Nakauwi na kami pagkatapos ng pangyayari kanina. Hanggang ngayon, hindi pa rin ako makapaniwala sa sinabi kanina ni Jacob. Minsan lang ito magpahayag ng kanyang damdamin kaya parang nasasaktan ako. "Jacob, galit ka ba sa akin?" mahinang tanong ko dito nang narito na kami sa aming silid. Baka kasi galit pa ito sa akin, sigurado kasi akong matatanggal na ito sa trabaho bukas dahil sa ginawa ko kanina. Ngunit alam naman nitong hindi ko kayang makita itong sinasaktan. "No, wife. Kailan man hindi ako nagalit sa'yo. Gusto ko lang sana na wag kang makisali sa susunod dahil ayaw kong madamay ka," paliwanag nito na kinangiti ko. Parang bigla atang gumaan ang loob dahil sa sinabi nito. Bukas na bukas rin magsisimula na akong magtrabaho. Ngunit tanghali lang ang schedule ko dahil may pasok naman a

