Isang linggo na ang lumipas ng matapos ang party at isang linggo na rin nyang iniiwasan na magkasalubong ang landas nila ni Dirk.
Hindi sya sumasabay sa pagkain ng mga ito marahil ay naiintindihan naman sya ng mga Magulang ng mga ito dahil hindi naman sya kinukwestyon.
Nagsumbong Kasi si Kuya Kai sa parents nila tungkol sa ginawa nitong pag set up sa akin nung party. Humingi naman ng pasensya sa kanya ang mag asawang Arevalo at nangakong pagsasabihan ang Binata.
Kasalukuyan akong nasa swing ng marinig kong may dumating na mga sasakyan, Maya Maya ay nagsipasukan sa loob ng gate ang mga kabanda ni Kuya Kai ,may practice siguro ang mga 'to naisip nya. Kinawayan Naman sya ng mga ito ng Makita syang nasa swing.
Well wala si Dirk kaya naglakas loob syang pumunta dito sa favorite place nila ni Athena.
Linggo ngayon kaya wala kaming pasok ni Cait, every Sunday ang restday namin.
plus may lakad kami mamaya, nakapangako Kasi kaming sasama Kila Neon mamaya sa club na pupuntahan nila, kasama Naman nya si Cait kaya pinayagan sya ng mag asawang Arevalo.
"Hey" di nya namalayan nakalapit na pala si Haniel sa kinaroroonan nya umakyat ito sa swing at naupo sa katapat nya Saka ngumiti.
"Bat andito ka, kala ko may practice kayo?"
"Actually kakatapos lang ng gig namin at pumunta kami dito dahil nag alok ng meryenda ang Kuya mo." sabi nito na nakangiti pa rin
Sarap titigan ng muka nito dahil maaliwalas palaging nakangiti, di gaya ni Dirk na palaging naka poker face o kaya nakakunot ang noo. Ano ba yan bat ko ba sila pinag kumpara.
"Sikat na sikat na kayo ha?"
"Hindi Naman, pero minsan mahirap ng lumabas lalot may nakakakilala na samin, di na namin basta magawa yung mga dating ginagawa namin."
napatango tango sya dito mahirap nga naman pagkaguluhan "Pero atleast diba natupad na ang pangarap nyong makagawa ng kanta at makilala.." natigilan sya ng makitang titig na titig ito sa muka nya
"M-May dumi ba ako sa m-muka?" nagkanda utal tuloy sya.
"No, I just can't help staring at your beautiful face." derechong sabi nito na nagpakabog sa dibdib ko.. harapan ba nya akong pinuri? Nginitian pa ako nito ng ubod ng tamis
"You're blushing"anito
"Ahh, m-mainit Kasi.." natawa Naman ito sa sagot nya kaya wala sa loob na nahampas nya ito "Ikaw kase Ang gulo mo-"
"Sheen Aiwa." halos mapalundag sya sa gulat ng marinig ang boses ni Dirk, 'akala ko ba wala sya dito?
Nilingon nya ito, tss. Sayang gwapo Sana pero palanging nakasimangot. "Bakit Kuya- Este Dirk?" naalala nyang ayaw nga pala nitong tawaging pa nya itong Kuya ulit. Maging si Haniel ay tumingin din dito.
"Pinapatawag kana ni Kai naka ready na raw ang meryenda" bagkos ay baling nito Kay Haniel
"Oh thanks" pasalamat Naman ni Haniel dito
"Let's go Ai? sabay ka na samin mag meryenda."
"sige -" naputol ang sasabihin ko Sana
"Mauna ka na may pag uusapan lang kami"
pag uusapan , ano naman kayang pag uusapan namin My God!
"Ah sige Ai, sunod kana lang ha?" tila atubili man si Haniel ay sumunod na rin ito sa loob ng tanguhan ko ito.
bigla akong binundol ng kaba ng maiwan kaming dalawa. "Ano ba yung sasabihin mo?" nagtapang tapangan nyang Tanong dito
I saw him smirk
"Kung maglalandi ka wag ka dito sa espesyal na Lugar sa kapatid ko!" madiing sabi nito
"Anong? ako naglalandi?!" tumaas baba ang dibdib nya sa pinipigil na galit para dito "How dare you accused me that!" bulyaw nya dito
"Oh so you're not hooking up with that Haniel huh?" nang uuyam pa nitong sabi "Simula noon hanggang ngayon uhaw ka pa rin pala sa atensyon ng mga tao"
isang malakas na sampal ang dumapo sa muka nito, nagulat man sya sa ginawa pero wala na syang pakialam.. kasalanan nito iyon. He provoked me! He deserved it! halos hingalin ako sa Galit.
Ano bang pinagsasabi nito na uhaw sya sa atensyon? at Mula pa noon? and that I'm hooking up with Haniel?
Napangiwi naman ako sa sakit ng bigla nya akong hilahin sa braso at kinaladkad papunta sa may punong mangga at itulak ako ron. Di ako kaagad nakahinga sa impact ng pagtama ng likod ko sa matigas na Puno.
"Ano ba nasasaktan ako!" bulyaw nya dito
"Tumatapang ka na ngayon ha?" tinukod nito ang magkabilang kamay sa pagitang ng mga leeg ko para di ako makaalis sa kinalalagyan ko.
"Ano bang problema mo! nananahimik ako dito ikaw tong bigla nalang pupunta dito at para insultuhin lang ako!" halos mangilid ang luha nya.
"I don't want to see you happy! that's it. you're the reason why my sister is not with us anymore!" halos nag ngingitngit ang mga ngipin nito ng sabihin yon. "So why would I let you to be happy? huh? Miserable ako dahil sa'yo!" patuloy pa nito.
pilit ko itong tinutulak palayo pero mistula itong pader na mahirap tibagin
"Kasalanan mo kung bakit ka miserable! You did that to yourself! wag mo akong sisihin!" nagpupumiglas pa rin sya
"Sumabay samin si Athena that time dahil ang sabi nya ay nagtatampo sya sa'yo!"
tila Naman lalo itong nagalit sa sinabi nya "You b***h! wag mong idamay ang kapatid ko sa kalokohan mo!"
sa pangalawang pagkakataon ay sinampal nya ito! kung Galit ito pwes Galit din sya! Sino ba sya sa Akala nya!
Galit na Galit na muli sya nitong tinulak sa may puno "You b***h!" napaigik ako sa sakit ng muling pagtama ng likod ko sa Puno hindi pa ako nakakahuma ng maramdaman ko Ang mga labi nya saking labi. Halos matulala ako sa bilis ng pangyayare,
Mapagparusa ang halik nya halos mamaga yata Ang labi ko, wala talaga syang respeto sakin! sa sobrang galit ko ay kinagat ko ang labi nya naitulak nya ako at nalasahan ko pa ang kanyang dugo,
"Kung merong may kasalanan sating dalawa kung bakit samin sumabay si Athena that time ,ikaw yon!" at tinalikuran ko ito ngunit bago pa ako makalayo ay muli na Naman nya akong hinila
"Ah Ganon ha?!" ngumisi ito ng malademonyo
"Ano ba bitiwan mo ko!!!" nagpupumiglas sya sa pagkakahawak nito
Nakita Kong patungo kami sa sasakyan nito kaya lalo akong nagpanic "No! bitawan mo ko hindi ako sasama sa'yo!"
Saktong papasok naman si Caitlin sa loob ng gate naglalakad ito at nakita nya kaming dalawa ni Dirk
"Wait Anong nangyayare dito?" Tanong nito na akmang tutulungan sya mula sa pagkakakaladkad nito sa akin.
"Wag Kang makialam.," banta nito Kay Cait na dinuro pa ito
binuksan nito Ang kotse at walang kahirap hirap akong naipasok sa loob halos manginig ako.
si Cait ay ganon din kinatok katok nito ang bintana sa side ko ,Kita ko ang pag aalala sa muka nito, bigla naman pumasok sa drivers seat si Dirk.
pinaghahampas ko ang bintana nakita ko ring umiiyak na si Caitlin dahil alam nito ang phobia at trauma ko sa mga kotse.
pinaandar na ni Dirk ang sasakyan palabas ng mansyon sya naman ay nagsimula ng manginig ang buong katawan dahil tila nagbabalik sa ala-ala nya ang trahedyang sinapit nila ng gabing yon.
"p-please itigil m-mo bababa a-ako parang awa mo na"
Ngumisi lang ito sa kanya "Diba matapang ka kanina ngayon mo ilabas ang tapang mo, b***h!"
padilim na ang kalangitan malapit na mag gabi Ang panginginig ng katawan ko ay mas lalo pang tumindi niyakap ko nalang Ang aking sarili at sumiksik ng pilit sa gilid ng sasakyan wala akong nagawa kundi Ang umiyak ng umiyak.
"Mommy..Daddy.." mahinang usal ko..