Bakit pakiramdam ko may mga matang nakatingin sa akin? Habang patuloy kong iniindak ang katawan sa saliw ng tugtog, may kung anong lamig na dumaan sa batok ko. Parang may nakamasid. Pero isinantabi ko iyon baka guni-guni lang ng lasing. "Liv, umiikot na ang paningin ko… tingin ko kay Sylvester, kamukha na ni Sylvester Stallone! Aarggh!" sigaw ni Mila, sabay tawa nang malakas. “Baliw!” balik ko, sabay hagikhik. Pareho na kaming hilo, pero wala na akong pakialam. Mas masarap pala ang ganitong pakiramdam, yung kahit sandali lang, nakakalimutan mo ang lahat. Ang sakit. Ang nakatagong damdaming nagsusumiksik pa rin sa aking alaala.Ang gurang na si Angkol na matagal kong gustong burahin sa isipan. “Mila! Sige pa, walwal pa tayo!” Sumabay ako sa ritmo ng musika, kumekendeng ang bewang, dumad

