“ANAK, kailangan ba akong tutukan ng camera? Hindi naman ako ganoon kaganda para mai-TV pa. Kita mo nga at wala pa akong tulog,” anang ina ni Patrice na si Aling Lita habang sapo ang pisngi. Nakaupo sila sa tabi ng swimming pool at nagre-relax. Ipinaliwanag dito na may partisipasyon nito sa episode para sa araw na iyon bago ito lagyan ng make up. “Kailangan pa bang gawin ito?” “Oras na para makilala po kayong mabuti ng mga manliligaw ko. At para rin po malaman ng lahat na di biro-biro ang trabaho ninyo,” sabi niya. “Nanay ko kaya ang gumagawa ng pinakamasarap na pastillas sa Pilipinas.” Ipinagmamalaki niya sa lahat ng negosyo nilang mag-ina. Dahil sa exposure sa telebisyon ay dumami ang orders nila. Lumaki ang operasyon nila at sa tulong din ng talent fee niya ay nakabili na ng bagong ka

