Chapter 17

2364 Words

PINASADAHAN ulit ni Patrice ng tingin ang nasa harap. Mukha itong manang sa suot nitong mahabang damit. Kung napasama pa, parang mananakot ito sa isang horror film. Malayo sa itsura ng guwapo at makisig na matinee idol. “Calden? Ikaw talaga iyan?” tanong niya. Inalis nito ang salamin at pilit na ngumiti. “Ako nga. Tingnan mo ang dimples ko.” Humagalpak siya ng tawa. “Mukha kang mananakot sa hallway ng ospital. Malayo pa naman ang Halloween.” “Kailangan kong mag-disguise para madalaw ka. Tapos pagtatawanam mo pa ako,” naiinis na sabi nito at ibinalik ang salamin. “Kasi naman kahit na nakakatakot ang itsura mo mas maganda ka pa sa akin. Saan mo naman nahalungkat ‘yang damit mo?” “Pahiram sa akin ng asawa ni Mang Rodolfo. Kailangan ko daw mag-disguise para hindi ako maalala.” Patuloy

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD