bandang 1 pm na sila halos natapos mag lunch at talaga namang busog na busog sila.
Mga nakasalampak pa ang iba sa buhanginan na may latag naman.
Maganda ang panahon ngayon dahil hindi masakit sa balat ang init, medyo makulimlim nga pero di naman naulan. Ang lakas pa ng hangin kaya tinatangay ang mahaba kong buhok.
Andami din tao dito sa beach resort na ito may mga foreigner pa kamo.
Napakaganda ng kulay asul na dagat at pinong buhangin na hindi naman kaputian.
Naglalakad lakad naman si Cait at sinundan ito ni Kuya Kai. I smell something fishy talaga dun sa dalawang yun e. Tsaka di na sila masyadong nag aaway, mag asaran man himalang nagpapatalo nalang si Kuya na di naman nya gawain, I mean mahilig syang mag rebut.
Katabi ko pa rin si Haniel na tumugtog sa kanyang gitara ng kantang "Kung di rin lang ikaw" ng December Avenue
Si Dirk at Tanya naman ayun magkatabi din sa isang gilid sa buhanginan, may latag din sila gusto ko ngang matawa dahil tila kanina pa nag aaway ang dalawang yun at parang si chaka'tanya ang kanina pa nanunuyo dito.
Tumayo ako ng may maalala.
"Where are you going?" agad na tanong ni Hans.
"Kunin ko lang yung camera ko, parang gusto mag picture taking, balik din ako" aniya dito
tumango naman ito sa akin at umalis na nga ako don.
Madali kong kinuha Ang aking Camera at agad na sinabit sa may leeg ko. Naglalakad na sana ako pabalik sa grupo ng may nakaagaw ng aking atensyon sa bandang kaliwa ng aming cottage na inookupa.
Naglakad ako, dahil natanaw ko sa banda dun ay may naglalakihang rock formations at madami ring mga tao dun banda marahil ay dahil sa tanawin dun.
Habang naglalakad ako ay panay din click ang aking Camera kada may madadaanan akong maganda sa aking paningin.
Naglalakad pa rin ako habang ang camera ay nasa may mata ko ng biglang
"Hey watch out!" naramdaman ko ang pagbangga ko sa isang matigas na bagay.
Matutumba sana ako dahil na out of balance ako pero buti nalang at maagap na nahapit nito ang aking bewang,.
Nagkatitigan kami ng lalaking marahil ay kasing edad ko lang din.
"Ahm. I'm sorry , sorry I didn't see you." sabi ko dito at saka lumayo sa lalaki medyo naiilang pa ako sa titig nito lalo na sa paghawak nito sa bewang ko.
Dirk's POV
"Babe let's go swimming na" pangatlong beses na yata itong sinabi ni Tanya. Medyo naiinis na nga ako sa kakulitan nito.
"I told you we can swim later" walang ganang sagot nya dito.
Napatingin ako sa gawi ni Aiwa , She's smiling from ear to ear everytime she's talking to that Alcantara. I don't know what I'm feeling pero naiinis ako everytime they're together.
Nakita kong tumayo ito at tila may sinabi kay Haniel at umalis na ito.
"Wait here, I'll use the comfort room lang" kunway dahilan ko Kay Tanya.
"Ok, bilisan mo lang ha, tapos mag swimming na tayo."
tinanguan ko nalang ito para di na mangulit pa sa akin.
Nagpunta muna ako sa cottage ng mga lalaki para di nila ako mahalata. Magkatabi lang din nanan ang mga cottage namin.
fuck! what am I doing? parang stalker ang datingan ko nito.
Nakita kong lumabas na si Ai, babalik na siguro sa pwesto nila ni Haniel, lalapitan ko na sana ito ng biglang umiba ito ng Daan, sinundan ko ng tingin ang minamasdan nya at may nakita akong mga rock formations don.
palihim na sinundan ko ito, Panay pa ang pagkuha nito ng mga larawan.
Nakita ko pang may grupo ng mga kalakakihan ang nakatingin dito, nag uusap ang mga ito at tila ay inuudyukan ang isa na lumapit kay Aiwa.
Marahil ay di nito iyon napapansin dahil busy pa ito sa pag kuha ng mga picture sa camera nito.
I'm just watching her and then a tall guy is approaching her pero dahil nakatingin pa rin ito sa camera nito ay hindi nito napapansin ang lalaking palapit dito at kitang kita ko ng sadyain nitong banggain si Aiwa.
"Hey watch out!"
Muntik na mabuwal si Ai pero nahawakan kaagad ito ng lalaki sa bewang nito kung kaya di ito tuluyang natumba.
That jerk! halos magsalubong ang kilay ko sa ginawa nito.
"Ahm , I'm sorry, sorry I didn't see you" narinig ko pa ang paghingi ng despensa nito at mukang naiilang ito.
"It's ok, pwede ka naman bumawi sakin e." sabi ng lalaki dito na nakangisi pa
"what?" tila naguguluhan naman si Aiwa sa palagay ko.
"Can I have your number? Just give mo your number then we're ok na"
"Ahm-" sasagot na sana si Ai ng lapitan ko ang mga ito.
"Ai!" tawag ko dito sabay akbay sa kanya, napalingon naman ito sakin at nakita ko ang relief sa muka nito ng makita ako
"Kanina ka pa nila iniintay" Tinitigan ko pang ang lalaking bumangga kay Aiwa.
"May problem ba dito?" Di hamak na mas matangkad at malaki Ang katawan ko sa lalaki.
"Wala nanan pare." sagot ng lalaki na ngumisi pa
"Ah oo nga pala, napasarap kasi ako sa pag picture taking." anito na pinaikot naman ang kamay sa bewang ko, Nagulat ako sa tila kuryenteng nanulay sa pagdaite ng aming balat dahil wala akong suot na damit pang itaas.
Marahil ay natakot talaga ito sa lalaki kanina.
"Tara na" at hinila na ako nito palayo ron.
"Next time wag kang maglalakad mag isa , you understand?" sabi ko dito
"Di ko kasi namalayan busy ako mag picture,napalayo na pala ako"
Nagulat pa ito ng narealize na nakakapit pa rin ang kamay nya sa may bewang ko.
"I'm sorry," at tumungo ito at namula
ang magkabilang pisngi nito. Hindi nito nakita ang kanyang pag ngiti.
Sabay na kaming bumalik sa kinaroroonan ng mga kasama namin.
"Bru! Tara swim na Tayo!" tawag ni Caitlin dito nanakbo pa ito palapit sa kaibigan nito.
"San kayo galing Tristan bat magkasama kayo?" Taas ang isang kilay na tanong sakin ni Tanya.
" Nagkasabay lang kami, why is there something wrong with that? just in case you forget you're not my girlfriend" sa inis ko dito ay derechahang sabi ko.
Natigilan naman ito.
"Mag swimming na tayo" tinalikuran ko ito at nauna na kong lumangoy sa dagat.
Ito naman ay hinubad muna ang suot na short dahil may suot pala itong two piece , nag iwas nalang ako ng tingin dito.
Naglangoy langoy muna silang dalawa.
Nang hanapin ko kung nasan na si Aiwa ay halos matulala ako sa nakitang suot nito , naka black two piece at kitang Kita Ang hubog ng katawan nito
halos mapalunok ako
Naglalakad ito palapit sa pwesto ng grupo ni Kai habang nakangiti kasabay nito si Cait na naka yellow two piece naman.
Shit! kelan pa sya natutong magsuot ng ganon.
tila naaasiwa naman ito sa suot nito.
Palapit na rin ang mga ito sa dagat at gaya nila ay nagsipag languyan na ang mga ito .
Hawak hawak ni Haniel Ang kamay ni Aiwa habang sumusuong sila sa medyo malalim na parte ng dagat.
Nakita ko naman si Kai at Caitlin tila nag aaway ang dalawa, halos matawa pa ako ng makitang binalutan ito ni Kai ng towel , tinutukso din Naman ito ng mga Kaibigan nito.
umahon na ako at kinuha ko ang towel ko na nasa may Kubo.
Ilang minuto pa ang lumipas ay nakita Kong umahon na rin sina Haniel at Aiwa ay naglalakad sa kinaroroonan namin.
Bigla akong tumayo at Lumapit sa mga ito.
Napasinghap pa si Aiwa ng maramdaman marahil ang tuwalyang ibinalabal ko sa katawan nito
"Change" isang salita ngunit may diin ang lumabas sa bibig ko.
Alam kong napatingin ang mga ito samin.
Tumalima naman si Aiwa sa sinabi ko.
Wala akong pakialam kung anong isipin nila. I just don't like them staring at her body.
fuck ano na bang nangyayare sakin , bakit parang nagiging possessive ako Kay Ai? sa isip isip ko
Nagpasya na din akong pumasok muna sa kwarto ko para makapag banlaw at magpahinga muna. Hindi ko na nga naalala na naiwan si Tanya don.
What's happening to me? kastigo ko sa aking sarili. Simula nung araw na hinalikan ko sya palagi ko na syang naiisip.
Minsan nga sinusundan ko pa ito lalo pag nasa mansion si Alcantara. I know he's courting her.
Ewan pero parang di ko matanggap ang bagay na yun.
Posible kayang..? Hindi ayokong isipin.
Hindi pwedeng magustuhan ko sya.