"Angkol!" Para akong binuhusan ng malamig na tubig nang malaman kong si Angkol ay kapatid ng tunay kong ina. Sandali akong natigilan, para bang may matalim na punyal na tumagos sa aking dibdib. Pumikit ako, umaasang maling pahayag lang ang lahat, ngunit sa muling pagbukas ng aking mga mata ay naroon pa rin ang bigat ng katotohanan. “Douglas!” sigaw ng isa sa kanila. Napatda ako, nakapirmi lang sa aking kinatatayuan, tila isang bangungot na ayaw kong magising. Wala ni isang salita ang lumabas sa aking bibig. Parang binura ng oras ang lahat ng tunog sa paligid. Lalong nanlamig ang aking mga kamay nang makita kong nagkagulo ang lahat. Si Angkol ay tuluyang bumagsak sa sahig, nawalan ng malay! (mahinang nilalang ka pala Angkol 😂😂😁) Ang kanyang mukha ay puno ng pagkabigla nang ipakilala ak

