"Wife, bakit ka ba nagkakaganyan? May nangyari ba?" tanong ni Jacob na nag-aalala sa akin. Napansin niya siguro na hindi ako mapakali tuwing malalaman kong wala siya sa tabi ko. Para akong mababaliw, lagi akong nagigising na hindi siya nakikita. Natrauma ata ako sa panaginip ko. Sino ba naman hindi matatakot kung mahal mo na sa buhay ang mawawala sayo? "N-natatakot ako, Jacob. Nanaginip kasi ako," sumbong ko dito bago ito lumuhod at hinawakan ang kamay ko. Medyo natagalan din kaming nakarating sa bahay dahil kay Jacob. Pagdating naman namin, sakto rin na paalis si Lola para mamalengke raw. Hindi na kami nag-usap ni Lola tatanongin konalang siguro pagbalik ni lola , si Vica naman siguradong pumasok na iyon sa unibersidad pati rin ang mga bata. "Tell me, wife, anong napanginipan mo?" masu

