Nagising na lamang ako isang umaga na wala na sa tabi ko si Jacob. Alam kong nagpaalam ito kagabi ngunit hindi ko akalain na aalis ito ngayon na hindi nagpapaalam sa akin. Wala kaming ginawa kagabi basta natulog lang kami na magkayakap na parang takot mahiwalay sa isa't isa. Tamad akong bumangon sa hinihigaan kong kama. seguradong wala na sina Vica dito ngayon dahil may pasok sila. Hindi na kami pumasok ni Jacob dahil pinayagan narin kami nang mga prof . namin na mag aral sa bahay basta may sapat na rason ka at isa pa buntis ako. Ayaw ko na muna mapagod pero magtatrabaho parin naman ako. Napagtanto ko rin na hindi dapat ako ngayon tumiwalag sa organisasyon dahil baka mapahamak ang anak ko kapag isinagawa na ang ritwal sa pagkalas ko. Kaya kailangan pa rin talaga akong mag-ingat dahil se

