Napatingin ako sa aking telepono ng biglang tumunog ito kaya agad ko namang tinignan. Nakita ko doon ang numero at pangalan ni Gelyn, yong cute na manager sa restaurant ni Aldrin. Narito lang ako sa bahay dahil hindi ako pinapasok ni Jacob. Nagpasa na rin naman ako ng leave sa boss kong si Aldrin kaya ngayon ay panay asikaso ni Jacob sa akin. "Hello, Gelyn. Bakit?" tanong ko sa kabilang linya. "Mabuti sumagot ka, Jessie. May ipapakiusap sana ako kung okay lang," sagot sa akin sa kabilang linya. Ang lambot ng boses nito, tila ba sobrang napaka-inosente. "Oo naman, ano ba 'yon?" tanong ko dito. "m-may party kasi kami dito sa bahay. Gusto ko sana imbitahin ka." Nag-aalangan nitong saad sa akin pero nagdadalawang-isip rin ako dahil baka hindi ako payagan ni Jacob dahil subrang nag-aalala

