Douglas POV Wala akong sinayang na oras. Agad kong dinaluhan si Alivia upang yayain siyang umalis. “Let’s get out of here” bulong ko, halos pakiusap na. Ngunit imbes na sumama siya, namuo ang luha sa kanyang mga mata. “Angkol, please… ayusin muna natin ‘to lahat.” mahina niyang sambit, halos hindi ko na marinig dahil sa kaba at kirot na sabay sumiklab sa dibdib ko. “Douglas! Hindi mo makukuha sa akin ang anak ko!” sigaw ni Ate Cory habang pinipigilan ako. Hinawakan niya ang braso ni Alivia, pilit itong inilalayo sa akin. “Tapos na ang lahat, Ate!” bulyaw ko, halos mabasag na ang tinig ko sa galit at sakit. “Malaya na kami ni Alivia! Ano pa bang gusto ninyo, ha?!” Ngunit sa bawat salitang lumalabas sa bibig ko, pakiramdam ko’y lalo lang akong lumulubog sa putik ng katotohanan. "Doug

