CHAPTER 40

1714 Words

Douglas POV Pinaglaruan ko ang stick ng sigarilyo sa pagitan ng aking mga daliri, hinahayaan kong sumayaw ang usok sa loob ng aking sasakyan. Ilang ulit ko na ring sinindihan, sabay patay, tila bang bawat buga ay may kasamang kaba at pangamba na hindi ko maipaliwanag. Ilang oras na rin akong naghihintay sa tawag...kay Frederick, kay Magellan, pero tila pati ang oras ay sinagad na rin ako sa kakahintay sa balitang pwedeng babago sa lahat. Lampas isang oras na akong nakaupo sa harap ng aking kotse, nakatigil lang, nakamasid sa malayo. Ang cellphone sa aking bulsa ay kanina pa nag-iingay, sunod-sunod ang tawag nina Mommy at Daddy, ngunit ni isa ay hindi ko sinagot. Wala na akong lakas ng loob harapin ang mga tanong nila lalo na’t ako mismo, hindi ko pa rin alam kung ano ang isasagot ko.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD