Umabot sila ng sampung tanong hanggang sa huli ay si Raymark ang pinakaunang nakakuha ng five points. Narinig niya ang pagtili ni Matilda sa gilid at nang makita niya ay nagtatalon pa ito sa tuwa. Mukhang ipinagdasal nito na si Raymark ang manalo sa quiz dahil makakasama niya si Matilda sa bar date mamayang gabi. Katatapos lang niyang magbihis nang puntahan siya nina Matilda at Desmond sa kuwarto niya. “Kailangan mong makita ito,” sabi ni Matilda at inabot sa kanya ang cellphone. Nakabukas iyon sa i********: account ni Calden. “Anong meron?” tanong niya at tiningnan ang post nito. Parang wala namang kakaiba siyang napansin. “Tingnan mo. Lahat halos ng sagot ni getting to know you quiz kanina sinagot niya sa i********: niya,” anang si Matilda. “Lahat ng sagot niya dito may kinalaman sa

