- Chapter 12- Just a Happy Day

1418 Words
Isang linggo muli ang mabilis na lumipas. Everything went well na rin naman sa pagitan nila ni Dirk, di pa ganun ka ok pero atleast di na sila kagaya nong una. Halos araw-araw din napunta sa mansyon si Tanya. I don't know what's the real score between them at ayoko ring alamin. Naiinis lang ako pag nakikita ko sila specially kapag nakatambay sila sa poolside. Like eww. Binabalandra nya yung katawan nya kahit na madalas e nandito rin ang mga bandmates ni Kuya Kai. Di nahihiya. "Bru!" si Caitlin nakangiting wagas pa ito. Linggo ulit ng araw na 'yon at niyakag sya nitong mag shopping "Tara na? Yan na ba ang suot mo?" sinipat pa nito ang suot nyang simpleng color light blue floral dress. "Oo bakit may problem ka ba sa suot ko?" "Wala naman Kaso kontrapelo ang suot natin, magpalit ka Lika!" at hinila sya nito paakyat sa kanyang silid. "Seriously Caitlin?" nagbungkal ito sa kanyang wardrobe at may kinuhang isang white croptop at highwaste tattered jeans "Pinagbawalan ako ni Kuya Kai magsuot ng croptop just in case nakakalimutan mo?" "Akong bahala sa'yo di yun makakapengol sakin" mayabang na sabi naman nito sa kanya. Wala na syang nagawa kundi magpalit na, pati ang sandals na suot nya kanina ay pinalitan nya ng white sneaker shoes. Pinaupo pa sya nito at nilagyan ng light make up pero pagtingin nya sa salamin ay parang ang ganda ganda nya. "See? Ang ganda mo lalo, wag puro dress masyadong feminine" sinuklay pa nito ang mahaba nyang itim na itim na buhok. "Tara na, manonood Tayo ng movie and treat ko" "Naks daming pera yarn?" "Secret!" at nagtawanan na sila. Pagbaba nila ay naabutan nila sa sala si Kai kasama ang apat na kabanda "Witwiw! Ang sexy natin Ngayon ah Ai?" kunway sumipol pa si Pius. Napasimangot naman si Kai ng makita ang suot nya. "I told you wag ka magsusu-" di na nito natapos ang sasabihin ng putulin ni Cait ang sasabihin nito "Alam mo ikaw kontrabida ka talaga , hayaan mo nga si Ai, Malaki na sya no, tsaka bagay nga sa kanya yan e" "Bagay nga pero masyadong expose ang pusod nya-" "and so? pusod lang yan!" asik nito Kay Kai. "Tss." yun nalang ang nasabi ng Kuya nya, ba himala for the first time yata nagpatalo nalang sya Kay Cait. "Whooo pare under kana agad wala pa man!" si Rhayvid at naghagalpakan ng tawa ang mga ito. "San pala kayo pupunta?" boses ni Haniel pero sa kanya nakatingin "Ahh dyan lang sa Mall, Nagpapasama kasi si Cait mag shopping and manood na rin ng movie" tumango tango naman ito. "Parang yung Isa Naman mga tsong e gusto sumama at wag na mag practice " si Kelvin na ikintawa na Naman ng mga Loko. Napakamot sa batok si Haniel sa kalokohan ng mga ka banda nito. "Alis na kami Kuya" baling nya Kay Kai. "Ok mag ingat kayo, wag Kang magpagabi ha" "Yes Master," humalik pa sya sa pisngi nito. "Ai, Kay Hans din daw baka gusto mo magbeso" si Pius na humalakhak pa "Gago mo" pabirong sinuntok naman ito ng huli. Lumabas na sila ng mansyon, nakita pa nya sa gilid ng mga mata nya sina Dirk and Tanya na nasa may pool pa rin, nakaupo na ang mga ito na magkatabi. Kinuha nya ang kanyang helmet at inabot naman kay Cait Ang Isa pa. Nang masigurado nyang ok na si Cait sa likod nya ay pinasibad na nya Ang kanyang motor. Pagdating sa Mall namili muna sila ng ilang pirasong mga damit , hanggang mapadpad sila sa mga Two piece bikini sa kakaikot nila. "Bru! Lika bagay sa'yo to ohh. sabay tapat sa harapan nya ng Black 2 piece at ang Isa ay kulad white. lalo Kang puputi tingnan pag suot mo yan. "Aanhin ko Naman yan?" maang nya dito "Malamang susuotin mo! Di pa ba nasabi ng Kuya mo sa'yo yung about sa outing daw?" "Outing? wala naman sya sinabi sakin e." "Kasi kahapon in-invite pa nya ako sabi nya sumama daw ako sa outing nyo para Hindi ka naman daw ma boring dun sa pupuntahan nyo kasama din ang buong banda." "Wala pa naman sya nababanggit sa kin, baka nakalimutan nya sa sobrang busy sched nila." aniya "Sabi nya 3 days & 2 nights daw tayo dun. Regalo daw sa Kanila ng satisfied na may Ari ng beach resort na yun kasi in-endorse nila." taray ha endorser na rin pala sila ngayon. "Di naman ako nagsusuot ng ganyan e," tinulak nya palayo ang inabot nito sa kanyang mga two piece "Akong magbabayad nyan kaya sa ayaw at sa gusto mo isusuot mo yan." inirapan pa sya nito bago binalik sa kanya may kinuha pa itong kulay light blue "ayan tatlo since 3 days tayo don. Napakamot nalang sya sa ulo. Ang kulet talaga nito. After mag shopping ay kumain muna sila dahil tanghali na at nagutom talaga sila kakaikot. Pagkatapos kumain ay pumunta na sila sa sinehan naghahanap sila ng pwedeng mapanood bet nila yung The first Omen at Pumila na nga sila. Mag 3 pm na ng lumabas sila ng sinehan at nagpasyang kumain muna ulit. Grabe nakakapagod din talaga ang mag gala sa Mall. Naglaro pa sila sa arcade na parang mga bata, nagkantahan sa loob ng karaoke booth at ng mapagod sila ay napagdesisyunan na nilang umuwe. almost 6pm na rin naman at pakagat na ang dilim. Pinarada ko ang aking Aerox sa garahe inayos namin ang mga helmet at pumasok na sa loob. "Bru text ko lang driver namin, di na ko magtatagal pala may gagawin pa ako e" "Di ka na ba mag dinner muna dito?" "Naku busog na busog pa ako sa mga pinagkakain natin kanina baka nga di na ako makakain ng dinner e. "Sabagay ako rin naman busog pa." "Tahimik na sa bahay nyo ah mukang wala yung mga alipores ni Kai" "Baka nagsiuwian na" Ani ko "Nauuhaw ako painom nga muna ako ng tubig" binaba na muna nila ang mga Pinamili sa may sala Pagpasok nila sa Dining area ay andon pala si Kai na katabi si Haniel pero wala na yung tatlo pa, katapat naman ng mga ito sina Dirk at Tanya na hindi pa pala nauwe. Nakain na ang mga ito ng dinner sa palagay nya. "Andyan na pala kayo, Tara sumabay na kayo samin" si kuya Kai. "Busog pa kami Kuya, iinom lang ng tubig si Cait pauwe na rin sya," Dumerecho naman si Cait sa ref at nagsalin ng malamig na tubig sa basong hawak nito. "Hatid na kita" sabi naman ni Kuya at tumayo na ito kahit di pa naman tapos kumain. "Wag na nagtext na rin naman ak Kay Mang Peter na sunduin-" "Text mo ulit wag ka na kamong sunduin dahil ihahataid Kita" Nagpalipat lipat naman ang tingin ko sa kanilang dalawa, may something na kakaiba talaga. "Sige na Cait si kuya nalang maghatid sa'yo.." nakangiting sabi ko naman dito. Bumuntong hininga muna ito bago nagsalita ulit "Ok fine. Tara na may gagawin pa kasi ako e" "Let's go," tumalikod na ang mga ito "Ahh.. nga pala Cait may sasabihin daw pala sa'yo si Haniel kaya nagpaiwan yan, inintay ka talaga. Ikaw na muna bahala sa kanya." at umalis na nga ang dalawa. Nakatayo pa rin sya. Napatingin kay Haniel na tahimik lang din. Napatingin sya kila Dirk at Tanya nagulat pa sya ng bahagya ng makitang nakatingin sa kanya si Dirk. Nag iwas sya ng tingin dito. Awkward. Naupo sya sa upuan kanina ni Kai at kinausap si Haniel. "Mukang mahalaga yata ang sasabihin mo, inintay mo pa talaga ko" biro nya dito. "Kaya Naman talaga kitang intayin kahit gano katagal" nginitian pa sya nito. Pakiramdam ko pulang pula na naman ang muka ko, ano bang lalaki naman to, bigla bigla nalang bumabanat or assumera lang ako. "Aww.. look at them Tristan, Ang sweet nila diba? Kayo na ba?" gusto nyang irapan si Tanya sa mga pinagsasabi nito. "Hindi..Hindi pa.." sabi naman ni Haniel "I'm done eating, maiwan muna namin kayo may sasabihin lang ako Kay Ai." Yung kabog ng dibdib ko halos dumoble ano ba namang Haniel to. Lumabas kami at sa may swing kami naupo. "Ano pala yung sasabihin mo?" Tanong nya dito ng ilang minuto na ang lumipas ay di pa rin ito nagsasalita. Tinitigan muna ako nito pagkatapos ay hinawakan ang kamay ko.. kumabog na naman ang dibdib ko shocks! "Aiwa, can I court you?" Napaawang pa ang bibig ko sa tanong nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD