Pagkatapos ng pangyayaring iyon ay naging malapit na nga sa isa't-isa ang dalawa.
Habang mino-monitor ni Glenn ang kalagayan ni Lynette ay mas lalo siyang unti-unting nahulog sa dalaga.
Pero saka naman biglang lumala ang sakit ni Lynette. Dumalas ang paninikip ng dibdib nito.
"How was Lynette, Glenn?" pangngumusta ni Gwen sa dalaga. Nasa labas sila ng ICU kung saan inilipat si Lynette nang manikip na naman ang dibdib nito.
"She's not okay. Napapadalas na ang paninikip ng dibdib niya. Kailangan niya ng maoperahan. Pero ayaw niyang pumayag sa heart transplant,"
"But she has to undergo that transplant. You have to convince her, Glenn. Kung ayaw mong mawala siya sa yo." Ikinamulagat ni Glenn ang sinabi ng kaibigan.
"Hey! What are you talking about? Kung makapagsalita ka parang may relasyon kami," palag nito sa sinabi ni Gwen.
"Bakit wala pa ba?" Nakataas ang kilay na tanong ni Gwen. "It's obvious that you care a lot for her, Glenn. Admit it to yourself and to her. Malay mo makatulong para ma-convince mo siya na magpa-opera siya."
Napaisip si Glenn sa sinabi ng kaibigan.
"'Wag kang matakot na aminin at tanggapin 'yang nararamdaman mo para sa kaniya, Glenn. Life is short; we have to choose happiness rather than regret in the end just because hindi mo sinubukan. Malay mo naman nalito ka lang talaga sa s****l reference mo. Dahil mula pagkabata kami ng tatlo nina Tammy at Brea ang kasama mo. Think about it, Glenn. Alam ko na hindi ka lang naaawa sa kaniya. Mahal mo na siya." Tinapik ni Gwen sa braso ang kaibigan saka ito iniwan.
Napabuntong-hininga naman si Glenn. Nalilito pa rin siya sa nararamdaman. Pero alam niya sa sarili niya, na kailangan niya ng harapin ang katotohanan.
Kaya naman pinag-isipan nito ng mabuti kung ano ang gagawin. Tinimbang niya ng maiigi ang nararamdaman. At nang sigurado na siya ay agad niyang pinuntahan sa ICU si Lynette para kausapin ang dalaga.
"Huh?" Kunot ang noo na pumasok si Glenn sa ICU. "Lynette? Nand'yan ka ba sa loob?" Kinatok nito ang pintuan ng banyo pero walang sumasagot. Kaya pinihit na ni Glenn ang doorknob. Hindi ito naka-lock kaya dahan-dahang binuksan nito ang pinto. Pero wala siyang Lynette na nakita sa loob.
"Saan nagsuot ang babaeng 'yon? Hindi siya pwedeng magpagod." Nag-aalalang lumabas ng ICU ang binata para hanapin si Lynette.
"Nurse, nakita mo ba 'yung pasyente ko na nasa ICU?" tanong nito sa nakasalubong na nurse.
"Hindi ko po napansin, Doc," tugon nito.
"Okay. Let me know, kapag nakita mo siya," bilin ni Glenn saka nagmamadaling umalis para ipagpatuloy ang paghahanap kay Lynette.
Papunta na sana sa garden ng ospital si Glenn para tignan kung nandoon si Lynette, nang may tumawag sa kaniya.
"Doc Glenn?"
Napahinto si Glenn at napatingin sa taong nagbanggit sa pangalan niya.
"Yes? What can I do for you, Miss?" tanong ni Glenn dito.
"Are you looking for Lynette? I'm Samantha by the way. Kaibigan ako ni Lynette." Inilahad nito ang kamay sa binata na tinanggap naman nito.
"Please to meet you, Samantha. And yes, I'm looking for Lynette. Alam mo ba kung nasaan siya?" tanong ni Glenn pagkatapos makipagkamay sa kaharap. "Kanina ko pa siya hinahanap pero hindi ko siya makita. Masama sa kaniya ang mapagod."
Napangiti si Samantha sa nakikitang concern ng kaharap sa kaibiga. Pero agad din itong napalitan ng lungkot dahil sa sasabihin niya sa doktor ng kaibigan.
"Actually, I'm here to say bad news to you." Alangan na wika ni Samantha.
"Ano'ng ibig mong sabihin?" Hindi maintindihan ni Glenn pero bigla siyang kinabahan sa tinuran ng kaharap.
"Lynette called me kani-kanina lang. She told me that she is going somewhere." Agad na nagsalubong ang kilay ni Glenn sa narinig.
"Going somewhere?"
"Yes. I guess, she ran away,"
"Ran away? May sakit siya. Maselan ang kalagayan niya. Kaya ano'ng sinasabi mo? Nasaan siya nagpunta?" naguguluhan na tanong ni Glenn.
"She ran away from you. Kasi ayaw niya na kaawaan mo siya sa kalagayan niya," tugon ni Samantha.
"Bakit kailangan niyang lumayo sa akin? At hindi ko siya kinaaawaan. I'm about to tell her about what I feel towards her. At hindi ito awa. Tell me where she is. I have to talk to her,"
"I'm sorry. Pero hindi ko alam kung saan siya nagpunta. She just called me to tell you, na 'wag mo na raw siyang hanapin,"
"How can I do that? Delikado ang lagay ng kalusugan niya. Kaya kailangan niyang bumalik kaagad dito sa ospital. I have to convince her na magpa-heart transplant. That's the only way para maging okay siya," frustrated na turan ni Glenn.
"I'm sorry. Pero hindi ko talaga alam kung nasaan siya. Tumawag lang talaga siya sa'kin. But don't worry. I'll let you know kapag nalaman ko kung nasaan siya. Pinapahanap na rin siya ng parents niya. I just came here to let you know. I have to go, Doc Glenn." paalam ni Samantha at umalis na ito ng hospital.
Naiwan ang gulong-gulo na si Glenn.
He was about to confess, but bigla namang umalis si Lynette.
"Where did you go, Lynette?" sambit ni Glenn na alalang-alala sa kalagayan ng dalaga.