtfulness ng binata. "T-Thank you Hans, Sana hindi kana nag abala pa.." alam Kong namumula na ako at this moment. "You're cute when you're blushing" anito na hinawakan pa ang kanyang Mukha para Naman akong tangang di na nakagalaw sa kinatatayuan ko. "Wow! Ang sweet Naman!" boses ni Tanya nasa likod nito si Dirk na madilim ang awra ng muka. Nakatiim bagang pa ito. "Naks pre! nagkalakas loob ka rin!" si Kelvin, sunod sunod nagsidatingan Ang mga ito galing sa loob ng mansyon tila lalo akong pinamulahan ng muka sa sinabi nito . "Gago ka pre" tinawanan lang naman nito ang pang asar ni Kelvin "Is he courting you?" Tanong ni Tanya sa kanya na tila amused na amused. "No" tipid kong sagot "Hindi pa.." sagot naman ni Haniel na syang ikinalingon nya dito. "Soon" at naghiyawan ang magkakaibigan "Shet! nagpaalam na kasi Kay Kai kaya malakas na loob!" si Pius tawa ng tawa ang mga ito sya naman ay naguguluhan sa pinag sasabi ng mga ito. "Let's go Tanya" narinig Kong tawag ni Dirk sa haliparot na kasama nito "I'll take you home" "Ok babe," anito na umabrisyete pa kay Dirk "Bye everyone and thanks sa dinner." Umalis na ang mga ito. Hindi rin Naman nagtagal ay nagpaalam na din ang mga kabanda ni Kuya Kai at kami at pumasok na rin sa loob. "He's a good guy." nagtataka ako sa sinasabi nito "Actually matagal ko nang alam na gusto ka nya. Pero noon palang binalaan ko na sila na bawal magkagusto sa little sis ko." Ngumiti pa sakin si Kuya "Pero Hindi kana nga pala bata, you're a grown up woman already. Nakikita ko rin naman na gusto mo si Hans right?" Halos manlaki ang mata ko sa sinabi nito. Si Haniel? Matagal na akong gusto? Kelan pa? parang gusto kong itanong Kaso baka magmuka akong cheap. "You like him too admit it" tila pang asar pa nito sa kanya. "it's only a crush kuya, ano ka ba?" nahihiyang tinalikuran ko ito. "Diyan kana nga! matutulog na ako ulit Malakas na halakhak nito ang pumuno sa ingay sa sala. Nagmamartsa naman akong umakyat sa hagdanan. Pero ang ngiti sa muka ko ay di mabura. Ang Saya pala maging Crush din ng Crush mo!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD