KABANATA 2: Wendy

1414 Words
Salina "Nagulat ako roon! Ay kalaki naman!" nakahawak pa sa dibdib kong sabi. "Mabuti na lamang at nakasarado ang pinto. Naku, malalatayan tayo nito! Doon na nga tayo maghanap sa mga website. Makakahanap din tayo. Lagi mong tatandaan if there is hope, may pag-asa ang bansa." Nag-apir naman kami ni Wendy. Naghanap na ulit kami at nanood pa sa TokTik ng mga videos kung saan may mga totoong trabaho at hindi virus ang link. May binuksan naman kaming website at maraming lumabas. "Karami naman. Totoo kaya ang mga iyan? Baka mamaya ay virus na naman," tanong ko. "Ala ay 'di subukan natin. Tingnan natin ito. Hiring janitress-" "Huwag naman iyan! Grabe ka naman sa akin! You are too much to overcome! Pareho naman ng inaral ko. Sayang ang English ko nito,tsk." Pag-ismid ko at saway kay Wendy. Naghanap naman na kami ng iba pang trabaho. Iba't iba ang binuksan namin na link. Mayroong sa Pampanga, Bulacan, Mindoro, kahit sa Marawi ay mayroong hiring. Ang kaso ay napakalalayo. Ang gusto ko sana ay sa Maynila upang lungsod ang aking mapuntahan. "Ito oh, sa ads! Hiring secretary, 50k advance!" Napatingin naman ako sa tinuro ni Wendy. Pinindot naman namin ito at lumabas ang isang kumpanya. Agad naman akong nag-sign in gamit ang aking pangalan at password. "Mukhang maganda ito. Tingnan mo nga ang mga kailangan, Wendy. Gusto ko iyan dahil secretary. Sakto sa aking natapos na kurso," sabi ko. Agad namang tiningnan ni Wendy. Lumabas ang mga katangiang kailangan. Napakarami kong kailangang ipasa. Ilang soft copy ng full body picture sa tatlong klase ng damit, 2x2 picture, resume, CV, letter, diploma, proof of residency, NBI Clearance, skills and speaking, pati na rin mga private information. "Naku, napakarami naman ng kailangan. Huwag na kaya r'yan?" tanong ko kay Wendy. "Gaga ka ba? Sayang! Gora ka na r'yan dahil malaki ang bigayan. At saka ang alam ko ay natural lang naman na maraming kailangan sa kumpanya. Malaki naman din ang ibabayad. Tiba-tiba ka panigurado. Malaki na ang maitutulong ng perang makukuha mo para kay papang," payo ni Wendy. Tumango naman ako. Nag-fill up na ako ng information at reservation form na gusto kong mag-apply. Isinulat ko rin sa papel ang mga bagay na kailangan kong ipasa. Tutulungan ako ni Wendy at papahiramin din ng magaganda niyang damit upang makapasa ako at makapasok sa kumpanya. Ang ganda nga ng pangalan ng kumpanya, La Miero Enterpise. Sana ay babae ang maging boss ko. O kaya ay gwapo at binatang may mapipintog na abs, hihi. "Ano na naman ang pinapantasya mo r'yan? Natawa ka na namang mag-isa," sita sa akin ni Wendy. "Kung hindi babae ang boss ko, sana ay binata. Iyong gwapo, matangkad, at may mapintog na abs," kinikilig kong sabi. "Oh la la! Ang halay mo ha! You are wild like a tiger!" kumento naman niya. Umalis ang ama ni Wendy kaya solo namin itong bahay. Bumaba naman kami at nagtimpla ng iced coffee sa tanghaling tapat, napakasarap. Sinamahan pa ng mainit-init na monay. Umakyat na ulit kami ni Wendy. Nag-search naman siya paano gumawa ng CV at letter. Focus na focus kaming dalawa sa pagti-takedown notes. Kailangan kasing maganda ang maging kakalabasan nito. Hindi ako maaaring magpasa ng basura. Magaling naman kami ni Wendy sa english kaya hindi na namin kailangan ng tulong sa iba. "Naisulat mo ba lahat ng nai-search natin?" tanong sa akin ni Wendy. "Sige, saglit lang. Kukuha lang ako ng magandang layout sa internet pagkatapos ay simulan na natin," sabi ni Wendy habang nagki-click sa mouse. "Kahit ano na lang. Ay, floral siguro para maganda. Basta bulaklak na border siguro. Gandahan mo rin ang font," sagot ko. "Gaga! Magpapasa ka ba ng project? Dapat formal. Ako na nga ang gagawa sabihin mo na lamang ang mga ilalagay," iyamot namang sabi ng bestpren kong ito kaya napanguso ako. Nagsimula na siyang magtipa. Nilagay niya na ang mga importanteng detalye tungkol sa akin. Sino ba ako, saan nakatira, at kung ano-ano pa. Name: Maria Salina Matuwid Age: 21 years old Address: Purok Uno, Brgy. Matubol, Batangas City Birthday: October 1, 2000 Nilagay na rin ni Wendy ang tungkol sa educational background ko. Dati kasi ay may kakilala si papang na namemeke ng dokumento kaya napagawan niya ako ng diploma sa elementarya at highschool. Kunyari pa ngang matataas ang marka ko sa card. Sunod naman ay ang mga skills. Wala pa naman akong work experience kaya nilagay namin ay none. Dito na kami ngayon sa skills kaya alam kong marami akong mailalagay. Talented na ako, masipag pa. "Idikta mo ang mga ilalagay ko sa skills," utos ni Wendy. "Sige," sagot ko. Skills: -Dancing -Singing -Dishwashing the dish -Swipping the floor -Coconut the floor -Good at computer -Sharp ears that can hear news from Brgy. Matubol to Brgy. Malambot (7 barangay distance) -Good at TokTik (300 followers) -Famous at Fbook (1301 friends) Napakadami kong nailagay sa skills. Hays, napakalented ko talaga. Kapag ako ay hindi pa natanggap nito, hindi ko na alam. Aayaw pa ba sila sa magandang tulad ko? "Sigurado ka ba sa coconut the floor? Parang mali eh," tanong sa akin ni Wendy. "Saan ba gawa ang bunot? Sa buko 'di ba?" tanong ko rin kay Wendy. Tinanguhan naman niya ako. "Oh, ang english ng buko ay coconut. Tama iyan." "Ang talino mo talaga. Paniguradong papasa ka rito," puri ni Wendy. Napangisi naman ako at medyo nagpabebe. Matapos namin gawin ang CV ay nag-print na si Wendy. May printer kasi sila, talagang mayaman itong kaibigan ko. Aesthetic nga itong kaibigan ko, may nakasabit na lightsaber sa kwarto. Iyong sa star wars, hindi lightsaber ng artista. Iba kaya si Wendy. Rich like vitamins ang babaeng iyan. "Gawin naman natin itong letter. Isulat mo sa papel pagkatapos ay ita-type ko. Gandahan mo ang sulat ha," sabi ni Wendy. Inabot naman niya sa akin ang ballpen at papel. "Oo, ako pa ba," mayabang kong sabi. Nagsulat na ako ng letter, in english ha. Medyo sumakit pa nga ang ulo ko dahil medyo hinabaan ko ito. Kapag ako hindi nila tinanggap, mag-isip-isip na sila. Hindi nila pwedeng tanggihan ang ganito kagandang mga dokumento. Lalo na kapag nakita nila ako sa personal, baka gawin pa nila akong model ng kumpanya. "Ito na, Wendy. Type mo na." Halos sampung minuto bago natapos sa pagta-type si Wendy. Diretso print na ulit kami. Nang nasa kamay ko na ang papel ay binasa ko ito. To Wife Corporation: A peasant day to all of you. I am Maria Salina Matuwid, applying as a secretary of the president. I will accept the job even if my boss is the president of the Philippines. I wish to have a boss with a juicy lemon, or with a six pack buns. But a normal boss with eyes and nose will do. I am talented enough and can be fitting small to extra large for the job. I can sing, dance, and also do household chores for the boss. I also know how to twerk, and entertain the boss so he will not cry becausing of stress. I don't want my boss to die and be stressed. I am also a loving people. I can love my boss and make him smile everyday. I will do 'bulaga' or 'bato bato pick' so he will not cry. I can also do his paperworks and create an airplane. I will do my best to be fit like The Rock for the job. Again, I am Ms. Matuwid, straight is my last name but I am sexy. I will do anything and anymore for the job vacancy. Best regards and best wishes to the company, happy wedding. I hope you like my letter and proposal. Loving You, Maria Salina Matuwid "Wahhh! Ang galing mo talaga!" "Ako pa ba!?" Nagyakapan kami ni Wendy at nagtatalon sa kama dahil sa tuwa. Matapos namin na i-compile ang mga kailangan ay napagdesisyunan naming bukas na gawin ang iba. Bibili rin kami ng bond paper para mai-print ang mga picture ko. Gusto kasi ni Wendy na magkaroon daw ako ng kopya sa lahat. Baka raw sabihin na may kulang ako sa dokumento pagdating ko roon. Mabuti na ang sigurado. "Salamat ha," nakangiti kong sabi kay Wendy. "Aysus! Ala, para kang others. Ikaw pa. Kalakas mo sa akin," banat ko naman. Nagpaalam na ako kay Wendy. Dali-dali akong umuwi papunta sa amin dahil baka magising na si papang. Kapag nalaman niya na tumakas na naman ako ay talagang malilintikan na. Hindi pwedeng malatayan ang aking juicy flawless skin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD