Halo-halo ang aking nararamdaman maliban sa galit , nilalamig rin ako dahil sa sahig lang ako nakahiga habang nakakulong sa bakal na rehas. Kong makakulong sila sa akin para silang nagkulong ng mabangis na hayop dahil halos bakal ang nakikita ko sa aking paligid. Walang bintana maliban na lang sa maliit na butas na nasa pintuan upang masilip ako kahit konti. Ngonit hindi sapat ang liwanag na natatanggap ko mula sa butas na iyon. Wala rin halos gamit dito, maging kumot o sapin man lang. Sana panlaban ko sa lamig, pinagkait pa sa akin. Ang tanging nandito lang talaga ay kubeta na katabi ko. Hindi ko rin alam kung ipagpapasalamat ko ba na pinapakain nila ako kahit papano, pero ang nasisigurado ko ay may balak sila sa akin kaya pa nila ako binuhay. Medyo nahihirapan akong tumayo dahil sa su

