- Chapter 6- The Party 2

1584 Words
Nagulat ako ng biglang padaskol na naupo sa tabi ko si Cait at kasunod si Kuya Kai na Hindi ko alam kung saang lupalop sila galing, napansin ko lang ang pagbusangot ni Cait kasunod ang matalim nitong tingin kay Kuya Kai na kuntodo lang ang ngisi. "San kayo galing?" "Dyan lang sa may swing bru Kaso may epal , asungot talaga" bahagya pa syang natawa na sagot nito, naupo Naman si Kuya Kai sa tabi ni Cait. Nasa isang table kami magkakasama ng mga ka banda ni Kuya at katabi ko si Haniel sa right side ko. Tapos na rin kaming kumain. "Dude next na Tayo sasalang pagala gala kalang" tatawa tawa namang sabi ni Pius Narinig nyang tumawag rin si Haniel sa tabi nya, Ano kayang nakakatawa, may sikreto kaya ang mga 'to? "Bru kumain kana muna, nauna na Kasi kami kumain tagal mo bumalik e" sabi ko Kay Cait. "Ako na kukuha ng food naming dalawa" agap Naman ni Kuya Kai at tumayo na ito. Nakasimangot naman na inirapan pa ito ni Cait. Napapaisip sya kung ano kayang nangyare sa dalawang yon, Maya Maya lang ay bumalik rin Naman si Kuya na may dalang dalawang pinggan na may lamang pagkain. "What do you think of me? a pig?" inis na sabi Naman ni Cait dito dahil punong Puno Ang pinggan nito ng pagkain. "Para tumaba ka ng konti" pang asar pa nitong muli "Abat-" "Hep! kumain na muna kayo Maya Maya mag start na ang para sa performance nyo kuya" awat ko sa dalawang parang laging asot pusa. "Oo nga mamaya nyo ba ituloy yang LQ nyo." si Haniel , napalingon Naman ako dito Anong LQ pinagsasabi nito? "Shut up Alcantara!" si kuya Kai, nagtaas naman ng dalawang kamay si Haniel Siniko ko ito sa gilid ko "Anong LQ?" bulong ko dito lumapit Naman Ang muka nito sakin dahil tila di narinig ang Tanong ko dahil sa lakas ng music. "What?" anito sa Tenga ko Lumapit din ako dito ng bahagya "Sabi ko Anong LQ pinagsasabi mo?" tumawa ito at lumabas pa ang dimple nito sa kaliwang pisngi nito halos matulala sya, napaka pogi talaga nito lalo pag nalabas Ang biloy nito. "Para kasi silang Lovers na may LQ e" anito "Ahh.. kala ko naman kung bakit mo yun nasabi" tumatango tangong sabi ko. "Tam-esss!" napatingin naman sila Kay Kelvin na tinutudyo na pala kaming dalawa dahil sobrang lapit namin at nagbubulungan na halos kanina. Awtomatiko akong napalayo Kay Haniel ng nagtawanan ang mga ito "Gago" sabi ni Haniel dito Nag iwas Naman ako ng tingin sa mga ito para di na kami lalong asarin dahil pakiramdam ko ay pulang pula ang muka ko, pero wrong move Ang ginawa ko dahil saktong nagtama naman ang mata namin ni Kuya Dirk, nope Dirk nga lang pala, dahil ayaw na ayaw nitong marinig na tawagin pa nya itong Kuya dahil si Athena lang daw Ang kapatid nya which is tama naman Nakakapasong tingin ang pinupukol nya sakin ,nakita ko pang nilagok nito ang laman ng basong hawak. Nag iwas na ako ng tingin dahil Hindi ko kayang labanan ang matatalim nyang mga mata. Iniisip nyang buhay Prinsesa ako dito, iniisip din siguro nyang Inagaw ko Ang lahat ng dapat ay para Kay Athena. Napabuntong hininga na lamang ako.. Nagsalita na ulit Ang Emcee, "Handa na ba kayo?" nag ingay ang crowd lalo na ang ibang kababaihan na andon marahil ay mga kakilala at Kaibigan nila. buti nalang at tapos na ring kumain si Kuya Kai. "Let's all welcome The Sacred!" pakilala ng emcee sa mga ito. Nagsialisan na Ang mga ito sa kinauupuan nila, pinisil pa ni Haniel Ang pisngi nya bago sya Iwan. Nginitian naman nya ito at hinawakan pa nya ang pisngi nya na pinisil nito ,parang tangang nakangiti pa sya ng muling nagtama ang mata nila ni Dirk. Nakangisi ito, may lumapit ditong isang babae, Ngayon nya lang napansin na may kasama pala ito, Pamilyar sa kanya Ang babaeng yon, Tama! si Tanya Ang babaeng yun. Imbitado rin pala sya. Naaalala nyang ayaw na ayaw ni Athena sa babaeng yon. So sila pala talaga? naisip nya. Nag iwas nalang sya muli ng tingin at nag focus sa pagtugtog nila Kuya Kai. 'Ang ganda talaga ng boses ni Kuya no bru?' "Tss, maganda nga mayabang naman" komento ni Cait "Palagi nalang kayong nagbabangayan baka mamaya kayo ang magkatuluyan" tudyo nya dito "Never! mas bet ko pa si Kelvin kesa sakanya!" "ibig sabihin si Kelvz na Ang crush mo?" "No, what I'm trying to say is, mas magugustuhan ko pa si Kelvin kesa sakanya., palagi nyang pinapakulo ang dugo ko" tawa Naman sya ng tawa habang nakatutok Ang Mata sa mga nasa stage, palagi din syang tinititigan ni Haniel habang nagda drums ito.. Tatlong kanta Ang pinerform ng grupo at ng matapos ay nagsibabaan na Ang mga ito sa stage kasabay ng masigabong palakpakan. Nakita nyang lumapit si Dirk sa emcee at Tila may sinabi ito , di nalang nya pinansin dahil nagsiupuan na muli ng grupo sa pwesto nila, katabi na nyang muli si Haniel. "Thank you The Sacred for that Wonderful performance, napakaangas talaga!" anang emcee. "But we still have another performer for tonight, and base kay Sir Dirk ito daw ay surprise performance para sakanya ng kanilang kinakapatid na si.. Sheen Aiwa!" halos mabingi ako ng marinig ko ang announcement ng host/emcee napatingin din lahat ng mga kasamahan nila sa mesa nila sa kanya. yun ba ang binulong nito sa emcee kanina? Gusto ba talaga nya akong ipahiya sa harap talaga ng maraming tao pa. "Alam mo ba 'to Ai?" batid ni kuya Kai na wala akong alam dahil halata Naman sa itsura ko Ang gulat. "N-No kuya" parang gusto Kong maiyak, hinawakan Naman ni Haniel Ang kamay ko na bahagyang nanginginig. Tiningnan nya Ang kinaroroonan ni Dirk kasama na nito ang mga Magulang, nakangisi pa ito sakin. Nilapitan ako ni Kuya Kai. "Where are you na Miss Sheen Aiwa? napakaganda rin ng name nya ha" sabi pa ng hostm "K-Kuya Anong gagawin ko?" parang batang Tanong ko Kay Kuya Kai. pati Ang mga kabanda nito ay tila naawa ng Makita syang kabang kaba. "Don't give him the satisfaction na ipahiya ka," bulong sakanya ni Kuya Kai. "I know you can sing, prove him wrong by doing this to you." anito na nginitian pa sya.. tama si Kuya Kai, Gusto nya akong mapahiya? pwes sya Ang mapapahiya sa sarili nya dahil he put me in this kind of situation Hinawakan ni Kuya Kai Ang Kamay ko at hinila ako sa stage. "Wow, so you're Miss Sheen Aiwa?" ang emcee Tumango lamang sya dito "Wow you're sa beautiful naman pala." komento pa nito. Nilibot nya Ang paningin sa paligid napakarami pala talagang tao halos manginig ang tuhod ko. Nakita ko na may kinuhang gitara si Kuya Kai at tumayo sa tabi ko. "Let's all welcome Sheen Aiwa!" Tinanong sya ni Kai kung anong kakantahin nya "Kaya mo ba yung Monster Kuya?" alanganing tanong ko sakanya. "No problem, kaya ko yon. tama rin yung kakantahin mo bagay sa kapatid ko" bulong nito sakanya na ikinangiti nya, nagsimula ng tumipa si Kuya Kai sa accoustic guitar na hawak nito.. Tumingin sya sa gawi nila Cait at kitang Kita nya kung pano syang chini cheer ng mga ito , si Haniel ay nakatayo pa habang naka two thumbs up. Hinanap nya si Dirk at saka nagsimulang kumanta habang nakatingin dito. "I see your Monsters, I see your pain.. Tell me your problems I'll chase them away.. I'll be your light house I'll make it okay When I see your Monsters I'll stand there so brave and chase them all away.. Nakita nyang Tila nagulat ito , tama si Kuya Kai I won't give you him satisfaction para makita akong mapahiya. Nakita ko rin ang gulat sa mga muka ng mga kabanda ni Kuya dahil first time ng mga ito na marinig akong kumanta, Alam ko si Cait lang ang nakakaalam that I can sing, I don't know how kuya Kai find it out. "there's no need to fear, fear.. and when you need to talk it out with someone you can trust what you see, are the bad bad bad memories take your time and you'll find it.. Parang gusto nyang maiyak dahil sa isipin na sukdulan ba talaga Ang galit nito sa kanya na umabot sya at this point, pano pala kung wala akong talent, malamang nagtagumpay na itong ipahiya sya. Hindi nya Inalis ang tingin nya dito bawat bigkas ng kanta nya sinisigurado nyang naririnig nito. "I see your Monsters, I see your pain.. Tell me your problems I'll chase them away.. I'll be your light house I'll make it okay When I see your Monsters I'll stand there so brave and chase them all away.. Nagpalakpakan Ang mga tao lalo na Ang mga kabanda ng kuya nya ay tila proud na proud sa kanya. Niyakap sya ni Kai ang super supportive nyang Kuya na syang ipinagpapasalamat nya. Bumaba na sila ng stage, di nya muling tinapunan pa ng tingin si Dirk. "Wow! Cutiee ang galing mo rin palang kumanta" Puri nito sa kanya "Mana sa kuya syempre" pagyayabang naman ni Kuya Kai "Hoy Haniel laway mo natulo" pang asar Naman ni Rhayvid Kay Haniel na parang natulala na tabi ko. "Gago haha, pero Ang galing mo talaga kanina Ai.." anito kinilig Naman ako " di talaga namin alam na nakanta ka Ngayon lang.." "Hidden talent" tanging nasabi nya. Nagtawanan silang lahat
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD