IT WAS overwhelming. Nahihilo si Patrice sa dami ng mga personalidad na nakapaligid sa kanya. Hindi pipitsugin ang charity ball na dinaluhan nila na ginanap sa ballroom ng Sofitel. Halos lahat ng malalaking tao sa lipunan ay naroon - kilalang artista, atleta, producers, direktor, socialites, tycoons and politicians. Parang nakakapanliit dahil di niya alam kung ano ang significance niya doon. “Kinakabahan ako. Parang di na ako makahinga,” sabi ni Raymark na hinihila ang bowtie nito. “Hindi ko alam kung kakayanin kong tumayo sa stage mamaya. Gusto kong umalis na lang. Uwi na ako...” Pinigilan ni Sullivan ang braso nito. “Brother, don’t leave yet. Nakapag-commit na tayo. Nakakahiya naman kung ngayon ka pa uurong.” “Oo nga. Inaasahan na tayo,” sabi ni Jess na ang kontribusyon ay ang masarap

