Hindi sumuko si Lynette sa pangungulit kay Glenn. Kahit ipinagtatabuyan at madalas itong sungitan ng gwapong doktor.
Suportado naman ng mga kaibigan ni Glenn ang dalaga sa panliligaw nito sa binata.
Pero isang araw napansin ni Glenn na hindi siya kinukulit ni Lynette. Kaya naman nagtaka ang binata.
"Ahm... Wala yata iyong delusional na pasyente natin," pasimple ang ginawang pag-usisa ni Glenn sa mga kaibigan, habang kunwari ay nagbabasa ito ng chart ng pasyente.
Nangingiti na nagkatinginan naman ang tatlong doktora.
"Do you miss her?"
"Well, it seems naman na yes ang sagot sa tanong mo na 'yan, Tammy."
"And I second the motion with that, Gwen," dagdag pa ni Brea.
Nakukunsumi na inilapag ni Glenn ang hawak na chart. Paalis na sana roon ang binata pero napahinto ito sa sinabi ni Tammy.
"Lumabas ng ospital si Lynette,"
"Nagpa-discharge na siya? Sino ang nagbigay sa kaniya ng clearance? I'm her doctor. And I've never allowed her yet to go home." Salubong ang kilay na sabi ni Glenn.
"Wow, ha. Possesive much, doc?" Nang-aasar na wika ni Brea.
"Akala ko ba pinagtatabuyan mo 'yong tao? Bakit ayaw mong pauwiin?" banat din ni Gwen.
Naiikot ni Glenn ang mga mata. Saka nakapamewang na hinarap ang mga kaibigan.
"Her condition is not yet fine. Kaya habang hinihintay ang iba pang result ng test sa kaniya, she has to stay here in the hospital. Para ma-monitor ang kalagayan niya. Iyon lang ang punto ko. Stop assuming, okay?" turan nito sa mga kaibigan.
"Fine. But we are not assuming. Dahil, we can see naman talaga, that you have already fallen for her. It's just that ayaw mo lang aminin sa sarili mo na Lynette change you," mahabang salaysay ni Gwen.
"Tama! In denial ka lang beshy naming pogi. But you have to accept na pogi ka. Hindi, pretty like us." Inilagay pa ni Tammy ang dalawang kamay sa ilalim ng baba.
"Kayong tatlo, ha. Tigil-tigilan nga ninyo ako. Dyan na nga kayo." Iniwan ni Glenn ang tatlong kaibigan na natawa na lang sa iniakto nito.
Dumiretso sa opisina o clinic niya si Glenn.
Napapaisip na napasandal ito sa kaniyang swivel chair.
"Aaminin ko na parang iba at may kulang kapag wala rito ang babaeng 'yon. Pero, ako? Falling for her? No way!" Glenn exclaimed. It's just that, nasanay na lang siguro ako sa presensiya niya. Dahil sa araw-araw na pangungulit niya sa akin. At 'yon lang yon. I'm not going to fall in love with her." Convince ng binata sa sarili.
"This is crazy! Now, I'm talking to myself because of her." Naiiling na sambit ni Glen.
Hindi man aminin sa sarili ng binata, ay nami-miss talaga nito si Lynette.
Pero hindi naman niya ma-mimiss ng matagal ang dalaga. Dahil kinabukasan lang ay nasa ospital na ulit ito. At ang opisina agad ni Glenn ang tinungo nito, pagkabalik na pagkabalik nito sa ospital.
"Doc Pogi! I miss you!"
Hindi na nakagalaw sa kinatatayuan niya si Glenn nang yakapin ito ng dalagang bagong dating.
"H-hey! Ano ba 'yang ginagawa mo? Bitiwan mo nga ako. Pinagtitinginan na tayo ng mga tao, oh," pabulong na sambit ni Glenn kay Lynette.
Agad namang kinalas ni Lynette ang pagkakayakap nito sa binata.
"I'm sorry. I just got so excited. Na-miss kasi kita, eh. That's why I carried away. I forgot nandito pala tayo sa lobby ng ospital," alanganin ang ngiti na sabi na lang ni Lynette. "I have something for you, nga pala. Pero nasa clinic mo na. Doon ko na lang ipinadala. I hope you like it."
"I told you. Tigilan mo na ang pagbibigay ng kung ano-ano sa akin," pagsusungit ni Glenn. Pero hindi ito makatingin sa dalaga.
Napanguso naman si Lynette dahil sa narinig. "Hindi mo na nga tinatanggap ang pagibig ko sa 'yo. Pati ba naman ang mga regalo ko?" Reklamo nito.
"Tigil-tigilan mo nga ako. At may kasalanan ka pa sa'kin. Lumabas ka ng ospital without my clearance,"
"Sorry naman kung hindi ako nakapagpaalam sa 'yo. Pinag-alala ba kita? It's urgent kasi, eh. Kaya kinailangan kong umalis. Pero nagpaalam naman ako kay Dra. Gwen, eh. Hindi ba niya sinabi sa 'yo?"
"Bakit sa kaniya ka nagpaalam? Siya ba ang doktor mo? Ako ang doktor mo. Kaya kargo kita kapag may nangyaring masama sa 'yo, ako ang sisisihin. Hindi siya. Kaya hindi ka dapat basta lumabas ng ospital. Lalo na at maselan ang kalagayan mo," tuloy-tuloy na talak ni Glenn.
Napangiti si Lynette habang pinapakinggan ang binata. At hindi inaasahan ni Glenn, ang sunod na ginawa nito.
Tumingkayad ang dalaga para halikan sa pisngi ang binata.
"H-hey! Why did you do that?"
"Ikaw kasi, eh. Ang dami mo pang sinasabi. Hindi mo na lang sabihin na nag-alala ka sa akin. At na-miss mo ako," pilya ang ngiti na panunudyo ni Lynette kay Glenn.
"O-of course not! Hindi kita na-miss, ano!" Namumula ang mukha na tangi ni Glenn.
"Talaga lang, ha. Eh, bakit nagba-blush ka, Doc Pogi?" Ngiting-ngiti si Lynette sa nakikitang reaksyon ni Glenn.
"Bumalik ka na nga sa kwarto mo. Mamaya kung ano pa ang mangyari sa 'yo. Masisi pa ko," utos ni Glenn sa dalaga para tigilan na siya nito.
"Thanks for the concern, Doc. And believe me na-miss talaga kita. See you later." Sabay kindat nito sa doktor bago ito tumalikod para bumalik na sa kwarto nito.
"Tsk! Napakakulit talaga." Naiiling na lang na bulong sa sarili ni Glenn. At hindi nito napigilang mapangiti sa kakulitan ni Lynette.
Pero nawala ang ngiti nito. Dahil sa paglingon niya ay nakita niya ang tatlong kaibigan na ngiting-ngiti sa kaniya.
"What? Go back to your work!" Masungit na sikmat ni Glenn sa tatlong kaibigan na tinawanan lang siya.
Kaya naman nilagpasan na lang ito ng binata.