Umowi ako na hindi pa rin nagagamot ang aking sugat dahil sa nasaksihan ko kanina kung paano yakapin ng babae si Jacob. Gusto kong puntahan at kontrahin si Jacob ngunit galit ito sa akin. Ayaw ko rin isipin nito na muli akong gumawa ng iskandalo. Pilit kong iniisip na kaibigan lang iyon ni Jacob ngunit hindi ko magawa dahil wala namang nabanggit si Jacob. Wala nga itong kaibigan na lalaki, babae pa kaya mailap si Jacob at hindi ito nakikipag-halubilo basta-basta lang kaya nakakapagtaka kung bigla na lang itong may kaibigan. Masakit talaga ang aking sugat kaya naisipan kong ako na mismo ang mag gamot. Ang totoo, kasama rin sa training namin ang paggamot sa sarili namin pero sinadya ko talaga na sa hospital , dahil natatakot akong baka magbunga ang pang-aabuso sa akin. Nakakatawa lang isi

