- Chapter 8- Traumatized

1319 Words
Dirk's POV "K-Kuya Dirk, parang awa mo na, p-pababain mo a-ako" basang basa sa luhang pakiusap sakin ni Aiwa, nanginginig ang buong katawan nito na parang takot na takot. Hah! akala ba nya madadala nya ako sa drama nya. 'Tumahimik ka!" angil nya dito Lalo itong nagsumiksik sa gilid ng sasakyan ko, halos nakabaluktot na ito don, bahagya syang nakaramdam ng awa sa nakita nyang itsura nito. "M-Mommy.. Daddy ko.." tila pinapangapusan ito ng hininga. "Shut up!" bulyaw nya dito "It's your fault! Kung hindi ka spoiled brat at Hindi mo tinuruan ng pagiging spoiled si Athena Hindi mangyayare Ang lahat ng 'to!" Umuusbong na naman ang galit sa kanyang puso. "No!" ganting sigaw nito sakanya sa kabila ng panginginig ng katawan nito at boses "Ikaw! ikaw Ang may kasalanan, if only you listen to her!!! kaya ikaw Ang May kasalanan! You're the reason why she's gone now!!!" Galit na Galit na inihinto nya ang sasakyan , nagsisimula ng umulan. Gusto nya itong saktan sa mga sinabi nito sa kanya, binabaliktad pa sya nito. "Out! Get out now! baka ano pang magawa ko sa'yo!" pigil na pigil nya Ang sariling sakalin ito. Napatili pa ito ng hampasin nya ang manibela , binuksan nya ang pinto ng kotse sa tabi nito at tinulak nya ito palabas wala syang pakialam kung naulan na, at pinagtitinginan ito ng mangilang ngilang tao na nasa kalsada, malayo na rin ang Lugar na ito sa bahay nila pero wala syang pakialam. Nakita pa nyang niyakap nito ang sarili marahil dahil ay nalamigan dahil sa lakas ng ulan "Wala Kang puso.." narinig pa nyang sinabi nito bago kinabig pabalik ang sasakyan upang Umalis na sa Lugar na 'yon. Siguro nanan ay magtatanda na ito at Hindi na sya kalabanin pa. 20 minutes din ang naging byahe nya pabalik sa mansyon, malakas pa rin ang ulan kaya tinakbo nya ang pagitan sa garahe patungo sa bahay nila, nabasa sya ng bahagya. Nagulat pa sya ng pagpasok nya sa mansyon ay isang malakas na suntok ang dumapo sa panga nya kaya napahandusay sya "Dirk!" Ang Mommy nila na agad naman syang dinaluhan habang ang kapatid nyang si Kai ay pulang pula ang muka at Tila gusto pa syang sugurin ulit kung hindi lang inaawat ng mga kabanda nito "What the f**k?!" sabi nya dito "Nasan si Aiwa!" malakas na sigaw nito sa kanya "Anong ginawa mo sa kanya, ha? asan si Aiwa!" tila ay gusto na nanan sya nitong bigwasan yun lang ay hawak hawak ito nila Haniel, Pius at Kelvin "Ano bang pakialam mo ha Kuya?" nang uuyam na sabi nya dito ,tumayo sya at pinunasan nya ang pumutok na labi "Don't Tell me may gusto ka rin sa kanya?" "Gago babasagin ko na talaga yang muka mo! bakit ba napaka kitid ng utak mo ha?!" Galit na Galit ito na gusto na naman syang sugurin "Stop it, wag na kayong magsakitan na dalawa.. Anak, nasan si Aiwa? San mo dinalang kapatid mo?" punong Puno ng pag aalala ang boses nito "Hindi ko sya kapatid, ano ba Mom? si Athena ang kapatid ko!" isang malakas na sampal ang tumama sa panga ko na halos tumabingi ang ulo ko. "Pano mo nagawa yun Kay Aiwa ha Dirk?" lumuluhang sabi ng kanya Mommy Naguguluhan naman sya sinasabi nito? "Alin? Yung pag Iwan ko sa kanya sa gitna ng kalsada kahit umuulan?" nakatawang Tanong pa nya sa mga ito Narinig nila ang pag malakas na pagsinghap ni Caitlin na kabababa lang galing sa hagdanan malamang ay narinig nito Ang ingay nila dito sa baba. "What? Iniwan mo sya sa gitna ng kalsada kahit naulan? tangina Dirk!" muli ay nilapitan sya nito at kinuwelyuhan "Pano kung Anong mangyare sa kanya ha? di mo na naisip yun??" tinulak nya si Kai pumagitna naman sa kanila ang mga bandmates nito, "Masyado nyong ini spoiled ang ampon nyo!" " "Bakit mo sya sinakay sa kotse mo? bakit ha Dirk? ganyan ka na ba kasama?" "May car trauma si Aiwa!" narinig nyang sabi ni Caitlin na ngayon ay umiiyak na rin Nilapitan nito Ang Mommy nila at inaalo. "Car trauma?" takang Tanong nya "Wag mong sabihing di mo alam?" asik sa kanya ni Kai Hindi sya nakaimik dahil wala Naman talaga syang alam na may trauma pala ito sa loob ng kotse " Sabagay ano bang aasahan sa'yo wala ka nga palang pakialam Kay Ai, " kaya ba ganon ang reaksyon nito ng sapilitan nya itong isakay sa kotse , nag flashback sa isip nya ang nanginginig na katawan nito ang takot sa mga mata nito.. Ang pagmamakaawa nito sa kanya kanina na pababain na niya ito. God! what have I done! Kinakain sya ng kanyang kunsensya ngayon. "Peram ako ng susi ng motor mo dude" narinig nyang sabi ni Haniel sa kapatid nya "Hahanapin ko si Ai..' bakas ang pag aalala sa muka nito "No." pigil nya kay Haniel "I'm the one who'll gonna look for her." at kinuha nya Ang susi ng motor na iaabot Sana nito Kay Haniel I'm sorry Mom, I really didn't know about her trauma." Nilapitan nya Ang Ina at hinalikan ito sa noo. Saka dali daling muling lumabas ng bahay kahit na malakas ang ulan ay di na nya inalintana. sinuot ang helmet naroon at kumuha pa ng isang extrang helmet para ka Aiwa saka pinasibad ang motor. Halos 30 minutes na syang paikot ikot sa Lugar na pinag iwanan nya Kay Aiwa kanina pero di pa rin nya Makita maski ang anino nito. hinanap na rin nya sa kalapit Lugar pero wala pa rin 7:35 pm ang oras sa kanyang relong pambising, kung tutuusin maaga pa ang gabi pero dahil sa sama ng panahon ay nagmistulang alas dose na ng gabi dahil wala na rin halos tao marahil ay dahil sa lakas ng ulan. Muli nyang pinaandar ang motor ng napansin nyang may playground sa dadaanan nya, nabuhayan sya ng loob. Pinarada nya Ang motor Ang naglakad paloob ng playground at isang Lugar lang ang paborito tambayan nito maliban sa swing at tama nga sya. Tila nabunutan ako ng tinik ng Makita Kong nakaupo ito sa isang bench habang yakap yakap sa mga tuhod nito. Nakaramdam ako ng awa sa mga ginawa ko sa kanya. Mahina na Ang ulan pero nabuhos pa rin, Nilapitan nya ito at tinawag "Aiwa.." dahan dahan naman itong nagtaas ng tingin sa kanya, sa tulong ng mga ilaw na nagmumula sa mga poste ay nakita nya ang mugto nitong mga mata at namumula nitong ilong. Parang pinipiga ang puso nya. "K-Kuya Dirk..." tila batang tawag nito sa kanya na animoy nakakita ng kakampi. "B-bumalik ka?" umiyak na naman ito. "I'm sorry Aiwa.. I didn't kno-" di nya natapos ang sasabihin ng bigla sya nitong sinugod ng yakap ,nanginginig pa rin ito, f**k! malamang na kanina pa ito babad sa ulanan "T-Thank you f-for c-coming back, I'm.. I'm so scared" umiiyak na sumubsob ito sa aking dibdib. Wala sa loob na niyakap rin nga ito. "Let's go, I'll take you home baka magkasakit ka" aniya habang tinatapik tapik ang likod nito ",I can't -" "Don't worry Hindi Tayo sa kotse sasakay , I borrow Kai's motorcycle" "Thanks" kumirot ng puso nya, bakit nagawa pa sya nitong pasalamatan? Inakay na nya ito papunta sa motorsiklo , hinubad ang jacket ko at ipinatong sa kanya upang hindi ito masyadong lamigin sa byahe Nang masiguro nyang ayos na ang pwesto nito sa back ride ay pinaandar na nya ang motor medyo mabagal lang dahil panigurado na lalamigin si Ai. Inalalayan pa nya ito hanggang sa makapasok sila sa mansyon pero kanina pa nya nararamdaman na tila ito nanlalambot. "Aiwa!" "Bru!" magkakasabay na tawag ng mga ito Kay Aiwa ng makitang nakabalik na kami. "Mommy.." tawag nito sa kanyang Mommy ngunit bago pa man makalapit Ang mga ito Kay Aiwa ay nawalan ito ng Malay, maige nalang ay nasalo nya ito bago pa man bumagsak sa sahig.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD