2 YEARS LATER Ang bilis nga talagang lumipas ng panahon. Parang kahapon lang nang mangyari ang lahat. Ang pagkabulgar ng lihim at bawal na relasyon namin ni Angkol. Dalawang taon na pala ang nakalipas mula noon, at sa bawat araw na lumilipas, pilit kong binubura sa isipan ang mga alaala naming dalawa, ngunit sa tuwing pipikit ako, mukha pa rin niya ang unang bumabalik sa aking gunita. Pinili kong sumama kay Mama dito sa ibang bansa, kasama si Kokoy. Hindi dahil gusto ko, kundi dahil iyon lang ang tanging paraan upang takasan ang malaking kahihiyan na dulot ng kasalanang iyon. Sa simula, pakiramdam ko ay parang itinapon ako sa lugar na walang nakakaintindi sa akin ibang wika, ibang kultura, ibang mundo. Pero natutunan kong makibagay, ngumiti kahit mabigat ang dibdib, at maging matatag sa

