-Chapter 13- Outing

1449 Words
"Aiwa, can I court you?" halos malaglag ang panga ko sa biglang tanong na ito ni Haniel Literal na nakatanga lang ako sa harap nya. Pinoproeso ng utak ko ang sinabi nya? Nagtatanong sya kung pwede nya ako ligawan? Tama diba? Omg! Kung andito si Cait baka napaghahampas nya ito sa kilig. "Aiwa?" untag nya sa akin. "Why?" parang tangang tanong ko "Anong why?" naguguluhan naman nitong tanong sakin. "I mean.. why.. me??" "Coz it's you.." ako naman ngayon ang naguluhan sa sagot nito. Nakangiti na naman ito na nakakalusaw ng puso. "The first time I saw you , dito rin sa swing na 'to 5 years ago, I know nagka crush na ako sa'yo that time. But you were too young that time." tila ay pangungumpisal pa nito. Napasinghap ako sa pag amin nya. Nakangiting pinagpatuloy pa nito ang pagsasalita. "Siguro napapansin ng Kuya Kai mo yun, kaya nagsabi sya sa aming lahat na you're off limits. Akala ko in time mawawala din yung nararamdaman ko but as days passes by mas lalong tumindi yung nararamdaman ko sa'yo." 5 years ago? I was just 16 years old back then. Naalala ko yun yung mga panahon na nagpapaturo ako minsan dito na mag drums dahil gusto ko ring matutunan ang mga instruments na ginagamit nila. palagi silang nasa mansion that time dahil dun sila palagi sa studio ni Kuya nagpapractice. Pinasadya pa talagang ipagawa yun ni Mom and Dad para Hindi na kailangan na lumabas pa palagi ni Kuya Kai "I.. I was just 16 back then.." tanging nasabi ko "Yeah you're too young that time for Pete's sake" kakamot kamot pa ito sa batok nito "Pero nagka girlfriend ka na rin diba?" "Yup. I have two exes. I thought mababaling sa kanila yung nararamdaman ko.." lumungkot ang tono nito "I know it's unfair for them kaya di rin nagtagal." Tumango tango ako rito. Mahabang katahimikan ang dumaan bago ito muli nagsalita pero iba na ang topic nito. Marahil ay Akala nito na offend ako ng aminin nitong nagka girlfriend na ito. "Sya nga pala, sumama ka sa outing namin, Cait is coming too. 3 days and 2 nights lang naman." "Ahm sige tutal kasama naman si Cait" aniya. Kaya pala hindi si Kuya nagsabi sakin dahil si Haniel pala ang mag aaya sakin sa Outing na yun. "Kailan pala yun?" "Next week, Friday morning Tayo aalis " nakangiting sabi nito. "Sige." tumango tango lang ito. "Sige na Ai, di na rin ako magtatagal.." Nahihiyang sabi nito. Bumaba na sila sa swing at naglakad patungo sa sasakyan nito. "Goodnight Ai." Bubuksan na sana nito ang pinto ng kotse nito ng tawaging ko ito. "Ahm Hans?" Napalingon naman ito sa kanya. "About dun sa tinatanong mo sakin kanina, My answer is Yes." derechong sabi nya Natulala pa sa kanya ito pagkatapos ay muli syang nilapitan. "You.. mean..? Pumapayag kang ligawan Kita?" tila di pa ito makapaniwala. "Yes" she sweetly smile "God! thank you Ai!" bakas sa muka nito Ang labis nitong saya. Niyakap pa sya nito ngunit tila nagulat din sa ginawa "I'm..sorry! masyado lang akong Masaya.." "It's ok, lakad na baka lalo kapang gabihin" pagtataboy nya dito kunwari. "Yeah," di maalis ang ngiti sa muka nito. "Bye Ai. See you again.." Kinawayan pa nya ito, Pinandar na nga nito palabas ng mansion ang sasakyan nito. Ilang minuto pa syang nanatiling sa kanyang kinatatayuan ng may marinig syang nagsalita. "So you're finally accepting suitors now huh?" si Dirk tiningnan nya bandang likuran nito dahil wala si Tanya. "Where's Tanya" sa halip ay tanong din nya dito. "Hinatid ko na sya kanina pa." "Ah kaya pala di mo na kasama." nag umpisan na akong maglakad pabalik sa mansyon ramdam ko naman nakasunod ito sa akin. "You like him, don't you?" patungkol nito Kay Haniel. Nagiging tsismoso yata ito ngayon. "I like him, yeah. Mabait sya and Gentleman." sagot ko dito na hindi man lang nililingon. Narinig nya ang pag buntong hininga nito. "Akyat na ko sa taas, goodnight" nilingon ko ito ng bahagya, kitang Kita ko ang madilim na muka nito na agad ding nawala ng Makita nitong Nakaharap ako sa kanya. "Ok , goodnight too." tila labas sa ilong na sabi nito. Umakyat na nga sya sa kanyang kwarto. Naglinis muna sya ng katawan at Saka nagpasyang matulog na. Outing Day "Hi Mommy, Daddy good morning" bati nya sa mag asawa bago humalik sa pisngi ng mga ito. 3 days ago ng dumating na muli Ang mga ito galing Cebu. "Morning sweetheart" si Mom. Nasa dining area ang mga ito at nag aalmusal. "Nasan ang mga gamit na dadalahin mo Ai?" "Naka ready na po Mom nandon na po sa may front door" "Put your luggage sa car ng Kuya Kai mo para wala ka ng ibang dala since naka motor ka lang papunta don" Ang Daddy nya "Sure ka bang kaya mo pumunta don ng naka motor? medyo malayo daw yun sabi ni Kai. Nag aalalang tanong ni Mom. "I can manage Mom, wala ka bang tiwala sa akin?" niyakap pa nya ito habang nakaupo ito sya naman ay nasa likuran ng upuan nito. "Just promise to take care ha?" "Yes Mom!" hinalikan pa nya ito sa pisngi. "Mag almusal kana muna, tapos na Sina Kai and Dirk." "Dun nalang siguro Mom, ayoko Kasi magbhaye na may laman Ang tyan ko." "Ok, if that's what you want." "Mam Aiwa, pinapatawag na po kayo ni Sir Kai aalis na daw po kayo, nailagay na rin po Ang gamit nyo sa Van" Tinanguan nya si Ate Nadia. Nagpaalam na ako muli kina Mom at Dad "Bye po, alis na kami. See you in three days po." muli syang humalik sa pisngi ng mag asawa. "Take care hija" si Daddy Andrew Kumpleto na ang mga ito paglabas ko. Nagulat pa ako ng Makita ko si Tanya, ano kayang ginagawa nya dito. Kasama ba sya? Nag uusap naman si Kuya Kai at Dirk. "Bru Tara na. Sa'yo ako sasabay" si Caitlin Nilabas ko na ang susi ng aking motor. "Sure ka Ai kaya mo magbyahe hanggang don?" si Haniel. Napangiti sya dito. Simula nga pala ng payagan nya itong manligaw ay everytime na pupunta ito sa mansion ay palaging may pa flowers. "Oo naman kaya ko no, tagal ko ng nagmomotor e" "Samahan nalang kita ako ang mag drive?" offer pa nito. Nang biglang lumapit na sa kanila ang magkapatid na Kai at Dirk. "Cait samin ka sasabay" baling ni Kai kay Caitlin "and Ai, sasamahan ka ni Dirk, sya Ang mag drive ng motor mo, medyo malayo kasi yun e" what?! kasama pala ang mga ito? Akala ko kami lang. parang gusto kong mapakamot "What? What about me? San ako sasabay?" maarteng Tanong naman ni Tanya "Pwede kang mag commute kung ayaw mong sumabay samin" pambabara Naman dito ni Cait nakita kong parang mga nagpipigil ng tawa sina Kuya Kai at mga kabanda nito. Inirapan naman ito ni Tanya "Pwede namang ako nalang ang sumabay at mag drive for Aiwa" si Haniel. "Yun naman pala Tristan, Let her boyfriend drive for her" Arte talaga nitong babaeng 'to , sarap kurutin ng nail cutter. "Kaya ko naman kasi kahit ako lang mag isa.." "Ayun naman pala, bakit kase Ang Arte mo ayaw mo pang sumabay sa van may pa motor motor kapang nalalaman." walang pakundangang sabi nito na halos magpanting ang tenga ko "Shut up! You don't know anything about me!" napataas ang boses na sabi nya dito. Nakita pa nyang masamang sulyap na binigay ni Cait dito. "Stop it Tanya, I'll go with Ai, sa Kanila ka na muna sumabay, magkikita rin naman Tayo dun" si Dirk. Akala ko kasi ay hahayaan nitong si Haniel nalang ang kasabay nya dahil kasama nga nito si Tanya. "But.." tututol pa sana si Tanya ng magsalita muli si Dirk "You can go home now if you like" anito na walang sabi sabing kinuha ang susi sa kamay ko. "Fine! I'll go with them na lang" animoy maamong tupang sabi nito. Nagsipasukan na ang mga ito sa loob ng Van nakatingin pa sa akin si Haniel na nginitian ko pa ito. Umandar na ang sasakyan ng mga ito palabas ng mansion. Sumakay na si Dirk sa motor at nagsuot ng helmet inabot nito sa akin ang wari ko ay jacket nito. "Wear it, malakas ang hangin mamaya mahaba pa ang byahe" kinuha ko iyon at nagsuot na rin ng helmet Saka ako umangkas na sa likod. Nagulat pa ako ng nigla nitong hilahin ang magkabilang kamay ko at ipwesto nito na parang nakayakap ako sa kanya. Biglang trumiple ang t***k ng puso ko. "Are you afraid?" anito "N-No. Tara na" Pinaharurot na nga nito ang motor.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD