Douglas POV Pagdating ko sa mansion, agad akong nadatnan ni Ate Cory. Halata sa kanyang mukha ang kakaibang saya para bang may malaking balita siyang ikinagagalak. “Dougi, good news!” Masigla niyang sambit habang kumakaway sa akin. Napangiti ako ngunit nagkaroon ng konting pagkabigla. “Ate, naman… mapagkamalan pa akong aso dyan sa tawag mo. Pambihira talaga” biro ko, sabay hagod sa ulo ko. Tumawa siya nang malakas. “Ay naku, kaw talaga ang arte mo, o sige Lassi.” “Eh iniba mo lang naman eh, ginawa mo pang pangalan ng aso!” sagot ko, na may halong pang-iinis. “Tsk! Kaw talaga, bunso napaka-reklamador mo. Kaya nga hanggang ngayon, wala ka pang girlfriend! kasi isip bata ka” sabay kindat niya sa akin na para bang naglalaro. "isip bata kamo eh kasasalat ko nga lang" "anong sabi mo Do

