Kinakabahan pa rin si Glenn nang bumaba ito ng kotse.
Nauna ng pumasok sa loob ng bahay ang mga magulang ni Lynette. Maging mga magulang ni Glenn.
Noong malaman ng mga ito ang tungkol sa kambal ay kaagad na nagkumahog ang mga ito na sumama sa kanila ni Lynette.
"Hey! Ano pa ang itinatayo mo riyan?" tanong ni Lynette. Binalikan nito si Glenn nang mapansin nito na hindi nila ito kasunod.
"Kinakabahan kasi ako, eh. Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko at reaksyon nila kapag nakaharap ko na sila." Hindi mapakali na turan ni Glenn. Kaya hindi napigilan ni Lynette na matawa sa itsura nito.
"Umayos ka nga! Kapag nakita ka nila makikilala ka nila. At matutuwa sila. Dahil matagal ka na nilang gustong makita. Kaya halika na." Nilapitan ito ni Lynette at hinawakan sa kamay, para hilahin papasok ng bahay.
Wala ng nagawa si Glenn kung hindi ang magpatianod sa dalaga.
Pagkapasok nila sa bahay ng mga Smith ay napalingon sa kanila ang lahat. Agad na dumako ang tingin ng kambal na sina Glenda at Lyndon sa kanilang ina at sa kasama nitong si Glenn.
"Daddy?! Daddy!" Magkasabay na sigaw ng kambal sabay takbo palapit kay Glenn para yakapin ito.
Parang natulos naman sa kinatatayuan niya si Glenn. Hindi malaman kung ano ang gagawin.
"Mommy, is he really our dad?" tanong ng isa sa kambal.
"Yes, Glenda, he is," nakangiting tugon ni Lynette sa anak.
"We've been praying every night to finally meet you, Daddy," Glenda cried after saying that.
"Hey, hush, don't cry," hindi pa rin malaman ni Glenn ang gagawin lalo na nang umiyak na pareho ang kambal.
"Hug them. Ano ka ba?" susog ni Lynette sa binata.
At iyon nga ang ginawa ni Glenn. Niyakap nito ang kambal. At hindi niya maipaliwanag sa sarili kung ano ang nararamdaman.
"Is this what they say, lukso ng dugo?" sambit ni Glenn na halos maiyak sa nararamdaman. "I can't believe this! Kamukha ko sila."
"Hmp! That's unfair. Ako ang nagpakahirap maglihi at umiri. Tapos paglabas nila, ikaw ang parehong kamukha nila," naka-pout na reklamo ni Lynette.
"Oo nga, anak. Kamukhang-kamukha mo ang mga anak mo," teary eyes na komento ng ina ni Glenn.
"No doubt. Malakas talaga ang dugo natin, anak. Akala ko hindi mo na kami mabibigyan ng apo, eh. Pero tignan mo naman, dalawa pa sila." Tuwang-tuwang turan naman ng ama ni Glenn.
"I can't believe this as well, Dad. Pero ngayong yakap ko na sila, sobrang saya ko. Ang sarap sa pakiramdam. May anak na pala ako. And they are just so beautiful." Hinalikan nito sa buhok ang dalawang bata. "Lynette, thank you for allowing us, especially me, to meet them."
"Napatunayan mo na, deserve mo silang makilala. And besides karapatan mo 'yon bilang ama nila. And sorry, kung ngayon ko lang sinabi sa 'yo," hinging paumanhin ni Lynette kay Glenn.
Halika nga rito." Inilapit ito ni Glenn sa kanila at niyakap din. "Now that we're together, hindi na tayo maghihiwa-hiwalay."
"Really, Daddy? You are now staying with us?" Lyndon asked.
"Oo, anak. Pero iyon ay kung papayag ang mommy ninyo na pakasalan ako," saad ni Glenn na ikinasinghap ni Lynette.
"Are you proposing to me, Glenn?" she inquired, surprised.
"Yes, Lynette," tugon ni Glenn sa dalaga. Saka ito lumayo muna sa kambal at may kinuha sa bulsa ng kanyang pantalon.
Then, on bended knees, ay inilahad nito ang kahon na may sing-sing sa harapan ni Lynette.
Natuptop naman ni Lynette ang bibig sa gulat.
"I know it's kind of late. Dahil sampung taon na ang mga anak natin. But still, will you marry me, Lynette?" Kinakabahan na hinintay ni Glenn ang magiging sagot ng dalaga. "I want to make it all right. And start a life with you and our kids. Will you allow me to take care of you and them?"
Maluha-luhang napatango si Lynette. "Y-yes, Glenn. I will marry you." Umiiyak ng sagot nito.
Mabilis na isinuot ni Glenn sa daliri ni Lynette ang sing-sing. "Thank you, Lynette. For loving me. For helping me figure out my true identity. I promise to give you what you deserve." Gamit ang mga kamay ay pinunasan nito ang luha sa pisngi ng dalaga. Then he kisses her.
Yumakap naman ang kambal sa dalawa.
"We are so happy! We have a complete family now," wika ni Glennda.
"We are excited to live with you, dad," sabi naman ni Lyndon.
"Pangako babawi ako sa inyo. I will spend more time with you. Para magawa natin ang lahat ng mga hindi natin nagawa ng magkasama noon," turan ni Glenn sa mga anak. "Thank you for not giving up on me." Bulong nito kay Lynette.
"Ako ang hindi mo sinukuan. Kaya salamat. Dahil sa 'yo buhay ako at makakasama ko kayo ng matagal ng mga anak natin," sambit naman ni Lynette.
"So, kailan ang kasal?" singit na sa usapan ni Mrs. Smith.
"Kailangan na natin iyang planuhin sa lalong madaling panahon," hirit naman ng Mommy ni Glenn.
"At gusto ko engrande ang kasal ng unico hijo ko," banat ng daddy ni Glenn.
"Ayan din ang gusto ko para sa unica hija ko, kumpadre," sang-ayon ng ama ni Lynette.
Kaya naman nagkatinginan ang dalawa.
"Mukhang wala na tayong magiging problema," nangingiti na sabi ni Glenn kay Lynette.
"Oo nga. Pero may suggestion ako,"
"Ano 'yon?"
"Pwede ba nating unahin ang honeymoon?" Itinaas-baba pa ni Lynette ang kilay. "Na-miss kasi kita, eh. Ang tagal ko kayang naghabol sa 'yo."
Pulang-pula naman ang mukha ni Glenn dahil sa mga sinabi ng dalaga.
Nagkatawanan naman ang mga magulang nila.
Napapakamot na lang sa kanyang ulo si Glenn.
Matapos nga ang ilang buwan na paghahanda ay ikinasal ang dalawa.
Present siyempre sa kasal ang mga kaibigan nila. Pati na ang mga naging close ni Lynette sa ospital.
Ang kanilang anak na sina Glennda at Lyndon ang naging flower girl at ring bearer nila. Ang naggagandahang sina Brea, Gwen, Tammy at Samantha naman ang bridesmaid.
Wala namang pagsidlan sa saya ang puso ni Lynette. Dahil sa wakas ang lalaking hindi inaasahang magpapatibok ng kaniyang puso at nagbigay sa kanya ng anak na kambal ay kaniya ng asawa.
Lynette finally recovered from her heart disease. Samantalang si Glenn naman ay tuluyan na ngang nagpakalalaki para sa kanyang mag-iina. Kaya naman namuhay sila ng masaya sa piling ng isa't-isa.
_wakas_