Chapter 2

1026 Words
****** Nagpunta si Glenn sa pantry para iwasan ang mga kaibigan. Nagsalubong ang kilay nito nang may makitang bouquet ng bulaklak sa spot na laan para sa kaniya sa pantry. "Is this for me?" tanong nito sa sarili habang hawak ang bouquet ng bulaklak. "Yes. Para sa 'yo 'yan. Nagustuhan mo ba?" Napalingon si Glenn sa nagsalita sa likuran niya. At nalukot ang mukha nito ng makita ang ngiting-ngiti na si Lynette. "Hindi ako mahilig sa bulaklak. Ibigay mo na lang sa iba o 'di kaya sa mga kapwa mo pasyente. Baka sila matuwa pa," masungit na turan ni Glenn sa dalaga. "Ouch! Ang sakit naman. Nag-effort pa naman ako na ipagtanong ang paborito mong bulaklak. Tapos hindi mo pala tatanggapin." Nakangusong reklamo ni Lynette. Nakapamewang na hinarap ito ni Glenn. "Sino ba ang nagsabi sa 'yo na mag-effort ka?" "Wala. Pero sana tanggapin mo man lang 'di ba? Kahit magkunwari ka man lang na nagustuhan mo," hirit pa ng dalaga. "I'm sorry. Pero hindi ako plastic. At isa pa ayaw ko na paasahin ka. Kaya tatapatin na kita. Walang patutunguhan itong mga ginagawa mo. Kaya, much better, kung ititigil mo na ito ngayon pa lang," mahabang litanya ni Glenn. "Pero hindi kasi ako madaling sumuko, eh. Kaya kung ako sa 'yo ihahanda ko na ang sarili ko na mahulog sa isang dyosa na katulad ko," kumpiyansa na saad ni Lynette sabay hawi pa nito sa buhok niya. Animo nasusuka namang sinagot ni Glenn ang dalaga. "Kilabutan ka nga riyan sa mga sinasabi mo. Ako? Mahuhulog sa 'yo? Eh, mas dyosa pa ako kesa sa 'yo, ano!" "Ano ba? Hindi ka dyosa, no! Isa kang greek god na ibinigay ng Mt. Olympus para sa dyosang katulad ko." Tinaas-baba pa ng dalaga ang mga kilay nito. "Saan banda iyong dyosa? Bumalik ka na nga sa kwarto mo. Baka ako pa ang masisi kapag may nangyaring hindi maganda sa 'yo," pagtataboy ni Glenn sa dalaga. Tinalikuran na nito ang dalaga saka lumapit sa coffee maker para magtimpla ng sariling kape. "Masarap ka bang magtimpla ng kape? Pwede mo ba akong ipagtimpla?" Pangungulit pa rin ni Lynette na sumunod sa binata. Naitirik naman ni Glenn ang mga mata sa inis. "Bawal sa 'yo ang kape." "Aw! You really cared for me. Na-touch naman ako." Nakahawak pa sa dibdib kung nasaan ang parte ng puso ang dalaga. "Thank you so much!" At hindi inaasahan ni Glenn ang sumunod na ginawa ng dalaga. Niyakap nito mula sa likod ang binata. "H-hey! Get off me!" Pilit na kinakalas nito ang mga braso ni Lynette na nakayakap sa kanya. Pero mas hinigpitan lang ito ng dalaga. "Ang bango mo naman, Doc Pogi." Sinamyo-samyo pa ni Lynette ang likuran ng binata. At ang tagpong iyon ang naabutan ng mga kaibigan ni Glenn. "Oh my! Ano ang ibig sabihin nito?" Napatakip sa bibig na wika ni Brea. Agad naman napalayo si Lynette kay Glenn. At nahihiyang hinarap ang mga kaibigan ng doktor. "It's not what you think," hindi maipinta ang mukha na sabi ni Glenn sa mga kaibigan. "Ahm... Nagpasalamat lang ako kay Doc Pogi. Kaya niyakap ko siya," nahihiya na segunda naman ni Lynette. "Naku! Ano ka ba? Okay lang 'yon. Kinikilig nga kami, eh. 'Di ba, girls?" Sabay baling ni Tammy sa mga kaibigan. "Yeah. I agree. Sige lang yakapin mo lang siya. We don't mind," wika naman ni Gwen sa dalaga. Nagningning naman ang mga mata ni Lynette sa narinig. "So, ibig sabihin boto kayo sa akin for him?" "Yes. We are rooting for you two," tugon ni Brea kay Lynette. Nagulat at sabay-sabay silang napalingon nang pabagsak na ilagay ni Glenn sa sink ang kutsarang ginamit nito. "I had enough here." Saka ito nagmartsa palabas ng pantry dala ang tasa ng kape. Nagtawanan naman ang mga kaibigan nito na naiwan doon kasama si Lynette. "Hala! Nagalit yata sa atin si Doc Pogi," nag-aalala na tanong ni Lynette sa tatlo. "Hindi 'yon. Hayaan mo lang siya," "Brea is right. Pabayaan mo lang siyang magsungit. Suportado ka namin. Goodluck sa panliligaw mo sa kaniya," cheer pa ni Tammy sa dalaga, na ikinangiti naman nito. "Thank you sa support mga pretty doktora!" Niyakap isa-isa ni Lynette ang tatlo. "But be careful, okay? Your heart is still weak, Lynette," paalala ni Doc Gwen sa dalaga. "Don't worry, Doktora. Glenn is the reason why my heart is still beating," nakangiting turan ni Lynette. "Aw! How romantic. But still be careful with your heart, okay?" nakangiting bilin din ni Tammy. "I will for Glenn. Balik na ko sa kwarto ko mga doktora, ha," paalam na nito sa tatlong doktora. Nakangiting tumango naman ang tatlo sa dalaga. Masayang bumalik sa kwarto niya si Lynette. Samantalang si Glenn naman ay inis na nagkulong sa clinic nito. "The nerve of that girl. Bakit ba ayaw niya akong tantanan?" Inis na naupo si Glenn sa couch sa loob ng clinic nito. Nang dahil sa stress sa pangungulit ni Lynette, ay nakatulog si Glenn. Napahimbing ang tulog nito. Hanggang sa dalawin ang binata ng isang pamilyar na panaginip. Naabutan ng mga kaibigan ng binata na umuungol ito at pinagpapawisan. "Glenn? Glenn!" Niyugyog sa balikat ni Tammy ang binata para magising. "Hah!--" Hinihingal na napabalikwas si Glenn. "Are you okay? Binabangungot ka ba?" Nag-aalalang tanong ni Brea. Tango lang ang nagawang isagot ni Glenn sa kaibigan. "Same dream again?" tanong naman ni Tammy. "Yes. That dream again," anas ni Glenn na napasapo sa dibdib. "Here. Uminom ka ng tubig." Inabutan ito ng isang baso ng tubig ni Gwen. Tinanggap ito ng binata at inisang lagok ang tubig sa baso. "Why am I dreaming of that woman?" "And who is that woman?" Segunda ni Brea. "Bakit naman kasi wala siyang mukha sa panaginip mo?" tanong ni Tammy. "I don't know. It feels so weird. Lagi na lang akong hindi makahinga kapag napapanaginipan ko siya," "Hindi kaya, you did something wrong with that girl?" Nakataas ang kilay na tanong ni Gwen. "I never did anything wrong with anyone." "Hindi ka sure," "Whatever, Gwen." Inirapan ito ni Glenn. Tinawanan lang si Glenn ng mga kaibigan. Napapaisip naman ang binata, kung sino ang babae sa panaginip nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD