Malayo pala talaga ang pupuntahan nilang resort dahil almost 2 hours na sila sa byahe e. Nakasunod sila sa Van nila Kai na nasa bandang unahan lang nila.
"Malayo paba tayo?" wala sa loob na naitanong nya, buong byahe nila Ngayon lang sya nagsalita. Naiihi na kasi sya at nagugutom wala pa syang almusal kasi.
"Why?" tanong din nito sa kanya
"Ahm na c-cr na kasi ako" nahihiyang sabi nya dito.
Walang dalawang salita naman na itinabi nito ang motor sa malapit na waiting shed at kinuha nito ang cellphone at may dinial ,maya Maya lang ay may kausap na ito.
"Hey Kai, mauna na kayo. Maghanap lang ako kung San pwede makagamit ng comfort room si Aiwa." biglang tumonog Ang tyan ko nagugutom na Kasi talaga ako ,napalingon pa ito sa kanya malamang narinig nito ang pagkalam ng sikmura ko. "Yeah, may Waze naman.. Dadaan na rin muna kami sa fastfood she's hungry , nagrereklamo na Ang tyan nya.." narinig ko pang sabi nito sa kausap sa kabilang linya.
"Yeah ok I get it." binaba na nito ang tawag.
"Where do you want to eat?" tanong nito sa kanya. Tinanggal ko naman Ang mga kamay Kong kanina pa nakahawak sa may bewang nito na tila pinagpapawisan na
"Sa Jollibee na Lang, dun nalang din ako gagamit ng comfort room"
"Ok then" Muli naman nitong hinila ang dalawang kamay ko payakap sa bewang nito Saka muling Pinaandar ang motor. 5 minutes lang ay nakakita na sila ng isang branch ng Jollibee agad nitong pinark ang motor at inalalayan pa akong makababa, ito pa ang nagtanggal ng helmet ko.
"Let's go" anito at hinila ako sa aking kamay papasok sa loob.
Nang nasa pila na kami sa counter ay nagpaalam ako dito na gagamit na muna ng cr ,tinanguan naman ako nito saka nito pinakawalan ang kamay ko. Pakiramdam ko namumula ang muka ako.
Anong problema non bakit may paghawak pa sa kamay ko? sa isip isip ko habang naghuhugas na ako ng kamay. Pinunasan ko rin ang noo kong pawisan.
Pagbalik ko ay wala na sya sa counter kaya iginala ko ang aking paningin at nakita ko ito sa pinaka dulo nakapwesto , nilapitan ko ito at naupo sa katapat nitong upuan.
Dalawang 2 pc fried chicken ang inorder nito with fries at spaghett rin.
"Kumain ka na para makasunod ba tayo sa kanila" anito
Nagsimula na nga kaming kumain, gutom talaga ako. dapat pala kumain ako kanina gaya ng sinabi ni Mom. Masyado akong busy sa pagkain kaya nagulat ako ng punasan ng daliri nito ang gilid ng labi ko, halos mapaigtad ako.
"Tss parang bata kumain"
"Sorry naman, gutom na Kasi talaga ako di ako nag breakfast kanina"
Inubos lang namin ang aming pagkain at nagpahinga ng konti pagkatapos ay umalis na rin kami.
Sumakay na ito sa motor at ganun din ang ginawa ko. May kinalikot ito sa cp nito.
"Ok ka na ba?"
"Yup" at pagkasabi ko non ay hinila na naman nito ang mga kamay ko payakap sa bewang nito.
Pagtingin ko ng time sa phone ko kanina ay 9:17 am
6:30 kami umalis kanina ang layo , anong oras kaya kami makakarating don
Halos isang oras mahigit na byahe pa ang aming nilakbay ng sa wakas ang huminto ang motor sa harap ng isang napakagandang arko at gate. May Pinakitang pass si Dirk pinaderecho naman ito ng guard na naroon.
Pinarada nito sa isang parking space Ang motor malapit sa kinaroroonan ng Van na sinakyan nila Kai kanina. Pagbaba palang namin ay tumatakbong si Tanya ang nakita namin ,agad pa itong yumakap kay Dirk.
Hinubad ko naman ang jacket na pinahiram sakin ni Dirk at inabot iyon dito.
"Thank you" kinuha naman nito iyon at tumango.
"Babe! bat ang tagal nyo?"
'as if naman ang tagal nilang hindi nagkita' I rolled my eyes halos mapaubo naman ako ng makitang nakatingin pala sakin si Dirk at malamang e kitang Kita nito ang ginawa ko.
"Bru!"
"Ai!" Nakita kong palapit din sa kinatatayuan ko si Haniel at Cait.
"Ang tagal nyo bru"
"eh nagutom kasi ako ,di ako nakapag breakfast kanina.." napakamot ako sa batok
"Tara na don, nag iihaw kami at nagpeprepare ng food for lunch" si Haniel
Naglakad na nga kami palayo sa dalawang naglalampungan
"Akala namin matatagalan pa kayo, nabubuset na kasi kami sa kakatalak ng Tanya na yon"
"Hayaan nalang natin sya," sabi ko.
Pagdating sa isang parang Kubo na may mahabang lamesa at upuan ay tumulong ako sa mga dapat pang iluto.
pinalitan ko si Kelvin sa pag iihaw , sinamahan naman ako ni Hans at kami Ang nagpatuloy ng pag iihaw ng pork barbecue at chicken inasal.
Dumating na din si Dirk at ang nakasimangot na si Tanya. mukang nagtalo ang dalawa.
Dinedma na nya ulit ang mga ito at nagpaka busy sa pag iihaw. May mga hotdog din at Pusit na iihawin pa kami.
"Ai , tikman mo.." may hawak na barbecue si Haniel at pinakagat sya nito Doon.
"Hmmm.." tumatango tango pa ako habang ngumunguya "Ang sarap ha, sinong nagtimpla?"
"Ako" abot Tenga ang ngiti nito "Buti at nagustuhan mo, specialty yan ni Mom and tinuro nya sakin" tila proud na sabi pa nito.
"Pwede ka nang mag asawa" birong sabi nya naman dito.
"Kung ready ka na ba e" ganting biro din nito sa kanya
Umani tuloy sila na panunukso Mula sa mga kaibigan nilang nakarinig sa pag uusap nila.
"Uyyy nilalanggam na kami ha, baka pwede awat muna" si Kelvin
"Baka magka diabetes kayo ha?" si Pius Naman
"Che! tumigil nga kayo" iiling iling kong saway sa mga 'to.
"Magpalit kana muna ng damit Ai," sabi naman sakin ni Kuya Kai, nakapants at shirt pa Kasi ako samantalang Ang mga ito ay nakapagpalit na kanina.
Sinamahan naman ako ni Cait sa cottage namin, magkasama kami sa isang room. May dalawang kama don, air conditioned din ito at talagang napakaganda. Ang mahal panigurado ng bayad dito. Nakita ko ang mga gamit ko sa kanilang side at nilapitan ko iyon at kumuha ng isang maong shorts at maroon croptop.
Isusuot ko na sana yon ng pigilan ako ni Caitlin
"Hep! nasan ang two piece mo?"
"Ano? masyado pang maaga para magsuot non, Ikaw nga naka shorts at croptop pa rin e" aniya dito.
"Yes pero nakadoble na ko no, suot ko sa loob nito ang two piece ko"
"Baka himatayin satin si Kuya Kai pag nakita tayong-"
"ssshh!" tinapat pa nito ang hintuturo sa labi nito "Akong bahala sagot kita bru..trust me!"
Napapailing na nagpalit na sya sa loob ng cr.
Una nyang kinuha Ang black two piece na dala nya. Saka sinuot ang maong shorts at maroon croptop nya.
Lumabas na sila at bumalik sa kubo kung San sila kakain mamaya.
Nakita kong nasa loob ng Kubo si Haniel at nag gigitara , nilapitan ko ito. Sumunod din si Cait at naupo sa katapat ni Haniel sabay dampot ng isang barbecue
"Pahiram" Ani ko at kinuha dito ang gitara, ngumiti lang naman ito sa akin
tila nahulaan naman nito ang tinutugtog ko
"Fan ka rin ba nila?"
"Yup. I'm a big fan of them" tukoy sa PPop Kings ang SB19 "They're my inspiration dati when I'm still studying.. well hanggang ngayon naman"
"Naku oo Hans, lalo na Kay Ken Patay na Patay yan" singit naman ni Cait na ikinatawa namin parehas ni Hans.
"That's Hanggang sa huli right?" tukoy nito muli sa tinitipa nya sa gitara.
"Yup, and I guess you're a fan too?" Ngumiti ito at tumango.
"They're all very talented and down to earth persons." komento Naman nito.
"Yeah, kaya nakuha nila ang puso ng masa." sagot ko.
"Hay nako Ewan ko sa Inyo di ako maka relate palibhasa wala ko talent sa pagkanta. diyan na nga kayo kainis!" at iniwan kami ni Cait
Nagkatinginan pa kami ni Hans tapos ay sabay na humagalpak ng tawa.