Mahigit tatlong oras na akong nakaupo rito sa malamig na bangko sa labas ng operating room. Para bang bawat segundo ay humahaba. Ang ingay ng mga sapatos ng mga dumaraang nurse at doktor ang tanging pumupunit sa katahimikan, at sa tuwing bumubukas ang ilaw sa pintuan ng operasyon, napapalingon ako nang may kaba at pag-asang may balita na tungkol kay Kokoy. Pagdating ko kagabi pagkatapos kong makipagkita kay Angkol, hindi na ako nagpatumpik-tumpik. Diretso agad ako sa nurse station, halos hindi na inalintana ang pagod, para lamang ma-schedule ang operasyon ng kapatid ko. Ngunit kahit anong pilit kong ituon ang isip ko kay Kokoy, paulit-ulit bumabalik sa alaala ko ang kapangahasang ginawa namin ni Angkol kapalit ng 50,000 pesos. Ang bawat galaw niya, bawat tingin na parang binabasa ang la

