Pagkatapos ng trabaho ko, agad na akong nagpalit ng damit. Nakakapagod rin at nakakailang, lalo na sa lalaking kanina pa binabantayan ako. Hindi naman ako makaangal kasi CEO ito, in short, amo ko. Sabay-sabay kaming nagpaalam ng mga katrabaho ko bago ako tuluyang lumabas sa restaurant . Papara na sana ako ng taxi ng biglang may huminto na mamahaling sasakyan sa aking harapan na ipinagtataka ko. Mas lalo akong nagtaka nang malaman kung sino ang nagmamay-ari ng sasakyan na iyon na huminto sa harapan ko. "Sir?" takang tanong ko. "Get in," simpleng aniya lang nito habang naka-ngisi. "Hindi na, sir," tanggi ko dito dahil baka kung ano ang iisipin ng iba. Wala naman akong pakialam sa sasabihin nila, pero ayaw ko rin gumawa ng eksena at tiyaka bakit naman ako nito papasakayin sa kotse nito

