ALL I can hear is the tapping sound coming from the roof because of the continuous rain. Malakas pa rin ang ulan at imbis na natutulog na ako ngayon ay mulat na mulat ako. Yago is beside me, but my back is facing him. Hindi ko ata kayang humarap sa direksyon ni Yago. Ang isiping magkatabi kami sa kama ay masyado nang nagpapakaba sa akin, ano pa kung haharapin ko siya. Balot na balot ako ng kumot dahil malamig ang kapaligiran pero bigla akong pinagpawisan nang tumabi sa akin si Yago kanina. Hindi ko alam kung dadapuan pa ba ako ng antok ngayon. Gumalaw si Yago sa tabi ko kaya’t naestatwa ako. Parang maging paghinga ko ay tumigil sa paggalaw ni Yago. Ako na lang kaya ang matulog sa sofa? Naramdaman ko ang mainit na paghinga ni Yago sa may batok ko. Nanlaki ang aking mga mata. Gaano na b

