What are you doing here?!” halos mapasigaw ako nang biglang bumungad si tito Frederick sa harap ng pintuan. “I’m just a man looking for my baby,” aniya, unti-unting lumalapit. “Is there a problem about that, hmm, baby?” “Ang kapal ng mukha mo!” sigaw ko, umatras ako pero hindi ko maitago ang panginginig ng boses ko hindi ko alam kung dahil sa galit o dahil natatamaan niya na naman ang mga kahinaan ko. “Pagkatapos mo akong ipagtabuyan? Pagkatapos mo akong sabihan na mali lahat ng nararamdaman natin? Hinding-hindi mo ako makukuha pa, tito Frederick! Not ever!” Saglit siyang natahimik. Bumagal ang hakbang niya. Tila ba bawat salitang sinabi ko ay isa-isang tumama sa dibdib niya. Kumurap siya, parang hindi makapaniwala. “Azalea…” mahina niyang tawag sa pangalan ko, parang dasal na nahulo

