NAKABALIK NAMAN NA sila sa dalampasigan bago pa kumagat ang dilim, kaagad na rin silang nagtulong sa pagdala ng gamit nila pauwi sa beach house ni Silver. Magkasabay muli sina Evie at Ingrid sa paglalakad at nauuna na sila kaysa sa mga lalaki. "Sayang naman itong binake natin, ni hindi nagalaw." paghihinayang pa ni Ingrid habang dala ang food container. "Okay lang yan, makakain pa natin yan mamaya." nakangiti lang din namang saad ni Evie rito. Pagkadating nila sa beach house, dumiretso naman na sila sa pool area ng bahay at doon na lamang nila ipagpapatuloy ang barbecue party nila. Nag-setup muli si Silver ng ihawan nila habang nagpapatugtog na siya ng music sa pool area. Tinutulungan naman na sila ng tauhan ni Silver sa pagiihaw. Nasa pool naman na sina Khalil, Ingrid at Benjamin, h

