HABANG NAKALUBOG PA si Benjamin sa dagat, dumungaw at isinampa naman niya ang mga braso niya sa sahig ng yate kung saan nakaupo naman si Silver roon na nakalubog naman ang tuhod hanggang paa sa may tubig. "This place is awesome, man. Thanks for inviting us." "No problem. If we have some other time, let's go back here." "Hmm sure. -- by the way, our company will be having a year-end party on the 30th. I'll send you an invitation. Nasabi ko na rin kay Khalil at pumayag naman din siya." "That's cool. I would like to come." at nangiti naman ng tuluyan sa kanya si Benjamin. Biglang ahon naman na si Benjamin at nilagpasan lang nito si Silver. Hinayaan na lamang niya ito at bumalik siya ng tanaw sa karagatan. Hindi niya alam kung bakit nais lamang niyang tumanaw sa dagat, halos wala namang n

