Chapter 7

1087 Words
Napapaisip at nag-aalala na bumalik ng clinic niya si Glenn. "Why did she do this? And where did she go?" Parang nanghihina na napaupo ito. Saktong pagkasayad ng puwitan ni Glenn ay siya namang pagbukas ng pinto ng clinic nito. At magkakasunod na pumasok ang mga kaibigan nito. "Totoo ba? Lynette is missing?" bungad agad ni Brea. "We were just talking about her the other day, 'di ba? What happens?" tanong ni Gwen. "Mga doktorang marites. Ang bilis namang nakarating sa inyo ng balita." Naka-ingos na turan ni Glenn sa mga kaibigan. "Siyempre, you are looking for here all around the hospital, ano. Kaya malamang makakarating sa amin na hinahanap mo siya." Naupo si Tammy sa upuang nasa tapat ng mesa ni Glenn. "Wala ba siyang nabanggit sa inyong tatlo?" "Wala. Ang alam lang namin ay nagkakamabutihan na kayong dalawa," tugon ni Brea. "Ayon din ang akala ko, eh. Actually, I'm about to confess to her. Pero wala siya sa kwarto niya no'ng pinuntahan ko siya. Then her friend came and told me that Lynette called her. And ask her to tell me na 'wag ko na siyang hanapin," pagkukwento ni Glenn sa mga kaibigan na mga attentive naman na nakikinig sa kaniya. "Wala ka bang nasabi sa kaniya?" Gwen asked. "I'm about to tell her about my feelings." Salubong ang kilay na sagot ni Glenn sa kaibigan. Nagulat ito nang sabay-sabay na tumili ang tatlong kaibigan. "Hey! Ano'ng nangyayari sa inyo? Ganito na nga ang nangyayari nagagawa niyo pa'ng tumili?" Kunot ang noo na tanong ni Glenn sa tatlo. "Kinikilig kasi kami, ano! You finally admit, na gusto mo na si Lynette," tugon ni Tammy. "'Yun nga lang bigla naman siyang umalis," nanghihinayang na wika ni Brea. "What I'm thinking right now is her condition. Kailangan na niyang maoperahan as soon as possible. I don't know what I did wrong para bigla na lang siyang umalis ng walang paalam. Then her friend told me na 'wag ko na siyang hanapin. Hindi ko alam kung ano ang iniisip niya. Bakit? Ano ang nagawa ko? And where I'm going to find her?" Nag-aalala at the same time, ay gulong-gulo na litanya ni Glenn. "We will help you find her," saad ni Gwen. "Yeah. We are going to use our connections para mahanap natin siya kaagad," segunda ni Tammy. "Baka nasa ibang ospital siya. Mas madali natin siyang mahahanap. Magtatanong ako sa mga kakilala nating doktor," boluntaryo naman ni Brea. "Thank you, girls." Nginitian ni Glenn ang mga kaibigan. "Ako naman ang parents niya ang kakausapin ko. Baka sakaling may idea sila kung saan pwedeng pumunta si Lynette." "We are happy for you, Glenn. Kasi you finally realize your true s****l reference. And you admit to yourself, na mahal mo si Lynette," "Tama si Brea. Proud and happy kami para sa 'yo, Glenn," Tammy seconded. "Kaya dapat mahanap natin si Lynette. Para naman magkaroon ng happy ever after ang love story ninyong dalawa," dagdag pa ni Gwen. "I will find her no matter what," determinadong saad naman ni Glenn. Kaya naman hindi ito nag-aksaya ng panahon. Nag-set kaagad ang binatang doktor ng appointment para makausap ang mga negosyanteng magulang ni Lynette. Kinabukasan ay nagpunta si Glenn sa opisina ng daddy ni Lynette. "Goodafternoon, Mr. Smith, Mrs. Smith," magalang na pagbati ni Glenn sa mag-asawa. "Goodafternoon din sa 'yo, hijo. Take a seat," nakangiting salubong naman ni Mrs. Smith sa binata. Naupo sila sa receiving area ng opisina ng ama ni Lynette. "Do you like coffee or anything?" tanong ni Mrs. Smith. "Thanks. Pero 'wag na po kayong mag-abala. Kailangan ko rin po'ng umalis kaagad. May mga pasyente po akong naghihintay. Kaya po hindi na po ako magpapaligoy-ligoy pa. I came here po to ask you about Lynette. Maselan ang kalagayan ng anak ninyo. Kaya kailangan ko po siyang maibalik sa ospital, as soon as possible. And I have to convince her to undergo a heart transplant. That's the only way for her to be okay. Kaya sana po tulungan niyo akong mahanap siya," mahabang salaysay ni Glenn. "Nag-aalala rin kami sa anak namin, hijo. Pero kahit kaming mga magulang niya ay nahihirapan na kumbinsihin siya na magpa-transplant. Natatakot si Lynette na baka hindi magtagumpay ang operasyon at mawala siya ng wala sa oras. Kaya ayaw niyang magpa-transplant," malungkot na tugon ni Mrs. Smith kay Glenn. "Pero kailangan niya po ng transplant. Sobrang hina na ng puso niya. Kaya gusto ko po siyang makausap. I will try to convince her. Please help me to find her. I promise that I will do everything to save," nagsusumamong pakiusapan ni Glenn sa mga magulang ni Lynette. Nagkatinginan naman ang mga ito. "Gusto rin namin na tulungan ang anak namin. But she already decides for herself. We can't force her to undergo a heart transplant kung ayaw niya," saad ng ama ni Lynette. "Hahayaan niyo na lang po ang anak ninyo na mawala?" Nagkatinginang muli ang mag-asawa. At hindi nila inaasahan ang sumunod na ginawa ni Glenn. Tumayo si Glenn sa kaniyang kinauupuan at saka lumuhod sa harapan ng mag-asawa. "What are you doing?" tanong ni Mr. Smith. "Hijo, tumayo ka riyan." Natatarantang linapitan naman ito ng ina ni Lynette. "Hindi mo kailangang gawin iyan." "No. I have to do this. I have to convince you to help me find her. Gusto ko siyang iligtas. Gusto ko pong mabuhay pa ng matagal si Lynette. Magtatapat pa ako ng feelings ko for her. Gusto ko pa siyang makasama ng matagal. Kaya gagawin ko ang lahat para mahanap at mapagaling siya. Kaya parang awa niyo na po tulungan ninyo akong mahanap siya," pagsusumamo at pakiusap ni Glenn sa mag-asawa. Napahinga naman ng malalim ang ama ni Lynette bago magsalita. "Fine. We will help you. But you have to prove us that you really love her." "I'm willing to do everything to prove my love for her. Ngayon lang ako naging sigurado sa nararamdaman ko at pagkatao ko, sir. And I won't let her die without giving a fight, sa sakit niya. Gusto ko siyang makasama habang buhay. Kaya kailangan niyang mabuhay," sincere na saad ni Glenn. "Tumayo ka na riyan. Tutulungan ka namin. Pero siguraduhin mo na mapapayag mong magpa-transplant ang anak namin," wika ni Mr. Smith. "Yes, sir. I will do everything," "Siguraduhin mo rin na hinding-hindi mo sasaktan ang anak namin," hirit pa ni Mr. Smith. "Opo. I will never hurt her. I promise," pangako ni Glenn. Saka ito tumayo mula sa pagkakaluhod niya. Nagkasundo ang binata at ang mga magulang ni Lynette.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD