"Umamin ka nga sa akin, Aya," nagsalita si Papa sa likod ko, na noon ko lang din napagtanto na nasa likod ko pala siya. Talagang sinundan niya pa ako hanggang dito… para lang, ano? Para ba hulihin ako sa aktong… kiligin sa lalaking 'yon? Gosh! Hindi ako 'to! Ano bang nangyayari sa iyo, Aya?! "Boss mo lang ba talaga ang lalaking 'yon, Aya? Sigurado kang 'yon lang ang relasyon mo sa kanya? Wala nang iba?" Base sa mga tingin ni Papa sa akin, punong-puno ng pagsususpetsya ang mga mata niya. Kahit sa tingin pa lang, alam ko na agad ang nais niyang ipahiwatig. Na maski si Papa ay nahihiwagaan na rin sa akin. Na maski ang sarili kong ama, pinagdududahan na rin na may kung anong namamagitan sa amin ng lalaking 'yon. "Wala, pa. At malayong patulan ko ang lalaking 'yon." Hinirap ko si Papa nan

