He kissed me again? for the second time around he kiss me again? for Pete's sake!
Itunulak ko ito ng mahimasmasan ako pero hindi man lang ito natinag kaya naman ay umigkas na Lang aking kanang kamay sa muka nito, napabaling pa ulo nito sa lakas ng impact ng sampal ko dito.
"Well I think I deserve that"
tatalikuran ko na sana ito ngunit agad ako nitong hinila pabalik
"Ano ba! Ano bang palagay mo sa'kin!" Nanggigigil kong bulyaw dito "Ninakaw mo na nga Ang first kiss ko, pati ba naman yung pangalawa! Anong karapatan mong Gawin yun sakin ha!" this time di ko na napigilan ang pagtulo ng luha ko.
Tila nagulat naman ito ng makita akong umiyak, niyakap ako nito
"I'm sorry, I'm sorry Ai.." bulong nito sakin pilit ko naman itong tinutulak at sinusuntok sa dibdib
"A-akala ko ba ok na tayo bakit? bakit pinapahirapan mo na Naman ako?" patuloy sa pag agos ang luha ko
Napapikit naman ito ng mariin Saka ako muling niyakap
"Hush baby," hinawakan nito ang magkabilang kong pisngi pilit hinuhuli ang aking mata "It's not what you think it is ok?"
"Then what?"
"I.. don't know, I'm also confused about what I'm feeling for you."
Napamaang ako dito pati yung luha ko kusa yatang huminto ng marinig ang sinabi nya.
Feelings? Anong feelings ang sinasabi nito? sa isip isip ko.
Nakatitig pa rin ito saking mga mata.
"All I know is that everytime you're with that Alcantara.." pinutol pa nito ang sasabihin
"What?" Tanong ko
"I'm jealous." walang gatol nitong sagot na nakapag pasinghap sa akin.
Seryoso ba 'to sa mga sinasabi nito?
Oo nga pala nakainom din ito malamang salitang lasing lang.
"alam mo lasing ka lang yata kaya mo nasasabi yan"
"I'm very far from drunk"
Humakbang ako paatras pero muli ako nitong hinila pabalik
"Bitiwan mo ko"
"Pwede bang pakinggan mo muna ako?"
"No! you can't be jealous with Hans. We're like sisters and brothers diba?"
"We're not!" he hissed
"You're with Tanya-"
"I like you!" tila pati ito ay nagulat rin sa lumabas sa bibig nito.
"Stop it, if you're planning to toy me-"
"I said I like you! I don't even know when I started liking you but f**k! that's what I'm feeling right now!" tila nauubusan ng pasensyang sabi nito sa akin
"Stop ayaw kong marinig!" at tinulak ko ito ng ubod ng lakas tila di nito iyon inaasahan kaya nabitawan nya ako sinamantala ko 'yon at kumaripas ako ng takbo pabalik sa kwarto namin ni Cait di ko na nga dinampot yung gitara ni Kuya Kai sa pagmamadali kong makalayo Kay Dirk. He's being an asshole again.
Nakarating na ako sa kwarto namin at akmang isasara ko na ito ng sa gulat ko ay iharang ni Dirk ang katawan nito upang hindi ko tuluyang maisara ang pinto ng kwarto. Sinundan pa talaga nya ko?
Ano ba talagang gusto nito?
"Not so fast baby" at tuluyan na nga itong nakapasok sa loob ng kwarto namin Cait. Sinara pa nito iyon at nilock.
"I said stop , whatever you're planning just to get even with me-" hindi ko na naman natapos ang aking sasabihin ng hilahin ako nito at itulak sa nakapinid na pinto with his both arms beside my shoulders. Nakulong ako sa sa ginawa nyang yon.
"I'm not expecting you to like me back baby, I'm just letting you know that I like you"
"Shhh baka magising si Cait" sa pag aakala kong nakabalik na sa silid namin sa Caitlin
"He's with Kai" anito
Tiningnan ko nga ang buong silid but no traces of Cait ibig sabihin hindi pa rin ito nakakabalik.
"Let me go." mahinahon kong sabi dito
Umalis naman na ito sa pagkakakulong sakin sa may pinto kanina. Nakahinga ako ng maluwag.
Yung puso ko parang halos lumabas na sa sobrang lakas ng kabog nito.
Naglakad ako at naupo sa gilid ng aking kama.
Naguguluhan ako sa mga nangyayare, did he just confessed? that he likes me?
"Don't think too much, I'm not up into something.. I just let you know what Im feeling so you won't be confused why.. I kiss you."
"That's not enough reason for you to kiss me!" inis sa sagot ko dito.
"I'm proud that I'm your first kiss, your second and your third and I'm gonna make sure I'll be your last too." he smirk.
Nagulat na naman ako sa sinabi nito, Anong third? May third kiss na kami?
"Anong pinagsasabi mo? You stole my first and second kiss! at Anong third ang pinagsasabi mo?"
Ngumiti pa ito sa akin
"Well I kiss you earlier before I wake you up for our dinner, that's our second kiss." tila proud pa nitong sabi halos mapanganga nalang talaga ako.
Ibig sabihin yung naramdaman ko kaninang mainit na bagay na sa labi ko nung natutulog ako? urghh! I can't believe him!
"You're impossible!"
"Yeah I am" nakangiti pa itong naupo sa tabi ko.
"Alam mo namang nanliligaw sakin si Hans diba?"
"Yup, just don't let him kiss you. You're mine."
"Hindi mo ko pag aari, ano ba talagang gusto mo?"
"Ikaw lang ang gusto ko"
halos umusok na ang ilong ko sa inis dito.
"Lumabas ka na, baka maabutan ka pa ni Cait dito" pag iiba ko na Lang ng topic
"I don't think she'll be back until morning "
kunot noo ko itong tiningnan "Don't get near Alcantara again" biglang iba nito ng topic
"and who are you para utusan ako!?"
"I'm your future boyfriend baby"
Ang kulet talaga nya!
"Stop calling me baby!" asik ko
"But you're my baby" at hinaplos pa nito ang aking muka hindi pa man ako nakakahuma ay sinakop na nitong muli ang aking mga labi.
This time banayad at malumanay ito di gaya kanina. Ako naman at parang natuklaw pa rin na di makakilos. Hinawakan nito ang likod ng aking ulo kaya napasinghap ako dahilan upang maipasok nito ang kanyang dila sa aking bibig.
Naliliyo ako sa sensasyong aking nararamdaman, pinalalim pa nito lalo ang paghalik sa akin hanggang sa namalayan ko na Lang na tinutugon ko na ang kanyang halik, ginaya ko lamang ang bawat galaw ng kanyang labi bahagya pa itong napaungol sa pagitan ng aming halikan. Kung Hindi pa sila tila mauubusan ng hininga ay hindi pa sya nito titigilan.
Pinagdikit nito ang kanilang mga noo. Nakita ko itong ngumiti ,nangingintab pa ang mga labi nito.
"Fourth" sabi pa nito, our fourth kiss.
"You're lips are addicting baby.." hinawakan nito ang aking kamay
"This is.. wrong" mahinang sabi ko
He pulled me into a hug
"Having you like this can never be wrong" pinatakan pa ako nito ng mumunting halik sa aking ulo
"But what about Tanya?"
"She's not my girlfriend, why worry about her? wait are jealous?"
"of course not! I thought you too were dating"
"Nope. She's just a friend" muli nitong hinagkan ang ulo ko.
"But.. But Haniel is already courting me.." mahinang usal ko, dinig ko na halos ang t***k ng puso nito dahil sa pagkakayakap nito sakin.
"Just don't give him your YES and stop giving your sweetest smile to him again or else.."
"or else what?" tiningala ko ito.
"I'm gonna kiss you in front of them"
Hinampas ko ito sa gulat ko.
"Don't you dare!"
"I'm just kidding, but if I can't control myself and got jealous again.. I might do that." seryosong sabi nito na tinitigan pa ako sa aking mga mata.
Pinatakan nito ng halik ang aking dalawang mata kaya napapikit ako, sunod Ang tungki ng aking ilong at sumunod ay aking mga labi sinakop nito iyong muli at mas pinalalim nitong muli iyon, tinutudyo tudyo nito ang aking labi upang tumugon,
Hinayaan Kong muli na maglakbay Ang mga dila nito sa aking bibig. Damn! He's a good kisser. Nagagawa nya akong pasunurin Halos parang gusto na nitong higupin ang labi ko.
Ng maghiwalay muli ang kanilang mga labi ay nagsalita ito.
"We should stop now before I lose my control and take you now" Pakiramdam ko ay namula ang buong muka ko sa derechahan nitong pahayag.
"That's not allowed!"
Ngumiti lamang ito, Tumayo ito at inayos Ang kama ko Saka ito nahiga don,
"Come" inaabot nito ang kamay sakin tumawa pa ito ng marahil ay makita ang takot at kaba sa muka ko.
"Don't worry we'll just sleep, I won't do anything that's against your will again."
Nakahinga ako ng maluwag sa sinabi nito kaya lumapit na ako dito at nahiga sa kabilang gilid pero agad din naman ako nitong hinila palapit sa kanya. Nakaunan ako sa ma muscle na braso nito at napahawak Ang kamay ko sa dibdib nito.
"Sleep, it's almost 1 am" anito
"Goodnight" sabi ko nalang dito dahil inaantok na rin talaga ako
He give me a smack on my lips before saying his goodnight too.