Aiwa's POV
"Change" nagulat pa ako sa pagbalot sakin nito ng towel na hawak nito. Bakit parang galit ito? Ano na naman kayang nagawa ko?
I look at Haniel apologetically dahil sa inasta ni Dirk , ngitian lamang naman ako nito at tumango.
Naglakad na ako papasok sa loob ng cottage namin ni Cait. Nag shower muna ako sa banyo at ng matapos ay sinuot ko ang aking robe at muling lumabas upang kumuha ng mga damit na aking isusuot.
Pinag iisipan nya kung mag short pa ba sya or mag pajama nalang sa huli ay nag shorts na Lang ako ulit at isang oversized shirt.
Siguro naman hindi na magrereklamo si Kai at Dirk sa suot nya, though wala naman sinabi si Dirk about sa suot nya , e yung ginawa nga lang nito kanina tells it all.
Habang nagboblower ako ng aking buhok ay nakaramdam ako ng antok. Kanina pa nga pala ako hikab ng hikab.
tiningnan ko ang oras , it's 2:34 pm palang pala..
Matutulog muna ako, ang bigat talaga ng Mata ko, napuyat Kasi ako manoon ng k-drama kagabi.
Dami ko pang iniisip hanggang sa di ko na
namalayan na nakatulog na ako.
Naalimpungatan ako ng maramdaman kong may tila mainit at malambot na bagay na dumampi sa labi ko. Pero dahil sa antok ko di ako nagmulat ng mata at muling nilalamon ng antok ang kamalayan ko ng maramdaman ko naman na ay bahagyang pagyugyog sa balikat ko , pati muka ko ay tinapik na rin.
"Wake up Sleepy head.." mahina lang at malumanay ang boses ni Dirk.
wait? Dirk? bakit si Dirk?
dahan dahan kong minulat ang aking mata at si Dirk nga ang narinig kong nanggigising sa akin.
"Ano ba, abala ka..natutulog yung tao e.." namamaos na sabi ko dito at tinalikuran ko pa ito.
"It's already 6 pm just in case di mo alam"
Napabangon ako sa sinabi nito. Mabigat pa talaga ang talukap ng mata ko as in literal na inaantok ako.
"Pinapa tawag ka ni Kai dahil kakain na tayo"
Nanatili pa rin syang nakaupo.
"Wag mo kong subukan Ai, kayang kaya kitang buhatin palabas ng kwartong 'to"
Inis na bumaba na ako sa aking kama at inirapan ito.
Sinuklay ko ng aking mga kamay ang buhok Kong nagusot sa pagtulog ko kanina.
Naglakad na ako papunta sa pinto pero hinila ako nito pabalik. Inabot nito sakin ang jacket na suot. Nagtataka ko naman itong tiningnan
"Wear that, malamig na sa labas" at Saka ito naunang lumabas ng kwarto.
Sumunod nablang ako dito, nauuna lang naman ito sakin ng kaunti.
Pagdating nga namin don ay nakahanda na ang pagkain. Nakaupo na rin ang mga ito sa magkabilaang mahaba na upuang kawayan na naron.
"Wow! ang daming seafoods!" tila batang bulalas ko. Naupo ako sa tabi Cait, napagitnaan nila ako ni Hans. Si Dirk naman ay sa pagitan ni Tanya at Pius naupo dahil yun nalang ang space.
"Si Kai Ang nagluto ng Battered shrimp kasi alam kong favorite mo yun." sabi ni Cait sakin
"Thanks Kuya Kai!"
"Don't mention it" sabi naman nito "Kain na Tayo"
Napuno ng kwentuhan at tawanan ang dinner na yon. Nag usap usap pa ang mga boys na mag-iinom sila after namin kumain.
Nang matapos na nga sila sa pagkain ay tumulong sya sa pagliligpit at linis ng kinainan nila. , as usual tinulungan ako ni Hans.
Yung iba naman ay nagsimula ng mag gawa ng bonfire dun sa pupwestuhan nila mamaya malapit sa dagat.
Ng tapos na kami sa ginagawa namin ay sumunod na kami sa kinaroroonan ng mga ito.
Tama si Dirk medyo malamig na nga ang simoy ng hangin ngayong gabi.
Nakatayo pa si Dirk malapit sa may dagat palagay ko ay may kausap ito sa phone nito.
Naupo na rin kami ni Hans para pumabilog sa bon fire, nag gigitara si Kelvin at kumakanta naman si Kuya. May hawak na rin na beer ang mga ito.
"Sana all" Ani Cait sa kanya "Napakabait Naman ng suitor mo bru palagi nakaalalay, kayo na ba?" tila kinikilig na sabi pa nito.
"Grabe sya, para tumulong lang yung tao e" natatawang inirapan ko naman ito. si Haniel naman ay nakangiti lang din.
"Sus! if I know!-"
"Cait!" tili ko sa pangalan nito tumayo naman ito at tumakbo kaya hinabol ko ito, mamaya kung ano pang masabi nito ibuking pa ako kay Haniel.
Tawa sila ng tawa ng maabutan ko ito at kiniliti napagulong pa kami sa buhangin.
"Tama..naa..hahahaha" tila hinahabol ang hininga nito ng muling magsalita, malakas Kasi Ang kiliti ng best friend kong to. "I can't .. breathe na..hahaha" patuloy pa rin ito sa pagtawa dahil kinikiliti ko.
"Tama na yan Ai, baka di na makahinga yan si Cait," dinig kong awat sakin ni Kuya Kai.
Nagpagpag kami ng aming mga damit at muling bumalik sa pwesto namin pero nandon na si Dirk sa pwesto ni Cait kanina kaya si Cait ay don na naupo sa tabi ni Kuya Kai since yun nalang ang may space at yung space sa pagitan ni Dirk at Haniel.
Kakamot kamot sa batok na naupo ako ron.
Lahat sila may hawak ng canned beer including Tanya na katabi ni Dirk.
kukuha din Sana ako ng beer ng tapikin ni Dirk ang kamay ko.
"You're not allowed to drink" anito and I just rolled my eyes.
Mag 11 pm na ng matapos ang mga ito napagdesisyunan na magsipasok na sa Kani kanilang cottage. May mga amats na yata ang mga 'to sa daming lata na naron ba naman e.
"Bru pakikuha muna ng gitara ng Kuya mo ikaw na muna magtago, tulungan ko lang si Pius ipasok sa cottage nya tong Kuya mo, lakas ng loob uminom di naman pala sanay." inis na sabi sa'kin ni Cait.
Kinuha ko nga ang gitara
"Ikaw kaya mo ba Maglakad mag isa?" baling ko Kay Hans sa tabi ko
"Yup, don't worry about me Princess" anito
"Nako lasing ka na nga yata ibang pangalan na tinatawag mo_"
"No , cause you're my Princess Sheen Aiwa" napanganga Naman ako, ah yun pala yun?!
"Bola ka pa, sige na papasok na rin ako dyan na kayo, Goodnight."
Nakita kong andon pa si Dirk at Tanya mukang tahimik ngayon si Tanya at nakakapanibago,
nagderecho na ako papasok sa kwartong inookupa namin ni Cait.
pero isang oras na yata akong dilat ay Hindi pa rin ako dalawin ng antok, plus wala pa si Cait bakit kaya. Sa haba yata ng tinulog ko kanina kaya di pa ako dalawin ng antok ngayon.
Kinuha ko ang jacket ni Dirk at sinuot tapos ay binitbit ko ang gitara, haharanahin ko ang karagatan haha.
Naglakad ako sa pwesto ng bonfire namin kanina, wala ng apoy ron pero may konting baga pa. Sumalampak ako ng upo sa buhangin saka nagtipa sa dala kong gitara.
I need you by Leann Rimes
I don't need a lot of things
I can get by with nothing
With all the blessings life can bring
I've always needed something
But I've got all I want
When it comes to loving you
You're my only reason
You're my only truth..
napangiti ako ng mapakla ng muka ni Dirk ang pumasok sa isipan ko.
Ang totoo talaga ay Malaki na ang pinagbago ng pakikitungo nito sakin, mag 1 month pa lang simula ng dumating ito.
Yung paghawak nito sa kamay ko kanina,
pakiramdam ko parang may kakaiba sa kanya.
I need you like water
Like breath, like rain
I need you like mercy
From Heaven's gate
There's a freedom in your arms
That carries me through
I need you (dada, dada, da)
Oh, yes I do (dada, dada, da)
"Gabi na dapat natutulog ka na"
"ay kabayong bastos!" halos mapasigaw ako sa sobrang gulat. "Ano ba Dirk! palagi mo na lang ba akong gugulatin?!" Tumayo ako at tiningnan ito ng masama.
"Say it again"
"What? Anong say it again pinagsasabi mo?"
"What did you just call me?" anito na lumapit pa sa'kin
"A-ano? di Kita maintindihan" naiinis pa rin na sabi ko dito.
"I said say it again, what you just call me"
"Edi ano pa? edi pangalan mo! Sino bang nandito na nanggugulat palagi sakin"
"Just say it again"
"Pwede ba Dirk , hindi ka naman-"
halos manlaki ang mata ko at di ako makagalaw sa kinatatayuan ko ng maramdaman ko ang labi nitong madiin na lumapat sa nakaawang Kong labi kanina dahil nagsasalita pa ako. Ilang segundo lang iyon nagtagal.
Idinikit pa nito ang noo sakin matapos ang ginawad nya saking halik. Nagtataas baba pa ang dibdib nito habang ako'y tila estatwa pa rin.
"Sorry but I'll climb any mountains just to kiss your sweet lips again."