Chapter 9: Ang Sulat

1310 Words
Malamig. Pakiramdam ko’y may pumipisil sa dibdib ko habang tinititigan ang papel na hawak ko. Ang sulat ni Pia. Pero bakit… parang hindi siya ito? Ang handwriting, pamilyar. Pero habang binabasa ko, may kung anong bumubulong sa likod ng utak ko—may mali. Gumalaw ang kurtina sa silid, kahit walang hangin. Humigpit ang hawak ko sa papel. Nanginginig na ang mga daliri ko. Sa gilid ng paningin ko, may aninong dumaan sa may pinto. Pero wala namang tao. Nilunok ko ang kaba, bumalik ang tingin ko sa sulat. Kailangan ko itong basahin. Kailangan kong malaman ang sagot. Dahan-dahan, binuksan ko ang nakatiklop na papel. Ang unang linya—"Gabo, kung binabasa mo ito, alam kong hindi mo pa ako kayang kausapin." At biglang tumunog ang cellphone ko. Mabilis akong napaatras, muntik nang mabitawan ulit ang papel. Sa screen—isang bagong mensahe. UNKNOWN NUMBER: “Alam mo na ba kung sino ang kasama mo diyan?” Bumigat ang paligid. Pakiramdam ko’y biglang sumikip ang kwarto, parang may humihigop sa hangin. Nagpatay-sindi ang ilaw sa kisame—sumasayaw, tila may sariling buhay. Nanginginig kong binasa ulit ang sulat, pilit inaalis sa isip ko ang kakaibang takot na bumabalot sa akin. "Pero may kailangan kang malaman." Napakurap ako. Sa sulok ng papel, may bahid ng tinta—parang may binura. Ginamit ko ang daliri ko para kuskusin ito, pero lalo lang kumalat ang sulat. At doon ko napansin… hindi ito tinta. Dahan-dahan akong napalunok. Ang nakasulat sa papel—unti-unting kumakalat na kulay pula. Parang… dugo. Biglang may tumunog sa labas ng kwarto. Isang mahina, pero matalim na tunog—parang kuko sa kahoy. CRRRRKKK… Parang may dumaan sa labas. Napatingin ako sa pinto. “Naisara ko ba ‘yon?” Tumayo ako, habang dahan-dahang lumapit. “Dapat wala namang tao rito.” Pero habang papalapit ako, biglang lumamig ang paligid. Bumilis ang t***k ng puso ko. May anino sa ilalim ng pinto. May isang pares ng paa. Tumigil ako sa paghinga. “Sino ‘to?” Naglakad ang anino, papalapit. CRRRK… Mas lumakas ang tunog, mas bumigat ang takot sa dibdib ko. At bago ko pa matanong kung sino, biglang tumunog ulit ang cellphone ko. BZZZZT! Napatingin ako sa screen. Isa pang text. UNKNOWN NUMBER: “Buksan mo ang pinto, Gabo.” FLASHBACK. "Gabo, kung may mali akong magawa sayo, matatanggap mo ba ako kahit hindi mo maintindihan?" Tumigil si Pia sa harap ko, ang kamay niya mahigpit na nakapulupot sa baso ng alak. Ang mata niya—hindi lang lasing. May takot. Hindi ko iyon napansin noon. Pero ngayon… ngayon, kitang-kita ko. Napansin ko rin ang paggalaw ng daliri niya, parang may iniisip na dapat sabihin pero hindi kaya. "Pia, ano ba yang pinagsasasabi mo?" Napangiti siya—pero hindi ito yung tipikal niyang ngiti. Ito ‘yung ngiti ng taong sumusuko. At hindi ko ito binigyan ng pansin. "Gabo, kung sakali lang..." Umiling siya, napatingin sa sahig. "Kung sakali lang na may isang bagay akong ginawa na hindi mo magugustuhan… ipaglalaban mo pa ba ako?" Dapat tinanong ko siya. Dapat kinulit ko siya kung anong ibig niyang sabihin. Pero ang naaalala ko lang, tumawa ako. "Ano ba 'to, Pia? Lasing ka na ba?" Tiningnan ko lang siya na parang wala lang. Hinaplos ko ang likod ng palad niya, walang kaalam-alam na may bumabasag na sa kanya sa loob. At ngayon, lahat ng sagot na hinahanap ko… nasa kamay ko. Bumalik ang tingin ko sa sulat. “Gabo, kung binabasa mo ito, alam kong hindi mo pa ako kayang kausapin.” Napalunok ako. Ipinikit ko ang mata ko at muling binalikan ang eksenang iyon. Ngayon, parang may bumubulong sa akin—”Tingnan mong mabuti. May mali sa alaalang ito.” Nakita ko ulit si Pia sa alaala ko, pero may isang bagay akong napansin na hindi ko nakita noon. May pasa siya sa braso niya. Bumalik ako sa alaala ng gabing iyon, sa mismong sandali kung saan dapat may ginawa ako. Pero wala. Tiningnan ko lang siya habang pinapakinggan ang pagtawa niya, ang paraan ng pagyuko niya sa sahig, ang panginginig ng mga kamay niya. Dapat tinanong ko. Dapat sinabi ko—”Ano bang nangyayari, Pia? Magsabi ka nga sa akin ng totoo.” Pero ang ginawa ko lang, tumawa kasama niya at hinayaan siyang bumagsak nang mag-isa. Ngayon, narito ako, hawak ang isang sulat na maaaring sagot sa lahat ng tanong ko—o simula ng mas matinding sakit. "Kung gusto mong malaman ang totoo… hanapin mo ako." Napasinghap ako. Sa likod ng utak ko, bumalik ang tunog ng pagtapik sa pinto. Tumunog ulit ang cellphone ko. UNKNOWN NUMBER: "Buksan mo na ang pinto, Gabo." Hindi ako makahinga. May aninong lumalabas sa ilalim ng pinto. Mas dumidiin ang tunog ng kaluskos sa sahig. At sa isang iglap—parang bumalik ako sa realidad. Tahimik. Dahan-dahan akong lumapit sa pinto. Ang bawat hakbang ay parang may bumubulong sa akin na huwag ko itong gawin. Pero kailangan. Dahan-dahan kong inabot ang doorknob. Nilamon ako ng katahimikan, ni hindi ko marinig ang sarili kong paghinga. At nung sa wakas ay pinihit ko ang pinto—biglang bumukas ito mula sa kabila. Nanlaki ang mata ko. Sa harap ko… Si Pia. Buhay. Nakatayo. Pero isang bagay lang ang hindi ko matanggap—ang ngiti sa kanyang labi. At bago ako makapagsalita, sinabi niya ang isang bagay na nagpalamig sa buong katawan ko—"Alam kong darating ka, Gabo." "Pia didn’t just cheat on you. May mas malalim na dahilan." Parang nawala ang lahat ng tunog sa paligid. Nanatili akong nakatayo sa harapan ng nakangiting si Pia—o kung sino man siya. Hindi siya gumagalaw, hindi kumukurap. Nakatayo lang, nakangiti, parang may kung anong mali sa kanya na hindi ko mailarawan. Nagpakawala ako ng nanginginig na hininga. "Pia…?” Hindi siya sumagot. Pero ang ngiti niya, parang mas lumapad. Ang likod ng batok ko, nagsimulang mamasa ng pawis. Paano siya nakarating dito? Bakit siya nandito? At higit sa lahat—Totoo ba siyang nasa harapan ko? Bumaling ako sa sulat sa aking kamay. Basa pa rin ng pawis ang mga daliri ko, mahigpit na nakahawak na parang kapag binitawan ko ito, mawawala ako sa realidad. "Ano ‘to, Pia?" Sa wakas, nagsalita siya. Pero ang boses niya… Mali. Matinis. Mabagal. Parang kinakaladkad ang bawat salita. "Gabo… ayaw mo ba akong makita?" Nagpatuloy siya sa paglapit. Dahan-dahan. At habang papalapit siya, doon ko lang napansin—ang mata niya. Walang emosyon. Parang itinurok lang sa mukha niya. Walang luha, walang kirot, walang kahit ano. Gusto kong umatras, pero nanigas ang katawan ko. Pumikit ako sandali. Baka panaginip lang ‘to. Binuksan ko ulit ang mata ko—nakatayo na siya isang pulgada lang mula sa akin. "Bakit ka nandito?" Hindi ko namalayang halos pabulong ko na lang itong nasabi. Ngumiti siya, pero hindi ito yung dating ngiti ni Pia. Parang maskara. "Ikaw ang tumawag sa’kin, Gabo. Ikaw ang humiling na bumalik ako." Nanlamig ang kamay ko. Hindi totoo. Hindi ako tumawag. Napalunok ako, sinubukan kong humakbang palayo pero hindi ko magawa. Ang utak ko, pilit naghahanap ng rason. Pero paano kung totoo? Paano kung nandito nga siya? Paano kung… may isang bagay akong hindi ko pa naiintindihan? Pinilit kong gawing matatag ang boses ko. "Kung gusto mong ipaliwanag ang lahat, Pia… sabihin mo na ngayon." Si Pia (o ang anino niya) ay tumingin sa akin ng malalim. "Sigurado ka bang kaya mong marinig ang sagot?" Hindi ko alam kung anong dumaloy sa katawan ko. Takot? Galit? “Gusto ko lang matapos ‘to. "Gusto kong malaman ang totoo." Muli siyang ngumiti. Pero ang hindi ko inaasahan—lumapit siya at hinawakan ang kamay ko. Bago pa ako makaalis, may bumulong sa tenga ko. "Ibabalik ko ang lahat ng sakit, Gabo." Isang iglap lang. Biglang dumilim ang paningin ko. Tapos— Wala.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD