Naging mainit at puno ng tensyon ang gabing iyon. Ang gabi ng komprontasyon nina Angkol at Sylvester. Ang bawat titig nila ay parang dalawang leon na handang magpatayan sa gitna ng dilim. Kung hindi lang dumating si Grandpa, marahil ay sumabog na ang galit ni Angkol, at baka hindi lang salita ang binitawan niya kay Sylvester. “Douglas!” dumadagundong na boses ni Grandpa mula sa aming likuran, matigas,at puno ng awtoridad. Lahat kami ay napalingon tila ba biglang huminto ang oras sa aming tatlo. Si Angkol na kanina ay handang manapak, ay parang natauhan bigla sa presensya ng ama nya.Bumigat ang hinga, at unti-unting lumambot ang kanyang ekspresyon nang makita ang matandang lalaki. Tahimik ang sumunod na sandali. Tanging tik-tak ng orasan sa labas ng mansion at malamig na simoy ng hangin

