Isang matamis na ngiti ang sumilay sa labi ni Patrice at ikinikiling ang ulo. “They are my sponsor. Gusto po nila na nandito ako para i-represent ang brand. Please don’t make a scene. Kawawa ang pinaka-iingatan ninyong career ni Calden kung gagawa kayo ng eksena. Have a seat.” At inilahad ang kamay sa bakanteng upuan sa tapat niya. Mariing nagdikit ang labi ni Mina, animo’y pinipigilang sumambulat ang galit. Akala niya ay lalayasan na lang siya nito pero umupo ito sa bakanteng Queen Anne’s chair sa tapat niya. She looked like a haughty queen with an invisible crown. “Ang lakas talaga ng loob mo at tinapatan pa ng cheap mong show ang timeslot ng anak ko.” Nagkibit-balikat siya. “Desisyon po iyon ng management.” Dumukwang ito sa mesa at mariing bumulong sa kanya. “And what will you do ne

