Walang nagawa si Lynette kung hindi ang sumama kay Glenn pabalik ng Maynila. Dahil sa naiisip pa rin niya na baka naaawa lang sa kaniya si Glenn, ay binigyan niya ito ng cold treatment. Pero walang balak sumuko si Glenn para mapatunayan sa dalaga na mahal niya na ito.
Inalagaan nito ang dalaga at ito mismo ang nag-opera dito.
"How are you feeling now?" tanong ni Glenn kay Lynette.
Nagising na ito pagkatapos ng halos dalawang araw na pagkakatulog mula sa operasyon. Na-check na rin ito ni Glenn.
"I'm feeling okay now. Wala akong maramdaman na mabigat sa dibdib ko. Magaling na ba talaga ako?" tanong ni Lynette pagkatapos siyang painumin ng tubig ni Glenn.
"Yes. You just have to recover from the operation. Then you will undergo some tests, just to make sure of your condition," paliwanag ni Glenn. "Wala ka bang ibang nararamdaman?" Tanong nito pagkaraan.
Tumango naman si Lynette bilang tugon sa binata. Saka ito natulala at animo may malalim na iniisip.
"What are you thinking? May problema ba? Sigurado ka na wala kang nararamdaman na hindi maganda?" Nag-aalalang tanong ni Glenn.
Imbes na sumagot ay ginagap nito ang kamay ni Glenn. "Glenn, may sasabihin ako sa 'yo. May kailangan kang malaman."
"What is it? Tell me. Pinapakaba mo naman ako, eh," pabirong wika ni Glenn. Pero totoong kinakabahan na ito.
Hindi napigilan ni Lynette na matawa sa reaksyon ni Glenn.
"Are you making fun of me?" Kunot ang noong tanong ni Glenn.
"Of course not!" Umiiling na tanggi ni Lynette. "Makinig ka ng mabuti sa sasabihin ko."
"Kanina pa ako nakikinig. Sabihin mo na, kung ano 'yang sasabihin mo, okay?"
"Okay! Ito na. Relax ka lang." Huminga muna ng malalim si Lynette bago ito muling nagsalita. "Glenn, I want you to know that you are already a father."
"A father? A-ano'ng sinasabi mo?" Naguguluhan na tanong nito.
"Tatay ka na,"
"Tatay? Agad? Ni wala pa ngang nangyayari sa atin. Ano ba 'yang sinasabi mo, Lynette? Epekto yata sa 'yo 'yan ng operasyon, eh."
"No. I'm not hallucinating or something. You are already a father. May anak na tayo." Nakangiting sinapo ni Lynette ng dalawa niyang kamay ang mukha nito.
"B-buntis ka? Paano? Hinalikan lang kita nabuntis ka na?" Hindi makapaniwalang tanong ni Glenn sa dalaga.
"No. It's not like that. You got me pregnant when we were in college,"
"What?! In college? Paano nangyari 'yon?"
"I have something to confess to you,"
"Ano na naman 'yon? Pwede ba'ng ipaliwanag mo ng maayos, kung ano 'yang mga sinasabi mo sa'kin? Kasi gulong-gulo na ako, eh,"
"Okay! Fine. Ito na nga, eh. Listen carefully, Glenn." Huminga muna si Lynette bago nagpatuloy.
"Remember your classmate, Cedric?"
"Yes, what about him? Don't tell me siya ang ama ng--"
"Listen to me first, okay?"
"Okay,"
"Remember 'nung birthday niya during your last year in college? Nagpunta ka ro'n 'di ba?"
Napapatangong sumagot si Glenn. "Yeah. I was there. But I'm too drunk. Kaya wala akong maalala sa mga naganap doon. Nandoon ka rin ba sa party na 'yon?"
"Yeah. I was also there. At lasing na lasing ka nga nang gabi na iyon. Kaya hindi mo matandaan ang nangyari sa ating dalawa," nahihiyang pag-amin ni Lynette.
Napasinghap naman at nanlaki ang mga mata ni Glenn sa narinig.
"So, h-hindi 'yon panaginip? May nangyari talaga sa ating dalawa?!" Shocked na tanong ni Glenn.
"You are dreaming of that?"
"Yeah. And I thought it was just a nightmare," tugon ni Glenn na ikinasimangot ng dalaga.
"So, nightmare pala ako para sa'yo?" Napataas ng kilay si Lynette sa narinig.
"No! Hindi sa gano'n. For years, nagigising ako na paulit-ulit na iyon ang panaginip ko. I was with a girl pero hindi ko makita ang mukha niya. And I thought it was just a dream. Hindi ko alam na totoo palang nangyari iyon. At nagbunga pa," hindi pa rin makapaniwalang litanya ni Glenn. "Pero bakit hindi mo sinabi sa akin? Bakit mo itinago ang mga a-anak natin."
"Kasi natakot ako na baka hindi mo sila tanggapin. Lalo na noong nalaman ko na lalaki rin pala ang bet mo." Napanguso si Lynette sa sinabi.
"Hindi mo man lang sinubukan. Malay mo naman kung sinabi mo na sa akin dati pa lang. Baka pinanagutan na kita. At baka nagpakalalaki na ako noon pa lang,"
"Psh! Ang sungit-sungit mo nga sa'kin, eh. Naawa ka lang yata sa'kin kaya bumait ka na." Nakanguso pa rin na reklamo ni lynette.
Hindi nito inaasahan nang bigla siyang halikan sa labi ni Glenn.
"Bakit ka biglang nanghahalik?" Nanlalaki ang mga matang natuptop nito ang labing hinalikan ng binata.
"Pout ka kasi ng pout kanina pa, eh. Ang daldal mo pa. Bawal ka pang mapagod. Kagigising mo lang. And correction hindi ako naaawa lang sa 'yo. Totoong mahal kita, Lynette. Maniwala ka na, okay?"
"O-okay. Naniniwala na ko. Hmp!" Sabay irap nito sa binata.
Sumeryoso bigla si Glenn kaya naman kinakabahang tinanong ito ni Lynette.
"Nagbago na ba bigla ang isip mo? Hindi mo na ko mahal agad?"
"Silly. Of course not." Naiiling na naupo si Glenn sa gilid ng kama ni Lynette saka ginagap ang kamay nito. "Gusto kong makita ang a-anak natin. Pwede ko ba siyang makita?" Tense na tanong nito.
Napangiti si Lynette sabay sabing... "Mga anak,"
"Mga?!"
"Yes, Glenn. Kambal ang anak natin. Sina Glenda at Lyndon. At ten years old na sila,"
Napamulagat si Glenn sa narinig. "Kambal ang anak natin? At sampung taon na sila?" Hindi makapaniwalang tanong ni Glenn.
Nakangiting tumango si Lynette.
Sapo ang noong napatayo naman si Glenn. "I can't believe this! You surprise me by telling me that something happened to us when we were in college. Then, nagbunga iyon. Tapos kambal pa?" Hindi makapaniwalang nagpalakad-lakad si Glenn sa loob ng kwartong iyon. "Wait! I can't digest it easily. I'm not expecting this."
"Gusto mo ba silang makilala?"
"Of course!" Mabilis pa sa alas kwatrong sagot ni Glenn.
"Okay. You will meet them tomorrow," nakangiting turan ni Lynette sa binata na lalong na-tense.
"Bukas? Makikilala ko na sila bukas? Kinakabahan ako."
Natawa na lang si Lynette sa inaakto nito.
Kinabukasan ay na-discharge na sa ospital si Lynette. At sa bahay ng mga magulang nito sila tumuloy.